PROLOGUE

274 10 2
                                    

Prologue

Staring at his brilliant brown eyes, a smile started to curved on my lips. Ang kaniyang makakapal na mga kilay at makurbang pilik-mata. Ilong na sobrang tangos.  A kissable lips. And a well defined jaw that highlighted his whole handsomeness. In addition to that is his messy black hair.

Bakit kailangang ganito ka kapogi, Lancelot?

“Hoy!”

Agad akong tumikhim at nag-iwas ng tingin.

“Ano nga uli' yon?” I asked and laughed, as if I was just lost with the topic.

Napakurap ako nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko na hindi ko na dapat ikagulat dahil iyon naman ang madalas niyang ginagawa sa akin. Tinampal ko ang kamay niya at sinuklian siya ng mataray na tingin.

“Sino na naman kasing iniisip mo?” He smirked.

Ikaw! Tanga, ang manhid.

“Pake mo!”

He shook his head and laughed. Just the way he laughs, it could make my day brighter already. Just the way he is and I feel complete.

“Ang sabi ko kami na ni Elly,” pahayag niya.

Napahinto ako sa pagngiti sa narinig. Slowly, pain started to crawl on my system. When will be the time that I'll get used to this? Palagi naman akong nakakarinig ng mga ganyan galing sa kaniya, palagi ring kumikirot at sumasakit ang puso ko.

I smiled, “talaga, congrats Lancelot!”

Kumunot ang noo niya at tiningnan ako ng masama. “It's Lance!”

“Okay, okay chill.”

I laughed. Sa sobrang sanay kong masaktan, nasasanay narin akong magpanggap na masaya sa harapan niya. Kahit ang totoo ay durog na durog nako sa hindi matapos tapos na pagmamahal kong ito sa kaniya.

“I hope by this time, magwork na.”

Tumango ako at ngumiti, “umayos ka kasi, man.”

He often told me that he is already in a relationship then in a few months comes back to me heartbroken. I'm even confused with girl's names. Yeah, he often exchanged girlfriends. And it should be a turn off for me. Pero kahit anong gawing kabalastugan ng isang to, hindi mabawas-bawasan ang pagmamahal ko sa kaniya.

“Babe,”

Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Then there I saw a chinita sexy girl standing infront of us. Nasa covered court kasi kami, nakaupo.

Tumayo si Lance at agad na lumapit sa babae. Naramdaman ko namang kumirot ang puso ko nang makita ko kung paano malikot na pumalibot ang kamay niya sa beywang ng babae.

“Hey babe,” he greeted and kiss the girl's cheek. “By the way, Elly, this is Havanna, my bestfriend at ikaw naman gaga, this is my girlfriend, Elly.”

“Makagaga ka wagas,” I murmured then gazed at his girlfriend. Tumayo ako at nakangiting naglahad ng kamay, “hi Elly,”

“Hello,” tipid niyang sagot at tinanggap ang kamay ko.

Pagkatapos ay agad na pumulupot kay Lance dahilan para pilit na magpaalam sa akin si Lance. Muli akong napaupo nang makita ko ang kanilang likod na unti-unting nawawala sa paningin ko.

Lance and I were childhood best friend. Mula pagkabata namin, tumutulo pa laway namin hanggang ngayong kolehiyo na kami ay magkasangga na kami. That's the reason why I couldn't imagine my life be with another man except by him. And it's unfair why he couldn't think the same way.

Entangled HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon