Jason's POV
"Una na ko ah!?,Good Night nga pala!", saad ko nang nakangiti.
" Good Night!",saad nya saka ako sinarahan ng pinto.Bigla kasing dumating yung Mechelle eh!,kaya agad agad nya kong pinaalis,kesa daw kung ano pang isipin non!Ayaw pang sabihing ayaw nya ang presensya ko!?Ewan ko nalang sa kanya!*hilamos mukha*,Bakit ba simula ng Makilala ko si Shahoney ayaw nya nang mawala sa isip ko!?
Makabalik na ng lang sa Dorm!Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko kaklase sila Shahoney?
Ganito kasi yon!
I'm 3rd year High pa kasi!
Sa kabilang Compound pa makikita ang mga 3rd year!,Hiniwalay sa ibang years!,Kung nagtataka kayo kung paano ako nakarating dito?,Syempre madiskarte ako eh!,Pero biro lang,Ang totoo nyan may nilalabag na kong rule!Hindi ko matandaan kung pang-ilang rule yon basta ang sabi;
Bawal dumalaw at Pumunta sa iba't ibang year levels Compound!
Yon lang naman.
At dahil matigas ang ulo ko!,nilalabag ka yon.Pero syempre nag-iingat pa rin ako!,Mahirap na!Mabigat pa naman ang parusa ni Mr.Black!Nasa kalagitnaan nako ng daan ng may makita akong mga nakaitim na lalaki.And obviously,mga kasapi sila ng BLACK GANG!
Dahil naniniwala ako sa Curiosity Kills,agad ko silang sinundan.
Hanggang sa nakarating kami sa dulo ng gubat ng Compound nila.Hanep noh?!
May Apat kasing Compound dito sa Dark Academy!,Ang una ang
1st Compound na tinatawag din nilang First Stage!,Dito kasi sa D.A,maraming mga pakitang tao lang!,At yun ang nangyayari sa 1st Stage!,Sa mga panahong yon kasi,pinapakita ng D.A kung gaano kaganda ang School nila!,Syempre pano naman makakapasok sa eskwelahang ito ang ilang sikat na anak ng mayayaman kung napakabad record naman ng Academy natoh?!,Kaya gaya ng sinabi ko kanina napakapakitang tao talaga ng mga Teachers, staff, Faculty at lalong lalo na si Mr. Black!,Akala mo napakabait yun pala
Mas masama pa sa demonyo!Gets nyo?Naalala ko pa nung First day ko pa sa Dark Academy,Naligaw ba naman ako sa Campus?!,
Buti nalang at tinulungan ako ni Mr.Black,na nung mga panahong yun ay di ko pa kilala!,Inidolize ko pa nga sya eh!,Kaya lang hindi ko alam na mas masama pa pala sya sa Demonyo!Sayang ang paghanga ko sa kanya!
*iling*.Ang ikalawa naman ay ang 2nd Compound na obvious naman na ikalawa!,Tinatawag din itong Second Stage,kung saan tinuturuan kaming gumamit ng mga sandatang matatalim!,Hindi rin yun nalalaman ng parents namin dahil Simula 2nd Stage binubuksan na nila ang mga Dorm!,Kaya hindi na kami nakakauwi sa amin!,Almost 2 years na nga akong hindi nakakauwi eh!,pero wala rin naman akong babalikan don kundi ang tatay kong lasinggero na muntikan na akong ibenta ng sanggol pako!,Nakakainis noh?!,Ang nanay ko naman,hindi ko na nakilala,iniwan nya kasi ako sa tatay kong walanghiya!,Nung lumaki na ako hinanap ko sya at nalaman kong may una na pala syang pamilya,meaning kabet nya pala si Tatay!,kaya pala hindi sya dumadalaw o bumibisita man lang sa amin.Baka nga hindi nya pa ko kilala eh!,Nang magFirst year ako,nakilala ko naman si Kate Nob!,Anak ng nanay ko sa legal nyang asawa!,
Naging malapit kami sa isa't isa,hindi nya rin alam na Stepbrother nya ako!,Inggit at hinanakit ang nadarama ko tuwing kinikwento nya ang nanay nya!,minsan nga pati kung gaano sya kamahal nito kinikwento nya eh!Kaya pag-umuuwi ako nagwawala ako sa kwarto ko!,Nice diba?!,Pero hindi ko rin naman sya masisi hindi nya rin naman alam ang koneksyon ko sa nanay nya eh!,Hanggang sa....
Nabalitaan naming namatay ang nanay nya!,
Galit na galit ang kuya nya!,Kaya naglayas ito sa kanila!,si Kate naman laging umiiyak!,Kaya lagi ko syang dinadamayan!,Ako naman....,Kung sa una nasaktan ako!,Nang nabalitaan kong patay na sya mas lalo akong nagalit!,hindi sa kanya kundi sa sarili ko!,Napakatanga ko kasi!,Binigyan na ako ng panginoong ng pagkakataon na makausap at makapagsimulang muli kasama ang nanay ko,pero wala akong ginawa!,bagkus,napuno ako ng galit at hinanakit sa kanya!Kaya simula non!,Lagi ko nang pinoprotektahan si Kate,dahil sya nalang ang alaala ko sa nanay ko.
So back to Second Stage na tayo!,Kung saan saan na kasi ako napunta,Baka ma MMK pa ang storya ko!Mailap pa naman ako sa Camera!....✌
BINABASA MO ANG
Dark Academy
Mystery / ThrillerNaranasan mo na bang makapasok sa isang eskwelahang puno nangmisteryo? Nasa malaanghel na mga ngiti may kademonyohan palang nakakubli? Paano mo nga ba kakilala ang iyong sarili?