Isang Linggo lumipas...
"Abbi tapos ka na ba magligpit para sa dorm ninyo?" Rinig ko yung tanong ni Mama sa labas ng kwarto ko, nakita ko siya sa labas at may dala siyang mainit na kape. Pinunasan ko yung pawis ko sa noo dahil kanina pa ako naglalagay ng gamit ko para dorm bukas. Linggo ngayon kaya kailangan ko na mag-impake, umupo muna ako sa kama ko para magpahinga tumabi na din si Mama at binigay sa akin yung mainit na kape. Nagpasalamat ako at humigop ng konti, halos ang dadalhin ko lang naman ay damit, books, electronics ko at hygiene kits na din.
"Sabi ng Papa mo may tutulong sa iyo sa pag-dala ng gamit mo"napataas na lang ako ng kilay dahil kaya ko naman dalhin yung gamit ko papunta sa dorm, "Sino po ba iyon?" Tanong ko sa kanya, pagtapos kong sabihin iyon narinig ko galing sa ibaba na tinatawag ako ni Papa.
"Abbi baba ka dito!" Nilapag ko muna yung kape ko sa study table ko at bumaba dahil tinatawag ako ni Papa, "Papa bakit po?" Tanong ko sa kanya habang ako'y pupunta sa sala dahil nandoon siya, nakita ko si Papa may kasama na medyo pamilyar sa akin pero hindi ko ma-point out kung bakit.
"Uy Abbi kumusta na, it's Nath your best friend and partner in crime". He introduced himself, ayun naalala ko na, si Padel pala ito nasa harap ko, hindi ko ine-expect na ganito na siya last namin magkita nung nagkasabay yung laro namin. "Nath how are you? You're still Nath'' napabiro na lang ako dahil unexpected yung pagpunta niya dito. Sinabi sa akin ni Nath na sa University ni Mika siya papasok which means kasama ko siya sa Freshmen year namin.
Nako alam ko na manghihinggi sa akin yan ng sagot sa Thesis for sure, sa akin lagi kumukuha ng sagot hindi ko nga alam kung paano pa siya nakatapos ng highschool. Inutusan ni Papa si Nath na kunin na niya yung gamit sa itaas at ilagay na iyon sa Van namin.
"Abbi, aral ng mabuti ah at tapusin mo pag-aaral mo, bike tayo pag sembreak ninyo, baka mahina yung pagpidal mo ah" Si Papa talaga likes to challenge me, now I know where I got my competitive personality.
''Sige Pa, I accept your challenge see you sa sembreak namin'' sabay ngiti ko sa kanya, nakita ko si Nath bumaba na at dala-dala na niya yung mga gamit ko, tinulungan ko siya ilagay lahat iyon sa loob ng Van namin, ihahatid kami ng driver namin papunta sa University. Medyo natagalan kami ng konti dahil nag double-check pa ako kung kumpleto na gamit ko.
Natapos na kami ilagay lahat ng gamit, pumasok na sa loob si Nath sa Van habang ako nasa labas pa para lang magpaalam kay Mama at Papa. Niyakap ko sila at sinabi ko sa kanila na babalik ako kapag sembreak na namin. Pumasok na din ako sa loob at katabi ko si Nath, habang on the way na kami sa University, nag catch-up muna kami ni Nath dahil ang dami namin napag-iwanan.
''So nahanap mo na siya?''
Alam ko kung sino tinutukoy niya, mahina niya tinanong ito dahil baka marinig pa kami ng driver, ''Hindi pa, ang weird noh, yung evidence isn't make any sense. Tanggap na ni Mama at Papa na wala na siya pero ako hindi pa eh, kung sino manlang pumatay sa kanya kailangan ko siya hanapin, I had this feeling Nath that she's alive, Nath hahanapin ko siya basta gusto ko lang malaman ang katotohanan kung bakit nila ginawa iyon sa kanya'' after saying those to him, I felt his hand patted my shoulder in a comfort way.
''Hindi ka pa din sumusuko, grabe na talaga ang mga Vergoza, hindi talaga nagpapatalo sa kung anuman, wag ka mag-alala tutulungan ka namin hanapin siya, imbestigahin natin yan soon, pero we need to pokus on our studies, Oh diba ayus ba English ko best friend?" napatigil ngiti na lang ako pero hindi ko kaya pigilan dahil palabiro din ito si Nath, he never failed to make me laugh.
YOU ARE READING
Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)
RomanceLove means an intense feeling or deep affection. People say that we experienced 3 types of Love 1. Puppy Love or Fairytale Love. The one that we think would last forever, but it won't. Because we'll soon learn and realize that Fairytales doesn't ex...
