Day two of our event, nandito kami sa dorm room ko dahil kailangan kong magpalit ng bandage kaya kasama ko si Mika, Lyn and Shienna, si Theo nauna na sa amin dahil tutulong siya sa pag-aayos ng track and field event para mamaya.
"Uh Mika aren't you a little bit too much na?"
"What do you mean too much? Hindi pa nga ako tapos sa paglilinis ng mga sugat mo" "Oo nga pero is it necessary na magmukhang mummy na ako from any Egyptians history?" Halos ang daming bandages na sa braso ko at mga band aid sa mukha ko parang nadisgrasya ako.
"I agree sa kanya, baka hindi na din siya makakilos dahil dyan" Sang-ayon naman ni Lyn sa akin.
"Okay na iyan kay Abbi para hindi tayo masampal ng mabigat niyang kamay" Dagdag pa ni Shienna, maswerte na lang siya na hindi ko magalaw braso ko. Pagtapos ayusin ako ni Mika pero this time tinanggal niya yung sobra. Lumabas na kami sa dorm ko at naisipan kong kumain muna kami sa labas dahil hindi pa kami nag-aalmusal.
"Kain muna tayo sa labas guys" Aya ko sa kanila pero tumanggi si Shienna at Lyn. Ang rason nila, wala daw silang pera pero mayroon silang pambili ng skincare at mga mamahaling damit.
"Ayaw niyo talaga sayang libre ko pa naman, si Mika na lang ililibre ko"
"Ay libre mo pala sige isama mo na kami" Bigla agad sumama si Shienna pati na din si Lyn, mga hayop kapag nilibre ko sila agad silang sasama.
"Talaga? Dito talaga kayo sasama dahil lilibre ko kayo"
"Syempre libre mo sayang kaya kapag hindi namin kukunin"
"True, sugar mommy ka naman namin kaya hindi ka mauubusan ng pera noh" Dagdag pa ni Lyn, lagi nila ako sinasabihang Sugar Mommy pero aila nga yung mas mataas na net worth kaysa sa akin. Lumabas na kami sa dorm at ni-lock yung pinto dahil wala si Theo, pagbaba namin pakiramdam ko may sumusunod sa amin kaya lagi akong tingin ng tingin sa likod namin.
"Are you okay Abbi?" Tanong sa akin ni Mika. Sinagot ko lang na ayos lang ako, she didn't asked me futher more which is I'm weirded out, hindi kasi gawain ni Mika iyon. Nasa labas na kami papunta sa Cafe na tinatambayan namin buti na lang hindi namin nakasalubong sina Ashy, Nath at Miguela for sure magpapalibre sila at doon na katapusan ng pagiging Sugar Mommy ko. Nakarating na kami sa Café kung saan lagi kami tumatambay, pagpasok namin as usual pinagbuksan kami ng staff. Nakita kami ng manager at kinamusta kami.
YOU ARE READING
Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)
RomanceLove means an intense feeling or deep affection. People say that we experienced 3 types of Love 1. Puppy Love or Fairytale Love. The one that we think would last forever, but it won't. Because we'll soon learn and realize that Fairytales doesn't ex...
