CHAPTER 2

108 4 2
                                    

Chapter 2

Hindi mawaglit sa isipan ko ang biglaang tinuran ni Tita. Siguro kung may ininom ako kanina ay nasamid na ako. But hearing that from her, is just so heartwarming.

Oh teka lang Havannah Claire, umaasa ka na naman!

“Ano bang pinag-iisip mo dyan?” Lance said in the middle of the road.

“Ay naku, mag focus ka dyan sa pagdadrive Lancelot, wag kang chismoso!”

He smirked. “Alam mo ikaw, pansin ko lately kakaiba ka. May hindi ka ba sinasabi sa akin?”

My breathing almost stopped upon hearing what he just concluded. Napatingin ako sa kaniya at dahan-dahang umiling.

“H-ha? Wala ah! Wala Lancelot!” I said, stuttered.

“Siguraduhin mo lang,”

Natahimik ako at itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. My heart isn't at peace. Many things were running inside my mind. Tahimik pa rin ako nang makarating na kami sa university. He opened the door for me, ngumiti ako ng kaunti at naunang maglakad sa kaniya papasok ng campus.

“Vanny,”

I stopped walking when I heard him calling my name. Huminga ako ng malalim bago dahang dahang hinarap siya.

“Oh? May problema ka?” Tanong ko.

He sighed heavily. “Ako ba? Baka ikaw?”

Mapakla akong tumawa sa sinabi niya at tinapik ang balikat niya.

“Wala! Wala akong problema, Lancelot.”

His expression remained serious. Wala namang kapantay ang kabang nararamdaman ko sa ikinikilos niya. Lalo pa nang bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko.

“Sabi mo yan ha. Huwag na huwag mong kakalimutan yong pangako natin sa isat isa Vanny, na walang maglilihim sa atin, kahit ano pa yan.”

“Oo naman, hindi ko makakalimutan iyon. Sige na, baka hinahanap ka na ng bebe mo!”

Saka lang ako nakahinga ng malalim nang makaalis na siya. Kinuha ko ang panyo sa bag ko at pinunasan ang pawis ko. Ang aga aga, pawis na pawis na ako. Kasalanan mo to Lance.

I know we promised to each other that there shouldn't be a secrets between us. Pero hindi ko puwedeng  aminin ito. I can't risk our friendship for this. At saka, magaling naman ako magtago. It's been how many years that I have this secret feelings for my bestfriend. At hanggat kaya kong itago, itatago ko.

Nang mag lunch break ay nagulat ako nang makita sa labas si Lance. He stares at me seriously. I can't read his eyes. Umakto akong hindi apektado at nakangiting lumapit sa kaniya.

“Hoy gago ka! Bat ka andito? Puntahan mo si Elly! Ikaw, umayos ka ha!”

He smirked. “Elly is in the canteen. Nagpaalam nakong sunduin ka rito sa room mo.”

I glared at him. “Buang ka talaga noh? Anong tingin mo sakin hindi alam ang daan papuntang canteen? Pupuwede namang doon mo na ako hintayin! Gusto mo atang ako na naman ang maging dahilan ng pag-aaway niyo ng bebe mo!”

He laughed. That made me feel at ease. Mas gusto kong ganito siya. Ang hirap niya kasing basahin kapag seryoso siya. Lance's weird side.

“Tara na nga! Daming dada,” turan niya at walang pasubiling hinila ako papuntang canteen.

“Hi Havannah,” Elly greeted politely.

Bahagya akong lumayo kay Lance at bumati pabalik. Umupo ako sa harapan nilang dalawa at tahimik na kumain.

“Babe, I wanna go out with you later.” Rinig kong sabi ni Elly.

“Sige ba,” masiglang sabi ni Lance.

I continued eating my lunch quietly. Kung bakit ba kasi sumama pako sa gunggong na to. Ang awkward. I look like a third wheel.

“Sama ka Vanny ha.” Lance said directly that made me almost choked my foods.

“Ha? Hindi na oy! Kayo na lang.”

“Sasama ka,”

I glared at him. “Hindi.”

“Sasama ka.” He argued, full of power and authority in his voice.

“Sumama ka na Havannah,” Segunda ni Elly na alam ko namang napipilitan lang na pakisamahan ako.

Hindi nalang ako nakipagtalo pa at bumalik na sa klase pagkatapos kong kumain. Hindi, ayokong sumama. That would be a torture. Lance naman, huwag mo nga akong pahirapan.

“Okay class, that would be all for today, goodbye.”

“Goodbye, Professor Luna.” we greeted in chorus.

Nagsimula akong kabahan. Agad kong inayos ang mga gamit ko at mabilis na lumabas ng classroom. Hindi ako po pwedeng maabutan ni Lancelot dahil paniguradong mapipilitan akong sumama sa kanila.

I hurriedly walked away. Ngayon lang ako nakaramdam ng inis kung bakit ang layo pa ng gate. A smile slowly peek in my lips when I almost reached the campus' gate. Lance and Elly were surely won't caught me.

“Vanny!”

Mariin akong napapikit nang isang hakbang nalang sana at makakalabas nako ng campus. The heck, naabutan parin ako!

Nakangiti akong humarap. I saw him holding her girlfriend's hand that sent bitterness inside my chest. I can't go with them. Kung dito pa nga lang, ang sakit na. Pano pa kaya kung masaksihan ko ang lampungan nila?

“Oh Lance! Elly!” I awkwardly greeted.

Lance smiled. “Mabuti at tapos na klase mo, tara na.”

“Ha? Eh hindi ako pwede ngayon, Lance.”

Kumunot ang noo ni Lance. “Paanong hindi pwede eh tinawagan ko na si tita, okay lang naman daw.”

Naiinis kong binulyawan siya sa isip.

“Eh, ano kasi,”

Lance smirked, “Asus alam ko na yan. Wag ka ng umangal pa, sumama ka na.”

I argued once more but knowing Lance, his decisions were always final. So left with no choice, I found myself following them with a sting in my heart seeing how close they are.

I am in the backseat of Lance's car. While they are on the frontseat. Lance played a romantic song that only the two of them could relate. That awkward air when a girlbestfriend who secretly love her boy bestfriend witness how sweet the man she love with another girl.

Hindi rin lumagpas sa mga mata ko ang pasimpleng pagsulyap nila sa isat isa habang ang kanilang mga daliri ay magkasiklop na wari ba di mapaghiwalay.

I found a very special love in you
It's a feeling that so totally new
Over and over it's burning inside~

Pinilit kong wag na sila pansinin. Ngunit ang malikot kung mata ay sulyap ng sulyap kahit na kumikirot na ang puso ko.

I painfully saw how Lance brought Elly's hand to his lips and kiss the back of her palm tenderly and gave her a sweet little laughs.

Damn, masakit na, tama na. Ibaba nyo nalang ako dito.





Entangled HeartstringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon