CHAPTER 3

4 3 0
                                    

(*・~・*)

"SIGURADO KA na ba talaga sa desisyon mo Lucas?." Tanong ng kaibigan niya. Kasalukuyan silang nagkakape sa isang coffee shop malapit sa bahay ng mga CEMEDES. Seryuso ang magkaibigan sa pag-uusap.

"You'll risk your life?" Nag-aalangang tanong ni Alden. "I have to." Naging tugon namn ng isa. Napabuntong hininga ang kaibigan niya bago muling nagsalita "ikakapahamak mo yang ginagawa mo" pagtutol ng una.

"Ganun talaga, walang mangyayari kung hindi ako kikilos." Paliwanag ni Lucas. "Pero-" hindi na naituloy pa ni Alden ang sasabihin dahil agad pinutol ito ng kaibigan "No buts, kailangan kong panindigan ang desisyon ko." Aniya.

Wala nang nagawa pa si Alden at hindi na ito nag-akmang magsalita pa kontra sa kaibigan dahil kilala niya ito. Kung may gagawin siyang desisyon, ay yun na talaga ang masusunod. Napailing na lamang ito at humigop ng kape. Si Lucas naman ay nakatingin lang sa labas ng glass wall na namamagitan sa kanila at sa labas.

Si Alden ay matagal na niyang kaibigan at kapartner. Magkasama pa sila sa serbisyo. Kaya parang kapatid narin ang turing niya rito. "Isosolve ko ang kasong yun, hindi pwedeng mawala sa history ng ciminal records." Sambit pa ni Lucas. Tumayo na ito at dali-daling naglakad palabas ng coffee shop. Si Alden naman ay humihigop ng kape na parang relax lang sa inasal ng kaibigan.




PAGKABALIK NI LUCAS sa mansion ay bumungad agad sa kanya ang mga matatalim na titig ng babaeng kanina pa pala naghihintay sa kanya.

"Huy, alam mo bang kanina pa kita hinihintay? Ilang araw mo lang dito sa pamamahay namin nagpapakacomfort kana?!" Anas niyang hindi inaalis ang tingin kay Lucas. "Saan ka pupunta?" Tanong naman niya, napansin ng binata na nakabihis na ito. Ang pagkakaalam niya ay sabado naman ngayon at walang pasok sa university.

"I'm going somewhere?" Bulyaw niya kay Lucas. Umirap ang dalaga "doon na ako maghihintay sa labas ng gate kaya puntahan mo na ang kotse sa loob ng garahe." Pagpapatuloy niya pa.

"Sandali lang, magbibihis lang ako. Nakapajama pa ako." Saad ng nauna. "Kabago-bago daming rants." Giit pa ni Meredith bago tuluyang iniwan si Lucas.




ANONG  klaseng bodyguard yan, iniiwan ang amo? Sus, kung hindi lang magagalit si Lolo sa akin ay tatanggalin ko na siya. 

"Dali!" Bulalas ko pa, nakita ko kasing palakad-lakad pa siyang pumasok imbis na tumakbo. Nagmamadali kase ako dahil may mahalagang lugar akong pupuntahan. Ayukong palipasin ang araw na ito na hindi ko napupuntahan iyon.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago siya lumabas sa bahay. Pagkatapos ay narinig ko na ang sasakyan na umandar.

Ilang sandali lang ay nakasakay na ako sa kotse.
"Doon tayo sa Banson." Saad ko.
He frowns "Bahay ampunan?".
"Oh, malamang."  Alam naman pala niya, hindi ko na kailangang ituro kung saan.
"Rarampa kaba dun?" Saad ng lalaking kanina ko pa kinaiinisan.
"Bwessit ka noh, nambwebwessit pala. Siguro oo." Bulyaw ko naman.
Nakita ko ang bahagyang pagngiti niya. Mas lalo lang akong nainis dahil ngumiti siya.




"DITO KA nalang, kaysa sumama ka sa akin sa loob tapos mang-inis lang." Giit ko kay Lucas nang makarating na kami sa sadya namin.
"No, I should come. Malay ko balak mong tumakas at alibi mo lang to." Sunod niyang sabi. Tsssskkkk, sa tingin ba niya tatakas ako? Takot ba siyang mapagalitan o concern siya.
"Whatever." Asik ko at umirap bago pumasok sa gate. Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin. Isang maliit na bahay- ampunan ang pinuntahan namin ni Lucas.

Maraming bata ang sumalubong sa akin.
"Ate Mer!!" Sigaw nila. Agad silang yumakap sa akin. May five years old, seven years old, may mga ten years old. Ang iba ay halos magdalaga at binata na. Nalulungkot ako para sa kanila. Bakit ba sila nagawang iwan o itapon ng mga magulang nila?

My Handsome BodyguardWhere stories live. Discover now