Chandria's POV
Pagkagising ko ay agad kong nakapang may nakayakap pala sa akin. Kaya agad kong minulat ang mga mata ko at agad tiningnan kung sino ito. At agad kong nakitang nakayakap sa akin si Mom. Di ko namalayang naiyak na pala ako habang nakatingin sa kanya.
How I wish we can stay like this forever?
Pero teka? Ibig sabihin nasa panaginip pa rin ako? Kaya di ko mapigilang mapangiti habang nakangiti kay Mom. Para na nga akong tanga ih umiiyak kasi ako habang nakangiti.
Nang bigla siyang magmulat ng mata kaya agad kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at ngumiti sa kanya ng malapad.
"Good morning Anak", nakangiting bati niya sa akin saka niya ako kiniss sa cheeks. Agad ko naman siyang binati pabalik at niyakap. Magkayakap lang kami ni Mom nang biglang pumasok si Kuya Alfer sa kwarto ko.
"Good Morning Chandria! --A-and Mom?!", nakangiting bati ni Kuya sa akin pero nagulat siya ng makita si Mom kaya agad niya rin itong binati at agad naman siyang lumapit sa amin at nakiyakap. Nang bigla namang pumasok si Dad na naka-apron pa.
"Good Morning Babies!", Sabi ni Dad saka siya lumapit sa amin saka kami dinamba ng yakap at halik sa pisngi. Di ko alam pero sobrang layo talaga ng ugali ni Dad dito. Sobrang bait at sweet kasi niya hindi katulad nung nasa Dark Academy ako na lagi siyang nakapoker face o nakasmirk.
"Hali na kayo nang matikman niyo yung specialty kong Kare-kare!", excited na sabi ni Dad habang hinihila kami pababa. Kaya agad kaming sumama sa kanya. Hobbie nga pala noon ni Dad ang pagluluto lalo na ng specialty niya.
Nasa may hagdan palang kami pero amoy na kaagad namin yung niluto ni Dad.
" Mukhang masarap yung niluto mo Dad ah?", ani ni Kuya Alfer at agad naman siyang nginitian ni Dad at nagwikang.
"Hindi mukhang anak, Sigurado! Siguradong masarap ang luto ko!", nakangiti at batid kong excited talaga siyang matikman na namin yung niluto niya. Bigla kong naalalang ito nga pala ang unang beses niyang magluto ng kare-kare dito sa bahay.
"Ikaw talaga George baka magaya ng mga anak natin yang pagiging mahangin mo", ani ni Mom na pailing iling pa pero niyakap lang siya ni Dad.
"Ano naman? Alam ko namang paglaki nila ay may ibubuga naman sila saka sisiguraduhin kong magiging kasing successful nila tayo", ani pa ni Dad nang biglang may tumawag sa kanya.Kaya lumabas na muna siya.
Agad namang ipinaghain ni Mom sa amin yung mga hinanda ni Dad. Naaalala ko pa noon itong Kare-kare ni Dad ang favorite na putahe ni Kuya. Kaya nung mawala siya at di na nahanap pa ay di na nagluluto si Dad ng specialty niya kasi laging naaalala ni Mom si Kuya Alfer.
Kumakain lang kami ng makabalik na si Dad agad itong dumeretso sa kwarto nila saka ito muling bumaba.
"Sorry Babies, Pero di niyo muna ako makakasamang magbreakfast may urgent meeting kasi sa Academy", ani ni Dad saka niya kami kiniss sa cheeks isa isa at tuluyan ng umalis. Masyado nga palang busy si Dad dahil sa masyado siyang pinepressure ni Granpa dahil sa siya ang magiging tagapagmana ng posisyon ni Granpa lalo na ng Academy.
Natapos kaming kumain nang may tumawag naman kay Mom.
Na agad naman niyang sinagot sa harap namin."Yes, Professor?", nakangiting ani niya nang biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Okay, Don't worry I'll be there I'm on my way", sabi ni Mom na tulad ni Dad ay agad pumunta sa kwarto niya. Pagbaba niya ay may bigla siyang tinawag na babae, Yaya ata namin? Teka? May Yaya nga pala kami noon kaya lang di ko na maalala kung sino?
BINABASA MO ANG
Dark Academy
Misteri / ThrillerNaranasan mo na bang makapasok sa isang eskwelahang puno nangmisteryo? Nasa malaanghel na mga ngiti may kademonyohan palang nakakubli? Paano mo nga ba kakilala ang iyong sarili?