Chapter 82 : Unexpected Visitor

101 6 12
                                    

Chandria's POV

Malapit nako sa Hideout ng Bloody Gang nang makasalubong ko si Shemagne, kakaway na sana ako nang makita kong may kasama pa pala siya.

"Oh My God!, ibig sabihin siya ang hinihintay natin?", kahit kailan talaga sobrang lakas ng boses nila lalo na ni pinky.

"It's nice to meet you, Axelord. Kaya lang ano ba ang sadya mo sa Gang namin?", seryosong tanong ni Phoenix. Di pa ata sila nainform ni Shemagne pero mas mabuti na rin kung ganon.

"I'm here to talk to your Queen", agad namang kumunot ang noo nila maliban kay Shemagne.

"May mga kasama ka ba?", tumingin muna ako sa likod ko saka ako ngumiti sa kanila.

"Obviously wala pero once na may gawin kayong hakbang na hindi ko magugustuhan, siguraduhin niyong makakailag kaagad kayo sa galaw ko", hindi yun banta kundi isang babala. Hindi ako pumunta rito para lang pagtulungan nila, I came here to negotiate.

"She contacted me, and she's only here to talk to our Queen. Kaya wag kayong mag-alala dahil kung may mangyari man ay hindi natin siya uurungan. Remember she's in our territory.", hanga rin ako kay Shemagne dahil sa kaya niyang pakalmahin ang mga kasama niya. He's indeed a great leader. Nakitaan siguro siya ni Dad ng potential kaya siya niluklok bilang Council President. Alam ko dahil sa minsan ko nang nakausap si Dad sa Office niya. And he wants me to become the next Council President, but I refused because I don't think I'm capable enough to lead the council. Kahit na minsan na rin akong naging Council President ng Campus na ito.

"Okay, so ceasefire muna tayo Axe Lord, ah?", parang bata na sabi ni Pinky saka siya kumapit sa braso ko. Siguro kung ako pa rin yung dating AxeLord ay kanina ko pa siya nabalian ng buto.

"Ano pa lang facebook account mo Axe Lord? ,i-a-add kasi kita", agad na nakatikim ng batok si Phoenix galing kay Drago at Pinky.

"Nagbibiro lang naman ako eh, pangit niyo talaga kabonding", parang bata na dagdag nito. Di ko namalayang napangiti ako sa sinabi niya.

"Kita niyo yun?, ngumiti siya, ngumiti si Axe Lord sa joke ko. Sabi na sa inyo eh, ako talaga ang Happy Virus ng Gang natin", proud na proud na sabi ni Phoenix.

"Di ka kaya Happy Virus. Kung Virus lang baka pwede pa", bwelta naman ni Pinky kaya naman napasimangot si Phoenix sa tabi ni Drago.

We're about to enter the gate when we suddenly heard a scream.

"Ilabas niyo ang mga sandata niyo at maging alerto", kahit ayaw nilang sundin ang utos ko since di naman ako ang leader nila ay sinunod pa rin naman nila ako.

Shemagne slowly opened the gate to check what happened inside their hideout.

At muntik na nilang mabitawan ang sandata nila nang bumungad sa amin ang Black Gang at ang Gang nila na magkaharap at tila magsisimula nang gulo.

Anong nangyayari? Paanong nandito ang Black Gang?

"Hindi ka ba talaga aamin Bloody Queen? O baka gusto mong dumanak ang dugo dito mismo sa hideout niyo?", rinig kong sabi ni Black Lord kay Bloody Queen. Magkaharap kasi sila at ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa.

"Wala kong aaminin dahil wala naman akong atraso sayo",madiing sabi ni Bloody Queen.

"Ilabas niyo siya", biglang sabi ni Black Lord sa mga tauhan niya.

At doon namin nakita si Diamond na nakakadena habang may busal sa bibig at puno ng pasa sa katawan. Pero mas nagulat ako nang mamukaan ko siya. Isa siya sa mga kaklase namin.

Dark Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon