Chapter 13 : Tracing more clues

184 6 11
                                        

Thursday, 5:30 am. 

Hindi dahil sa alarm ako nagising kung 'di hindi lang talaga ako makatulog, halos kada oras nagigising ako sa mga panaginip ko, hindi mawala-wala sa isip ko ang pangyayari sa kapatid ko at isa pa may koneksyon ang tita ko kay Mr. Baltazar, sana wala mapahamak sa pangyayaring ito. 


Nag-ayos na ako ng sarili ko para diretso na ako sa bus upang makauwi na agad. Pwede ko itong gamitin para bisitahin ang mga magulang ko, isasama ko na lang siguro si Mika o Shienna. Ihinanda ko na ang damit ko at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis agad ako at dinala ang gamit ko sa sala, pagbaba ko gising na ang mga professors at si Gray. Siguro nasa itaas pa ang mga kasama ko na naghahanda sa pag-uwi namin.

"Good morning Abbi, napaaga ang iyong gising. Congratulations nga pala sa pagkapanalo ninyo, I was rooting for your team" Gray approached me as he gave me a high five.

"Good morning Kuya Gray. Thank you for your support Gray, I'm not going to join the bus with the others, my driver will be here by 6 o'clock. I'm staying with my parents for two days and by the weekends we'll do shopping for the ball"

"Not unless without breakfast" Professor Ven came with two plates full of food. He placed it in front of me. 

"Good morning Professor Ven, woah these look amazing!" 

"Save the compliments, kumain ka na baka nandyan na ang sundo mo" Without hesitation, I started to eat breakfast with at least 25 minutes on the clock. After eating a delicious breakfast, I saw my driver arrive on time as always. Gray helped me to carry my things in the car as our driver came to help too.

"Paki sabi sa iba na umuwi ako sa bahay namin at babalik ako sa Lunes, see you on Monday"

"Ingat ka Abbi" Pumasok ako sa kotse at pinagmasdan ako ni Gray sa labas ng gate hanggang sa nakalabas na kami. Tinanong ko yung driver namin na dumaan muna sa Mcdonald dahil alam ko magugutom nanaman ako nito. 

"Kuya Lex, daan po muna tayo sa drive thru ng Mcdo po" Siya Kuya Lex siya yung nagdala sa amin sa dating bahay ni Lyn. 

"Masusunod po Ms. Vergoza, may pupuntahan ka pa ba po?" 

"Wala na— ay actually may tanong po ako, dati pa po ito pero diba po may inampon po kayo at tagahanga niya rin po ako. Nasaan po siya ngayon?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang cellphone ko sa mga messages na natatanggap ko.

"Ah si Tricia po ba Ms. Vergoza. Graduating na po siya this school year ng Nursing, as of now nasa apartment po siya ngayon, bakit niyo po naitanong?"

"Inimbita kami sa isang formal event kailangan ko ng ka-date, ayoko naman na mag-tweet ako sa twitter kung sino pwede maging ka-date ko, baka mas lalong lumala ang sitwasyon ko" Pinakita ko kay Kuya Lex yung invitation na galing kay Mr. Baltazar.

"Makukuha mo siya as your date ngunit, mahiyain ang batang iyon, simula noon pa lang ganyan na siya, kapag ikaw nagsabi niyan sa kanya tatanggapin ka dahil hinahangaan ka niya at nangangamba siya sa isusuot niya." 

"Huwag niya pong intindihin ang bayarin sa damit, make-up, hairstyles, at accessories ako na po may sagot basta lang po dumating siya as my date." Tumanggo si Kuya Lex at tinawagan si Tricia, hinayaan ko na lang muna sila mag-usap sa telepono, nakarating na kami sa drive thru ng Mcdo at inabot ko yung bayad ko sa pagkain, alam naman ni Kuya Lex ang lagi kong inoorder dito. 

Pagkatapos namin kunin ang pagkain dumiretso na agad kami papunta sa bahay namin at pumayag si Tricia na samahan niya ako sa party na iyon. Sinabi ko kay Kuya Lex na sa Sabado kami mamimili ng damit namin.

Unexpected Fate (Professor X Student) (GxG)Where stories live. Discover now