CHAPTER 2

12 3 0
                                    

The picture above ay ang ang imaginary image ni Meredith. Para naman mas magkaroon kayo ng idea. Pinili ko siya 'cause her face suit the character of Meredith. Ganda dibah?
Cctto narin🥳.


HABANG NASA sasakyan kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa nagmamaneho. Hindi dahil gustong-gusto ko siyang tingnan kundi dahil pinanlilisikan ko siya ng mata, at madalas din ay nahuhuli niya ako sa pamamagitan ng salamin.

"May problema ba?" Hindi na ito nakapagpigil pang tanungin ako. "Nothing" irap ko. "By the way, ayos naba ang pakiramdam mo?" Sunod na tanong nito. "Oo, pero maiba nga tayo ha, bakit kita naging bodyguard eh pulis ka, pwede ba yun?" Nagtatakang tanong ko. Nakahalukipkip pa ako.

"That is called protective service" tipid niyang sagot. "Ha?" Ulit ko pa. "Tinatawag nilang protective service dahil police bodyguard mo ako." "Hakdog" napatawa nalang ako nang wala sa oras. Nakita ko naman ang kalmado pero naiinis niyang pagmumukha mula sa salamin. Napahagakhak ako sa loob ng van. Sobrang saya ko HAHAHAH. AKALAIN MONG NAGAWA KO SIYANG INISIN. Pagsakay ko palang sa van ay talagang nagbabalak na akong inisin ito.

"SANAY KA BANG IPAKITA SA MGA TAO ANG CHILDISH PART NG PAGKATAO MO" napatigil si Meredith sa paghalakhak nang magsalita ang binata. "So?" Giit naman ng dalaga. "Hindi lahat ng tao openminded, baka pagkamalan ka talagang baliw jan sa ginagawa mo" usal pa ng lalaki. "I don't need your opinion." Mataray na sambit ng pangalawa. "Okay" tipid nalang na sagot ng lalaki. Napabuntong-hininga ang dalaga. "Kung sabagay, bata ka naman kasi" dagdag pa nito na lalong nagpakunot ng noo ng babae.

HANGGANG sa makarating kami sa university ay hindi na kami nag-usap ni Lucas. Kailangan kong gumawa na ng hakbang uoang kusa na itong susuko sa akin. Hindi ko kayang makasama ang ganoong ka antipatikong bodyguard, sa lahat ng bodyguard namin siya ang ganun. Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang nakuha ni Lolo eh andaming iba.

"Text me after you finish all your class" bilin nito. "Kailangan kong kunin ang number mo, ikaw na maglagay sa contacts ko." Utos ko naman. Inabot nito ang phone ko at medyo napatagal siya. Nang icheck ko kung anong name ang nilagay niya ay bodyguard lang ang nabasa ko. Papalitan ko to mamayang lintik ka, sa isip ko. Dumiretso na ako ng lakad papasok sa building at hindi na lumingon sa bodyguard na iyon.

NANG makarating na ako sa unang class ay nadatnan ko si Laura. Magkapareho kasi kami ng unang subject kaya madalas kaming magkita tuwing umaga.

"Meredith, I'm glad you're okay." Agad akong sinalubong ng kaibigan ko. Nagkayakapan kami, ganun kasi kami kaaffectionate sa isa't-isa. " Ikaw, talagang ayos kana?" Ako naman ang nagtanong. "Kilala mo ako gaga, paoasok ba ako ng ganito kung hindi?" Pagkompirma niya. Totoo naman, si Laura ang sensitive sa aming dalawa, sinisipon lang ito ay lumiliban na, nasugatan lang sa kalingkingan ay liliban na, ganun talaga siya. Oa man pero para sa akin, magkakaiba talaga ang preference sa buhay ng mga tao kaya naiintindihan ko ang kaibigan ko.

"Hays, alam mo bang pinabantayan na ako ni Dad? Actually may dala akong bodyguard ngayon" pag-iiba niya sa paksa. "Ganun ba, ako din. My Lolo did, and guess who?" Wika ko na may kasamang tanong.

"Who?"
"That Police na kinekwento ko." Namilog ang mata ni Laura pagkatapos kong sabihin iyon.
"That man? Paano kayo magkakasundo, base sa kwento mo talagang inis na inis ka sa kanya" aniya. "I don't know, but I have plans." Ngumisi ako. Bahagya namang kumunot ang noo ng kaibigan ko.

BREAK NA at agad kong hinanap si Laura. Nang wala akong makita ay naisip kong baka nauna na ito sa canteen. Pagbaba ko ng hagdan ay may humarang na katawan sa akin. Nang umangat ang tingin ko, napagtanto kong si Carson. Umatras ako ng isang hakbang at tinaasan ito ng kilay " What now?".

"Ano ba Meredith, pansinin ko naman ako." Nakikiusap nitong wika. "Carson, diba sinabi ko na sayo, ayuko muna ng mga ganoong bagay." Pinagkrus ko ang mga kamay ko at bumaling ng tingin sa kanya. "Why don't you give me a chance?" Anas pa nito. Hindi ko na siya pinansin at tumuloy sa dapat ko sanang pupuntahan kanina.

My Handsome BodyguardWhere stories live. Discover now