CHAPTER 1

20 3 0
                                    


Wtf!!!!!
Hindi ko kailanman inasahan sa buong buhay ko na mangyayari talaga ang ganito sa buhay ko. I think it's the end na.
We're stranded inside the restaurant. Kasama ng mga staff, sevillians o mga costumers na nandirito at nakayuko dahil sa takot. Including me, na nanginginig na ang tuhod sa takot at kabang nararamdaman ko kasabay ng pagkainis sa mga taong pumapalibot sa amin. Sa una palang ay binalaan na kami ng lolo na dapat magdala ng bodyguards tuwing lalabas pero sumaway ako and I escaped.
Pinagpapawisan narin kami,nakita ko si Laura na basa na ang ilong dahil sa pawis.
"Laura,be brave" singhal ko.

Napatingin naman ito sa akin,naawa tuloy ako sa itsura nito.

"I'm trying Meredith" tugon niya naman.

Naramdaman ko ang isang bisig na humila sa kwelyo ng damit ko patalikod at maya-maya lang ay naramdaman ko ang isang malamig na bakal sa gilid ng ulo ko "B-baril" mahina at nanginginig kong turan.

Isa ang lalaking ito sa lupon ng mga lalaking nakaitim at nakabonete pa. "Huwag kang aakmang kumilos ng hindi ko gusto kung hindi ay sasabog ang laman ng ulo mo kasama ang utak mo" may awturidad at pagbabanta nitong usal.

"B-bakit niyo ginagawa to? Bakit di nalang kayo maghanap buhay ng normal eh ang lalaki ng mga katawan ninyo" asik ko ngunit may takot sa dibdib ko.
"Tumahimik ka!" gigil niyang tinututok sa akin ang baril.

Nagsimulang mangilid ang luha ko,kasabay ng lagakpak ng mga pawis ko.
Naririnig ko ang ibang sigawan ng mga tao sa restaurant, at mga iyak,may mga bata pa kaming kasama.
Ito naba ang katapusan ko? Huwag naman sana.
Sumulyap ako kay Laura,she's staring at me at naluluha narin.

Laura is my best enemy and my bestfriend. Natatakot ako para sa lahat at para sa sarili ko.

Kaninang umaga ay nagplano kaming lumabas na dalawa at magmall nang wala kong dalang bodyguard. I planned how to escape and return home without them knowing but at this point I regret that decision. I can't afford to say one more words, I think it all stucked on my nervous system.

Habang nakatutok sa akin ang baril,nakatuon ang pansin ng lalaki sa paligid at baka may paparating.
Doon na nakatyempo si Laura at dahan-dahang inilalabas ang cellphone sa bag,nang muntikan nang lumingon ang lalaki sa kanya ngunit inagaw ko ang atensiyon nito.

"Awwww" kunwari ay napahawak ako sa tiyan kong masakit at nilakasan ang pagsasalita.

"Huyy,anong problema" matigas niyang tanong.

"Yung tiyan ko kuya" agad ko namang tugon para mas makuha pa ang atensiyon nito.

"Ano!" ramdam kong napapaniwala ko ito.

"Kuya mukhang naiihi napo ako,at kailangan ko ng banyo" iba na naman ang rason ko.

"Manahimik ka nalang at hindi naman kita papatayin" anas ng lalaking nakabonete.

"Kuya,mamamatay na ako sa sakit,paano kungmatuluyan ak dito, kuya may pangarap pa ako noh,tsaka kawawa naman ang mga magulang ko o magulang namin at mga taong nagmamahal sa amin kapag hindi niyo kami iiwang buhay sa restaurant na ito." Pahayag ko na nakapagpatigil sa kanya ngunit nakatutok parin ang baril niya sa ulo ko.

"Alam mo,magkaiba tayo ng prinsipyo,kung ikaw gustong mailigtas ang mga tao rito at ang sarili mo, kami gusto naming makalikom ng pera para iligtas ang aming sarili sa gutom" pagmamatigas niyang sabi.
Tinapunan ko ng tingin si Laura,dahil medio malapit lang kami sa kinaroroonan niya ay tanaw ko ang ongoing call sa kanyang phone. May kaunting gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi. Nakaramdam naman ak ng pag-asa.

May maya lang ay may narinig na kaming ingay ng mobile car. Agad pinatay ni Laura ang tawag at pasimpleng nilagay ang cellphone sa loob ng jacket.Kahit papaano ay may katangahan din pala ang mga holdapers.

My Handsome BodyguardWhere stories live. Discover now