PAGKATAPOS akong batuhin ng tsinelas ng batang yun, ni hindi man lang siya humingi ng pasensiya sa pagkakamali niya. Iba talaga ang sistema ng utak niya, kumpara sa ilang kabataan. Matapang ang personalidad nito, medyo mapanghusga at higit sa lahat asungot.
Ako ang palaging senteo ng trip niyang hindi naman nakakatuwa. Ang turing ba naman sa akin ay kaedad. Pitong taon ang agwat namin kung alam lang niya.Kasalukuyan akong nasa harapan ng laptop ko dahil chincheck ko ang laman ng USB drive na ibinigay sa akin ni Alden nung nagkita kami. Mahalaga daw ang laman ng USB na'to, dahil nandirito ang listahan ng mga kasapi ni Vertigo.
Bago ko simulang iiscroll ang laptop gamit ang mouse ay humigop muna ako ng kape. Pero hindi pa ako nakakahigop ay may tumawag sa pangalan ko mula sa labas.
"Buksan mo 'toh dali!" Ayon na naman siya. Nangungulit na naman.
"Ano na naman ba?!" Inis kong sigaw na may kasamang pagkuyom ng kamao. Huminga ako ng malalim at nagtungo sa pintuan. Hindi ko muna ito binuksan.
"Nandito si Luffy!" Muli nitong bulyaw.
"Anong kinalaman ng aso mo rito ha!"
"Hindi aso si Luffy, anak ko siya!" Aba, at nababaliw na talaga tong babaeng to. Pinili kong pagbuksan nalang ang pinto para malaman kung ano na namang iuutos niya sa akin.
"Ibili mo ako ng dogfood ni Luffy, gamitin mo na yung motor. " Talagang nang-iinis na siya. Kanina pa siya nagpapabili ng kung ano-ano at hindi niya nalang ipinabili sa akin ng minsanan.
Napalunok nalang ako sa inis."Sana, ipinabili mo nalang sa akin lahat ng ipapabili mo kinina dibah" reklamo ko. Ngumiwi naman ito at inirapan pa ako "ako nalang bibili, at konsensiya mo na kung may masamang mangyari sa akin sa labas, gabi pa naman at umuulan." Pagongongonsensiya niya sa akin.
"Akin na ang pera, ako na ang pupunta." Ayuko nang makipagtalo pa kaya pumayag nalang ako sa gusto nito. Kahit nagmumukha na akong ewan sa pinaggagagawa niya.
Kahit naiinis ay sumakay na ako sa motor at pinaandar. Iyon na ang ginamit ko patungo sa department store. Mabuti nalang at malapit lang. Para talaga siyang bata kung mag-isip. Parang thirteen years old. Ginawa niya pang rason ang aso niya para pagtripan ako. Kung hindi lang siya babae, baka tinuruan ko na siya ng leksyon kanina pa.
"Ate, ito na po ang bayad." Saad ko sa nagbabantay na isang matandang babae na. Nakuha ko na kasi ang ipinapabili ng babaeng yun. "Ah sandali lang iho, kunin mo sukli mo."
"Ah sigeh po." Magalang kong tugon.
"Teka, kung hindi ako nagkakamali ikaw na naman ang nagpunta rito kanin noh?" Usisa ng ali.
"Actually, opo. "Tipid kong sagot.
"Ito na ang sukli mo. Aba'y minsan kasi ilista mo na kung ano ang mga bibilhin mo para hindi ka pabalik-balik, mapapagod ka lang." Suhestiyon nito. Tumango nalang ako nang may kasamang ngiti. Nagpaalam na ako rito at lumabas ng department store."THANK YOU." maasim na sambit ni Meredith. Gusto ko ma siyang ilampaso sa sahig.
Basa na ako dahil sa kagagawan niya. Hindi niya man lang pinansin ito at deritso na sa kuwarto niya. Ang hirap talagang mag-alaga ng malditang amo. Akala mo naman kung makaasta pag-aari niya ako.WOAHHH! Ang sarap ng tulog ko kagabi. Halos deritso. Bumangon na ako sa kama para icheck si Luffy sa crib niya. He's still sleeping. Binili ang crib niya kahapon lang din. Naisip kong luffy ang ipangalan sa kanya dahil mahal ko siya, and I think he will love me too. I derived it from the movie na paborito ko noong bata ako na hanggang nagyon naeere parin sa Tv.
He is cute, bagay sa kanya ang gray and white niyang kulay na naghalo.
"Mer!" Boses ni mama ang narinig ko kasabay ng mahihinang katok niya.
Agad akong natungo sa pinto para pagbuksan siya.
"Mom, Luffy is still sleeping."
"Bumangon na oh." Lumingon ako sa tinitingnan ni mama. Mukhang nagising ito dahil sa katok.
"Oh, Luffy my baby. Giaing kana pala, come out na sa crib baby."
"I think he's not a dog anymore, isa siyang baby na nag-anyong aso." Daing ni mama. Natawa naman ako sa sinabi niya at inilapit si Liffy sa kanya.
"Aw, so cute. Bagay nga niya ang pangalan niya." Pagpuri nito kay Luffy.
YOU ARE READING
My Handsome Bodyguard
General FictionThe world is full of mysterious events. We're expecting things that aren't oftenly happen. And the things we merely think can be the twist of fate for us. Meredith Cemedes believes that test is a natural occurence that can happen phenomenally. She...