#Epilogue01

51 6 21
                                    

Ngumiti ako ng malapad nang makita siya sa labas ng hospital, na nakasandal sa kaniyang sasakyan at nakahalukipkip. Seryoso ang kaniyang mga titig na binibigay  sa ibang nurse na pasimpleng nagpapa-cute sa kaniya.

Nang nagtama ang aming mga mata, lumambot ang kaniyang ekspresyon at binigyan ako ng isang ngiti.

Syempre di ako kinilig dahil mawawala angas ko niyan.

Hindi pa ako masyadong nakalapit sakaniya, hinigit na niya ako ng isang mahigpit na yakap. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting hiya dahil nasa labas pa kami naghaharutan! Hindi naman sa ikinakahiya ko siya, eh kasi naman, PDA!

Dahil sa yakapan namin, nakasimangot tuloy ang ibang nurse hanggang sa umalis at pumasok na sila sa loob ng hospital.

"Miss mo ko?" nakangiti kong tanong habang hindi humihiwalay sa yakap niya.

Bahala na nga ang ibang tao diyan.

"So much." simpleng sagot niya sabay halik sa akin noo.

Oppsss. Okay, enough na landi Debby.

Tumawa ako at lumayo sa kaniya, agad namang nag-iba ang aura niya.

"Anong sadya mo dito? 10 minutes break lang meron ako. Madami kasi patients ngayon. Wala ka bang trabaho?"

He shrugged off his shoulders.

"That can wait." sabi niya na parang balewala lang.

Baliw ba siya?! Baka pagalitan pa siya ng daddy niya eh. Nakakatakot pa naman daddy niya.

"Ha? Gagi, baliw ka ba?"

"Baliw sayo." biglang banat niya.

Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang aking ngiti. Parang tanga!

Hinampas ko ang kaniyang dibdib at ngayon ko lang napatanto na sobrang tigas nito. Complete package na talaga to.

"Tigilan mo ko Stefan ha."

He just laughed at me and gave me a quick kiss on the lips.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil may mga tao na tumitingin sa amin.

Tumingin ako sa aking relo at binalik ang atensyon sa kaniya.

"Kailangan ko nang bumalik. Tapos na break ko."

Tumango siya at binuksan ang kaniyang sasakyan at may kinuhang paper bag doon sa loob. Kumunot ang aking noo habang nakatingin sa dala niya.

"Here." sabay bigay sa akin ng paper bag na may lamang pagkain at isang ice coffee sa paborito kong coffee shop. "Don't forget to eat lunch okay? Last time you didn't eat breakfast and lunch and just coffee. Look at you, you're losing weight. You look so pale too. That's not good Alexandra." sermon niya sa akin.

Hindi ko mapigilan ang aking ngiti habang nakikinig sa kaniya at pinapagalitan ako na parang anak niya. Ang hot naman kasing magalit ni Mr. CEO. Nawawala astig ko talaga.

"What's funny? Woman, take my words seriously, your health isn't a joke." iritado niyang sabi at may gana pang umirap.

Suplado din minsan! Aba!

"Oo na. Kakain na okay? Sige na alis ka na, kakain muna ako saglit tas back to work na ulit."

Imbes na sagutin ako, tinaasan niya lang ako ng kilay.

Luh, meron ba siya ngayon?

"Promise!" sabay taas sa aking kanang kamay na parang nanunumpa.

"Tss. I'll go now. Take care. I love you." bago paman siya umalis, hinalikan muna niya ang aking noo.

Perfectly YoursWhere stories live. Discover now