Shahoney's POV
"Shahoney na ready mo na ba yung mga balloons?",pasigaw na tanong ni Vaneza sa akin.
"Wait lang malapit na",sigaw ko pabalik .
Bakit nga ba kasi ako napunta sa sitwasyong ito?
1 day ago...
"Ang hirap namang magpalobo ng mga balloons,beke nemen may mga magagaling dyan?",pabebeng sabi ni Janilla. But actually di naman yan malandi medyo strict at prangka nga yan eh pero alam nyo na paraan din yan.
Pero ni isa ay walang lumapit sa kanya na boys.Sobrang busy ng mga boys ngayon.May event daw kasi sa game world na nilalaro nila tapos wala pang klase.Tapos pag sumapit naman ang hapon ay tumutulong sila sa mga booths na na-assign sa kanila.
At dahil sa mabait akong bata slash student ay nilapitan ko na siya at tinulungan pero di ko naman alam na madadawit pa ako sa tinatayong booth nila.By the way kung curious kayo Game Booth ang itatayo nila , nakalimutan ko yung name nung booth pero sa booth nila ay kailangan mong gumamit ng dart at kapag natamaan mo yung mga baloons na color black ay mag-uuwi ka nang sampung libo pero biro lang wala pera mga tao rito ngayon.Bale ang prize ay Teddy Bears ,child friendly kasi yung theme.
So back to the present, yun na nga dahil sa magaling daw ako sa job na ino-offer nila ay sinali nila ako sa team nila,take note di pa ko pumapayag pero nilista na nila ako kaya no choice talaga ang maganda niyong kaibigan.
Ibibigay ko na sana kay Vaneza yung isang karton nang ballons na napalobo ko nang matigil ako sa kinatatayuan ko dahil sa may nakita akong taong napakapamilyar sakin.Nakangiti pa ito habang kinakausap si Janilla na tila matagal na silang magkakilala.
"Ang gwapo mo pala talaga sa personal kapag wala kang mask,pero ano ba sadya mo rito?",rinig kong tanong ni Janilla.
Magsasalita na sana siya nang magawi sakin ang mga mata niya.
Kaya naman kumaway na lang ako saka ako tumalikod at bumalik sa pwesto ko pero di pa ako nakakatatlong hakbang nang mahinto ako sa kinatatayuan ko.
"I'm here for Shahoney,gusto ko lang i-check kung okay siya pero paalis na rin ako.",sagot nito .
"Magkakilala pala kayo?Then why don't you stay for a second? ",pahabol naman ni Janilla pero tanging hakbang na lang nito palayo ang narinig kong sagot nito sa kausap.
"Uy Shahoney sakto,napadaan kasi kanina lang si Hiro.Magkakilala pala kayo? ba't di mo man lang sinabi sakin.", masayang sabi nito habang nakahawak sa balikat ko.Pero teka?Hiro?May iba pa ba siyang pangalan? o baka naman yun ang code name niya? pero ba't parang familiar yung Hiro ,parang narinig ko na dati.
"Sorry Janilla ,pero balik na lang ako bukas kasi nakalimutan kong may lakad pala ako ngayon.Sorry talaga",mabilis na sabi ko na ikinatameme niya kaya naman agad akong tumakbo palabas sa booth namin at agad hinanap ang taong matagal ko nang hinahanap.
Naikot ko na lahat ng side at angle nang paligid ko pero tila wala na akong tsansang makita siya muli.
Nang bigla na lang akong may makabanggaan sa pagtakbo ko.
Hihingi na sana ako ng paumanhin nang bigla itong magsalita.
"Ba't ba kasi hinahanap mo pa ko? Namiss mo ko no?Aminin mo na ,kasi ako lang to si Jason na di ka kayang matiis at lalong lalo na di mo kayang tiisin.Sounds cringe pero yun yung totoo", nakangiting malawak na sabi nito habang hawak hawak ang beywang ko para di ako tuluyang mahulog.
"H...hiro..",pagkasabi ko ng pangalang matagal ko nang hinahanap ay bigla na lang niya kong nabitawan kaya naman agad akong nahulog sa kanya sana pero sa lupa ako nahulog at ang masakit pa sobrang lamig nang lupa at ng likod ko.
BINABASA MO ANG
Dark Academy
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang makapasok sa isang eskwelahang puno nangmisteryo? Nasa malaanghel na mga ngiti may kademonyohan palang nakakubli? Paano mo nga ba kakilala ang iyong sarili?