#Epilogue03

33 5 12
                                    

"Hindi ko kabisado ang daan papunta diyan. Bakit ba kasi hindi niyo ako hinintay?" iritadong sabi ko habang kausap si Simon sa kabilang linya.

This pissed me off big time.

Tumawa siya na tunog pangasar. "Duh! Parang di ka taga rito ha? Palagi naman tayong pumupunta dito sa park, nakalimutan mo na? Porket ilang years ka na sa New York?"

"That was three years ago since i last come here." sagot ko naman.

"Yun na din yon! Basta hindi na ako makapag reply Kuya, wala na akong load. Dalian muna hinahanap ka na nila dito, sige na babush may tatawagin pa ako." sabi niya kasabay sa pagbaba niya sa tawag.

That guy! Bakit ba kasi kailangan pa mag celebrate ng valentines sa park kung pwede naman mag dinner sa restaurant? And besides, what's so special in valentines? I maybe sound so bitter right now but it's kinda cheesy for me. I hate cheesy things.

While i was ranting inside my head, may narinig nalang akong sigaw ng babae. I looked down at her and realising that i bumped into her. Shit.

"I'm sorry miss, are you hurt?" sabi ko sakanya at tinulungan siyang tumayo.

Pumikit siya ng mariin ang iniinda ang sakit siguro sa lakas ng pagkabungo ko sakanya. Shit my fault. It got me more worried that she's wearing a white skirt, baka nadumihan ang sa likod dahil napaupo talaga siya sa maruming sahig.

"I am really sorry for not looking my way. Are you okay?"

Paanong naging okay, eh nasaktan nga Stefan? Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago ako hinarap. And she looks so very familliar to me. Or not.

"Okay lang po ako, Kuya. Kasalanan ko po! Hindi ko nakita na paparating ka pala kasi nakatingin po kasi ako sa phone ko kaya, sorry po. Nasaktan ka po ba?" tanong niya sa akin at tumaas naman ang aking kilay sa tanong niya.

Is she serious? She's the one who got harmed and yet she's asking me if i was okay. This girl is weird but in the same time cute.

"Yeah, I'm fine. I should be the one who's asking that." wika ko.

"Naku! Okay lang po ako. Salamat po." nag bow pa siya nang kaunti at nginitian naman ako bago siya nag paalam para umalis.

Halatang taga rito naman siya kaya hindi na ako nagsayang ng oras na pigilan siya sa pag-alis.

"Wait!" sigaw ko nang hindi pa siya masyado nakalayo sa pwesto ko.

Mabuti nalang at lumingon siya.

"Bakit po?"

I can't find any words to speak at first pero agad naman akong bumawi.

"Do you know where the paseo is?" seryoso kong tanong sakanya.

"Pupunta ka po don?"

"Obviously," nanlaki ang kaniyang mata sa naging sagot ko at ngayon ko lang din na realize na napakasungit kong magtanong sakaniya, "Oh, I'm sorry, i didn't mean to be rude.."

"Huh? Hindi po! Hindi!" tumawa siya pero halatang halata kinakabahan din. Am i that really scary? "Sumasakit na kasi ilong ko,"

"Huh? Why?"

"Wala po hehe,"

"Are you sure?"

"Oo naman po, anyway highway pupunta din naman ako don sa pupuntahan mo kaya tara let's go, sabay na po tayo." nakangiti niyang sabi.

Hindi na ako nagreklamo at nag inarte pa kaya sumama nalang ako sakanya. It's really true that this place is turning unfamiliar to me. It's been ages since i was here.

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now