Chapter 7

328 8 0
                                    

Chapter 7

(Patnubay ang kailangan! hahaha may bs?)


Bia's POV


Maaga akong bumangon para makapag-luto ng kakainin ng amo ko. Syempre kahit nag-away kami 'nun kagabi ay kailangan ko pa rin siyang pag-silbihan dahil siya pa rin ang amo ko at ako ay taga-sunod lang niya.

Naghanap ako sa ref ng mga sangkap na lulutuin ko para sakanya. Adobo na lang? Favorite din kasi niya 'yun eh at isa pa nakokonsensya ako dahil ako naman talaga ang may kasalanan.

MAKALIPAS ng ilang minuto ay natapos na ako sa pagluluto. Sakto namang pagbaba ni Jay ay natapos na ako at nai-hain ko na din.

Pagbaba niya ay dumiretso agad siya sa kusina which is kung nasaan ako ngayon. Inunahan ko na siya, lumabas na agad ako sa kusina bago pa man siya makapasok. Ayaw ko s'yang makita or should I say? Ayaw ko s'yang maka-usap dahil galit ako sakanya dahil hindi niya man lang niya ako hinayaang mag-explain at nako-konsensya din.

Pero hindi ko inaasahang nagka-salubong kami papunta kasi siya sa kusina ako naman ay palabas. Hinigit niya ako gamit ang braso ko pero mahina lang 'yun.


"Can we talk?" Mahinang sabi niya at saka naunang pumasok sa kusina. Wala akong nagawa kungdi sumunod dahil ito ang kailangan namin.. Ang mag-usap.

Umupo siya sa tapat kung saan ang pagkain na hinanda ko. Umupo sa tapat niya. Walang nagsasalita. Tahimik. Walang gustong simulang ang pag-uusap.


Napa-yuko ako.


"Explain," tipid at ma-awtoridad niyang sabi. Grabe! kinakabahan ako.

"T-totoo naman kasing b-bored ako, ang alam ko n-next week ka pa uuwi. p-pero maniwala ka na h-hindi ko kilala 'yung lalaking 'yun. He just accompany me." Pagpapaliwanag ko. At saka hindi nama talaga ata? Si Jake yung nag-text sa'ken dati.


He stop eating and look at me, straight. "kung hindi pa ako umuwi, hindi mo rin sasabihin sa'ken?" napa-yuko at sa tanong niya. totoo naman kasing wala akong balak na sabihin yun sakanya dahil alam kong magagalit s'ya.

"I knew it," He added.


"A-ano bang pakialam mo?"


Nagulat ako sa tanong na lumabas sa bibig ko. Di ko inaasaang lumabas talaga 'yun. Tinapunan niya ako ng masamang tingin at saka kinain ang nasa kutsara nyang hawak kanina.


"Concerned ako," Nagulat ako sa naging sagot niya. O_O t-totoo? Weh?

"Ok," yun na lang ang natangi kong nasagot. Naka-yuko pa din ako.

"Manhid ka ba talaga o tanga ka lang talaga?!" Pasigaw niya na tanong niya kaya napa-tingin ako sakanya. Naiinis ako!


"Maiwan na kita," kaysa sa humaba pa ay aalis na lang ako.

"Okay na ba tayo ngayon?" I coldly asked him.

Tumango siya at saka pinagpatuloy ang pagkain niya. Umalis na ako sa dining area at saka dumiretso sa itaas, sa kwarto ko.


Pagkarating ko sa kwarto ko agad kong kinuha ang cellphone ko sa cabinet para magbasa sa 'wattpad' pero pagka-bukas ko ng cellphone ko ay may nagpop-up ng message sa notification ko kaya dali-dali ko 'yun binuksan.

My boss is my husband? [RESTRICTED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon