Chapter 3
Mapaglarong tadhana. Mapaglarong pag-ibig. How can fate let me watch every tear of my broken heart? Can I just go? Halata namang hindi nila ako kailangan dito.
Nag arcade kami, ay, sila lang pala. Nakatingin lang ako sa kanila na masayang nagtatawanan at tinatamasa ang tamis ng kanilang pagmamahalan. While I'm just beside them, watching and pretending to laugh for them. Paminsan minsan ay tinatawag ako ni Lance para maglaro at saka lang ako lalapit. But as long as they don't need me, I won't seek for attention.
“I feel hungry babe,” tumatawang saad ni Elly.
“Oh sige, kumain muna tayo.” Lance said then glance at me. “Comm'on, let's eat Vanny.”
“Sige,” I replied and followed them again.
What am I again? A bestfriend? Or a bodyguard?
Pumasok kaming tatlo sa isang mamahaling restaurant. Look just how Lance could give everything for her girl. Habang kung kami lang ay sa isang maliit na fastfood lang.
Ano ngayon Havannah? Wala kang karapatang magtampo. Bare that in your mind.
“Waiter!” Elly called.
“Talagang gutom na nga ang lalove ko,” Lance laughed.
Naiinis naman siyang hinampas ni Elly sa kaniyang dibdib. Tumawa lang si Lance at masuyong yinakap si Elly at pinatakan ng mainit na halik sa pisngi nito na agad namang ikinapula ng mukha ni Elly.
“Sakit nyo sa mata,” mahinang bulong ko.
“Ano yun, Havannah?” Elly asked.
“Ah wala. Sabi ko baka hinahanap nako ni mama,”
“Hindi yon Vanny, sagot kita!” Lance said in assuring tone.
Nagsimula na kaming kumain. I averted my attention towards my foods even though their little clingy conversations would catch my hearing.
“How many kids do you want in the future babe?” I heard Elly asked in a sexy voice.
“Well, I want a whole basketball team.” Tumatawang sagot naman ng boyfriend niya.
“What?! Malolosyang naman ako niyan!” Reklamo ng babae.
“Just kidding babe. If how many would God give, it's enough for me.” Lance sweetly whispered.
Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang kagustuhang maglaho nalang at huwag ng bumalik. Hearing the person you love planning together their future with other person hurts like hell. Hindi nga ako nagkamali, ang pagsama ko rito ay isang pagkakamaling hakbang. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.
“Comfort room lang ako,” pagpapaalam ko at tumayo.
I found myself looking at my reflection at the mirror. A tears escaped from my eyes. Agad akong naghilamos at muling tiningnan ang sarili.
Hindi naman ako pangit. Pero bakit hindi moko kayang tingnan katulad ng kung paano mo siya tingnan?
“Hey,”
Napakurap ako nang pumasok si Elly sa restroom at tumabi sa akin. She slowly washed her hands and looks at me.
“Are you okay?” Tanong niya sa nanunudyong tuno.
“Oo naman!”
“Oh talaga? Sure ka?” She mocked.
“Sigurado ako. Bakit naman hindi?”
“Masakit ba? Masakit bang makisawsaw sa relasyon ng iba? Masakit ba maging option? Masakit ba magmahal ng boyfriend ng iba?” She asked teasingly then laughed.
I got stunned at what she said. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Ngunit pakiramdam ko rin ay kumulo bigla ang dugo ko.
I smiled. “Nakikisawsaw? Ako? Sorry Elly ha, pero baka kasi nakakalimutan mo, wala ka pa, andiyan na ako.”
I saw how her jaw dropped.
I smiled once more, “kahit nga siguro paboritong kulay ni Lance ay hindi mo alam.” I added then turned my back on her.
Hindi na ako nagulat pa. Sa simula pa lang, alam ko namang may tinatagong ka plastikan ang Elly na yan. At alam kung sa tuwing lumalapit sa akin si Lance ay gusto niya akong ilibing ng buhay.
