T.W: Bullying and blood (if you have hemophobia you may skip the gore part, you've been warned)
Habang naglilibot kami sa mga booth marami na dumayo dito para sa event na ito, maraming mga pamilya nakikipag-bonding sa kanilang mga anak ginawa kasi ito para sa lahat. Hindi makakapunta sila Mama at Papa dahil busy sa trabaho.
"Abbi punta tayo sa booth ni President, sasama sa akin si Lyn" Pag-aya sa akin ni Ashy, pumayag ako na sumama sa kanila, nagpaalam muna ako kay Mika dahil hahanapin ako no'n kapag hindi ako nagpaalam sa kanya. At si Shienna wala naman pake sa akin iyon mala-badtrip sa akin pero kung pera, skincare, damit, at mga mayayamang lalaki for sure sa akin lagi pupunta for the advice lang.
Nakita namin yung booth ng SSG ang ganda ng gawa nila halatang pinaghirapan nila ito, curious din ako kung anong booth naman yung sa kanila.
"President Gray!" Tawag ni Ashy sa kanya.
"Ah Ashy, Lyn and Abbi glad you guys made it" Gray greeted us, halata sa boses niya na pagod siya, he definitely worked hard for this.
"What booth you guys made?" Tanong ko sa kanya.
"Well Ian decided to make a baking booth while si Miguela gusto photobooth nag-away tuloy yung dalawa kaya ako na nag-decide na pwede naman parehas yung booth na gusto nila gawin" Tinuro niya yung Mercado siblings na nagtatalo pa.
"Ian sabi ko sayo itabi mo yung gamit para hindi sagabal dito sa booth ko"
"Booth mo? Baka ibig mong sabihin booth namin ni Gray ikaw nga yung sagabal dito eh, kami nauna dito sa pwesto na ito" Sagot naman ni Ian, halos kalahati ng campus rinig yung mga hiyaw nila sa isa't-isa.
Kami nila Gray, Lyn at Ashy pumunta sa booth nila at awatin na yung away-kapatid. Unang araw pa lang ng event nag-aaway na yung dalawa.
"Oy kayong dalawa tama na away nakakahiya naman sa ibang tao oh" Awat ko sa kanilang dalawa. Pinakalma muna namin yung dalawang Mercado bago namin sila .
"Ayan kalmado na kayong dalawa kaya anong nangyari sa inyo?"
"Well ito si Kuya Ian n'yo hindi nakinig sa sunduan namin kanina, sabi ko sa kanya dito ako sa right side niya para sa mga may gusto mag photobooth kaso sabi niya sagabal ako sa daan kahit hindi naman"
"Totoo naman na sagabal ka sa daan Miguela, dito ka sa kabila" Sambit pa ni Ian at naglilipat ng gamit.
"It's surprising that your fan girls aren't here" I tried changing the subject baka lang makalimutan nila yung away.
"It's still early pa and I remembered that you three have to try my booth's food" Pumunta siya sa booth niya at pinakita niya yung gawa niya. We took one and thanked him as we took a bite. Infairness masarap yung gawa niya, he can actually work sa café na lagi namin pinupuntahan.
"Ampogi niya at talented pa kulang na lang maging asawa ko na lang" Bulong sa akin ni Lyn na parang tanga dito sa tabi ko.
"Ang aga-aga Lyn landi mo na agad" Komento naman ni Ashy, ayun resulta nagtatalo naman itong dalawa, gusto ko lang bumalik sa dorm ko at matulog kaso may pageant audition pa ako.
YOU ARE READING
Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)
RomanceLove means an intense feeling or deep affection. People say that we experienced 3 types of Love 1. Puppy Love or Fairytale Love. The one that we think would last forever, but it won't. Because we'll soon learn and realize that Fairytales doesn't ex...
