"Where is Marco Alcantara?"
I was already here at the Nurse Station. The police called me because I was the last call of Marco. Kaagad akong pumunta sa hospital kahit hindi pa ako nagbibihis.
Napatingin ako sa gilid nang makita si Marco sa stretcher. His face was covered with blood. Kaagad akong tumakbo papunta sa kaniya habang sinusugod siya papunta sa emergency room.
"Marco." I held his hand. His eyes were half-asleep. "Hey, love. Hold on." umiiyak na sabi ko. "Marco, tangina, huwag kang mawawala." Mas lumakas na ang iyak ko nang ipasok na siya sa emergency room.
"Ma'am, sorry po, hanggang dito lang po kayo." sabi ng Nurse habang pilit akong pinapalabas ng room.
"No. Nakita mo si Marco? Kailangan ako no'n!" I shouted while crying.
"Ma'am, pasensya na po."
I covered my face and unwillingly went outside the emergency room. I was just crying and crying while looking at Marco.
"Where's my son?!" rinig ko na ang boses ni Tita Marie. Kaagad akong napatingin sa kaniya habang umiiyak. Kasama na niya sina Tito Yael at Mamita ni Marco.
"T-Tita..." nanghihinang tawag ko.
"Where's my son, Beatrice?" umiiyak na tanong niya.
Bahagya akong lumayo para makita nila si Marco sa maliit na window ng emergency room. Tita Marie walked towards the window and cried harder when he saw Marco. Pilit siyang kinakalma ng asawa niya.
Kaagad akong nagulat nang lumapit sa 'kin ang Mamita ni Marco at malakas akong sinampal.
"You manipulative girl! He was about to come with me. Ano na naman ang sinabi mo?!" galit na galit na sigaw niya. She was madder than before that I immediately worry about her heart problems.
"Sino po ang pamilya?" Biglang nagsalita 'yung Doctor kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.
Lumapit si Tita Marie. "I'm the mother."
"You!" Hinawakan ng Mamita ni Marco ang braso ko. "Get out of here!"
Napatingin sa amin ang Doctor pati ang mga magulang ni Marco pero hindi nagpatinag ang ginang sa pagtaboy sa akin. She pushed me so hard that I fell down on the floor because I really felt weak as of the moment. Wala na akong lakas lumaban. Umiiyak lang ako nang umiiyak.
"Get out of here!" sigaw ng Mamita niya.
Pilit akong tumayo at umiling. "D-Dito lang po ako." I sobbed loudly. "Hihintayin ko po... hintayin ko po si Marco."
Hindi nila ako pinansin at nag-focus na lang sa Doctor. I was just quietly waiting here at the side, mahinang humihikbi at nakatakip ang kamay sa bibig. I'm still wearing my pajama but that's the least of my concern now. Ang narinig ko na lang, ooperahan si Marco.
Mukha lang akong tangang nakatayo sa isang gilid habang inooperahan si Marco. Hindi ako pinapansin ng pamilya niya kaya medyo nakalayo ako. Paminsan-minsang umaalis sina Tita Marie at Tito Yael. Ang Mamita ni Marco ay umuwi na kaya naiwan akong mag-isa rito. Hanggang sa dalhin na sa ICU si Marco, hindi ako umaalis.
"Ano pa ang ginagawa mo rito, Beatrice?" tanong ni Tita Marie nang makita niya ako sa labas ng ICU. Kakabalik lang nila ni Tito Yael dito.
"Hinihintay ko po si Marco." magalang na sagot ko.
"Beatrice..." sabi niya sa malumanay na boses. "I don't want to be mad at you... kaya pwede ba, umalis ka na lang?"
"Hindi ko po kaya," I said weakly. "Hihintayin ko po si Marco."
YOU ARE READING
Life Of Yesterday (Only a Mémoire)
RomansaBeatrice Carla Dela Rosa is a quiet type of person, she doesn't care about the world... even about her family because she believes that she only got herself and herself in the end. Not until Marco Ysmael Alcantara came into his life, everything has...