Tuloy ang pakipagplastikan ko kay Elly. Pagkatapos naming kumain ay pumunta sila sa isang Museum.
“Vanny, picturan mo naman kami oh.” Lance requested.
“Sabi ko na nga ba, kaya moko sinama para may photographer kayo!”
“Sige na, Vanny.”
Tumango ako at kinuha ang cellphone niya para kunan sila ng litrato. I know his cellphone password, sinabi niya ito sa akin at hanggang ngayon ay hindi niya pa pinapalitan. Medyo nagulat pa ako ng makitang picture naming dalawa ang nasa lockscreen niya. Gago.
“Oh sige na, one, two, three, smile..”
Napalunok ako nang makitang idinikit ni Elly ang pisngi niya sa pisngi ni Lance habang ang mga braso ni Lance ay mahigpit na nakapalibot sa beywang ni Elly. Kakaibang hapdi na naman ang dala nito sa puso ko.
“Oh i-isa pa,” saad ko at kinuhanan pa sila ng maraming litrato.
Ibibigay ko na sana pabalik ang cellphone nang mag request si Elly na isa pa raw. Abusada.
“Okay, one, two, three....”
My jaw has dropped when they kissed infront of me. Klarong klaro pa sa nakuha kong litrato. My chest tightened and I felt my heart aching too much. This is a complete torture.
Hindi ko napigilan ang pagsungaw ng luha sa mga mata ko. Bakit ang sakit? Ang sakit sakit. Yong sa harapan mo mismo makita mong naghahalikan sila.
“Hoy! Gagi, bat ka umiiyak?” Nag-aalalang tanong ni Lance at linapitan ako.
Umiling ako at ngumiti. “I'm just happy for you,”
He held my face and wipe my tears using his thumb. “Vanny naman, ang drama mo.”
“Kay Elly ko l-lang nakitang n-ngumiti ng ganiyan ang mga m-mata mo. Stay strong,”
“Thank you, huwag ka ng umiyak oh.”
I nodded. “Masaya ako para sa inyo.”
Pero para sa sarili ko, hindi. Awang awa ako sa sarili ko. Marami namang iba diyan, ngunit bakit ko kinukulong ang sarili ko sayo?
“Let's go home na, Lance.” Elly said.
Lumayo ako ng kaunti kay Lance at pinipilit na kalmahin ang sarili ko.
“Okay. Tara na Vanny.”
Tahimik akong sumunod sa kanila. Sa aking isip ay binubulyawan ko ang sarili kung bakit hindi ko pinigilan ang pag-iyak ko. Ano kayang iisipin ni Lance doon? Iisipin niya kayang nasasaktan ako?
“Take care babe, ingat ka. I love you,” rinig kong bulong ni Lance kay Elly sa labas ng sasakyan.
Una niya kasing hinatid si Elly na mas lalong nagpahirap sa akin.
Nagulat ako nang buksan niya ang pintuan sa backseat.
“Lumipat ka sa unahan,” utos niya.
Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa. I silently brought myself to the front seat where Elly was earlier. Walang kumikibo sa amin na mas lalo kong kinakaba.
Silence engulfed the entire car. Hanggang sa tumigil na ito sa harapan ng gate namin. Akma ko na sanang tatanggalin ang seat belt ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“Vanny, are you okay?” He asked.
I gave him a fake smile. “Oo naman, Lancelot, ano ka'ba!”
“Okay lang ba sayo na kami ni Elly? Kasi kung hindi hihiwalayan ko nalang siya habang maaga pa.”
BINABASA MO ANG
Entangled Heartstrings
RomanceWe all dream of being loved back by the ones we adore. But fate often has a cruel way of making us fall for those we can never have. Havanna Claire Martinez is hopelessly, secretly, and passionately in love with her best friend, Lance Zandro Almonte...