Chapter 2 : Entrance Exam

504 23 11
                                    

Lumipas ng dalawang linggo bukas na ang exam namin. Ang dami namin ni-review pero alam namin na magiging sulit ang pinaghirapan namin. Halos araw-araw kami magkasama mag-aral siyempre may pahinga din kami dahil baka mapaaga pa ako. Not today San Pedro paki lagay ako sa pinakahulian ng listahan. Napahikab ako sa sobrang antok at pagod, hindi lang ako inaantok halos lahat kami.








''Mika matulog na tayo lahat, alas dose na at tyaka bukas dapat maaga tayo alam mo naman tanghali kung magising si Abbi'' aba parang ikaw hindi late kung pumasok sa school noon, gusto ko mag-reklamo pero pagod at papikit-pikit na ang mga mata ko, kaya bukas ko na lang asarin siya. ''Sabagay nakakapagod na, ligpitin na natin ito baka pagalitan pa ako ni Mommy sa umaga.'' kinuha ko isa-isa ang mga libro sa lapag at pinagpatong-patong ang mga ito.








Pagkatapos namin magligpit, humiga na kami sa kanyang-kanya higaan, sa lapag kami ni Shienna habang si Mika sa higaan niya dahil nandito kami sa bahay nila. Bago kami matulog nag-usap muna kami saglit. "Grabe talaga pinaghirapan natin, sana naman may matira pa akong kaalaman, kailangan ko pa yun sa pag-aaral" sinimulan ko ng biro. Tumawa kami ng mahina baka magising namin yung mga natutulog. "Tanga ka ba, wala ka nang utak noh, siguro nahulog ulo mo sa hagdan kaya nagiging tanga ka" sambit ng Koreana na nakakagigil at sarap batukan ng paulit-ulit.








Bago pa ako magsalita at sabayan yung mga salita niya sa akin nagsalita si Mika. "Matulog na tayo dahil I don't want to deal your shitty argument, para kayong aso at pusa kung mag-away, I don't even know how you two be friends" tumingin ako kay Shienna at ginaya niya ako, hindi ko mapilit na matawa sa kanya, parehas kami natawa na wala naman nakakatuwa sa amin, ganoon talaga kapag may kaibigan ka na lagi nandiyan kasama ka. Tumigil na kami sa kakatawa baka magalit pa lalo si Mika, para siyang si Mikasa from Attack on Titan, don't mess with her. Niyakap ko yung kumot ko at pinikit na ang aking mga mata.











~~~~~~










Next day...



Tumunog na ang alarm clock ko sa cellphone at muli kong kinusot ang aking mga mata. Napaupo ako sa higaan ko at nakita ko tulog pa si Shienna, nung tinignan ko kama ni Mika wala na siya doon. Napaka early bird non sa kahit anong okasyon. Nag-inat muna ako ng katawan bago pumunta sa banyo para maghilamos at nagsipilyo na din. Pagkatapos dali-dali akong lumabas ng banyo baka gising na si Shienna dahil ayaw niya mag-antay ng matagal meron pa kasi siyang morning routine skincare pang gagawin parang ginawa na construction work ang mukha niya eh. Pagbukas ko ng pinto ng banyo nandoon na si Shienna sa labas at bitbit yung mga skincare niya. "Morning, sa iyo na yung banyo hindi na ako maliligo" sabi ko sa kanya, nandito naman si Shienna sa sinabi ko.









"Kadiri ka bakit hindi ka maliligo? Edi mangangamoy ka noh!?" halata naman sa boses ni Shienna na diring-diri sa akin. Grabe naman agad ito, hindi pa nga tapos magsalita yung tao eh. "Patapusin mo muna ako magsalita, hindi ako maliligo dahil ang tagal mo kaya gumamit ng banyo kaya baba ako maliligo" na-explain ko na sa kanya, nag-sorry siya bigla sa akin akala niya hindi ako naliligo, malunod ka sana sa banyo tagal mo kasi kung maligo eh.










Bago ako bumaba ng hagdan, nilagay ko sa bag ko yung sipilyo , kinuha ko na yung damit ko at towel, sa pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Mika naghahanda na ng almusal kasama yung kasambahay nila. "Oh Morning, nasa banyo na ba si Shienna?" Tanong sa akin ni Mika, tumango ako at dumiretso sa banyo para maligo, saglit lang ako maligo dahil nagugutom na ako.

Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)Where stories live. Discover now