CHAPTER 06I used to feel overjoyed whenever my family was complete, but now I'm not sure why I just want to be alone.
Mahirap kalimutan ang isang importanteng bagay kapag ito'y nawala, ngunit mas mahirap kalimutan ang mga masasakit na salita na narinig ko kagabi sa aking ina. Hindi ko magawang ngumiti kagaya ng madalas kong ginagawa noon. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Mommy, kung papano niya ako nagawang pagtaksilan para maisalba lang ang lumulubog naming kumpanya...
Pabagsak kong binitawan ang aking kutsara't-tinidor nang simulan na naman niya akong sigawan sa harap ng hapagkainan.
Kailan pa ba siya matatapos?
Iyong tipong gusto kong kumain ng tahimik pero hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataon, this is so frustrating!
"Sa ayaw at sa gusto mo Vixen, papakasalan mo si Ino Morales! Ako ang batas sa pamilyang 'to kaya ako ang masusunod, you stupid brat pinapalamon na nga kita dito, balak mo pa akong suwayin?!"
I leaned on my chair as I sighed heavily. I'm so frustrated this past few days. Laging pumapasok sa utak ko ang ginawa ni Ino sa akin ng gabing iyon. It's been 2 weeks now, pero palagi kong napapanaginipan ang mukha ni Ino at kung papano siya naging totoong demonyo sa panaginip ko.
"Vixen, nakikinig ka ba estupida?!"
Bumuntong-hininga ulit ako at pilit na nilunok ang pagkain sa aking bibig.
Dumudugo ang isang kamao ni Ino. Naalala ko kung papano niya pilit tinatago sa akin ang dumudugo niyang kamao kahit na nahuli ko naman. Nasa gate na ako non nang habulin niya ako at hinila. Until now I could still feel his warmth against my body, ganon kahigpit ang pagkakayakap niya sa akin pagkatapos niya akong hilahin at ikinulong sa kanyang mga bisig.
My eyes almost expanded with surprise as my heart raced. My wet and aching eyes saw him apologize and seek for pardon. Pero umiling lang ako, dahil ng mga oras na iyon naging matigas ako.
Tinawagan niya si Kuya Manuel para sunduin ako at siya narin ang nagsabi sa mga magulang ko tungkol sa maaga kong pag-alis sa mansyon ng mga Morales. Hindi man lang ako na-inform na ganon sila ka close ni Kuya Manuel para magkaroon siya ng numero nito. Hindi ko na alam kung anong palusot ang sinabi niya, basta umuwi ako non nang hindi nagsasalita at panay lang ang iyak.
I even brought the jacket na siya pa mismo ang nagsuot sa akin. After what he did, may mukha pa talaga siya para gawin sa akin yon.
"Vixen!"
"Mommy pwede ba!" nagulat ang lahat dahil sa pagtaas ko ng boses, I even stood up and held my temple. "Pwede ba kahit ngayon lang lubayan nyo muna ako?! Nakakapagod kayo Mommy, at naririndi na ako!" tuloy-tuloy kong sinabi i walang paki-alam sa ipinapakita nilang reaksyon.
Kung nagulat sila, ganon din naman ako.
"D-Did you just shout at me Vixen?!"
"Dahil nakakarindi ka na! Pabalik-balik ang sinasabi mo, palaging si Ino Morales at ang tanginang kasal na 'yan ang bukambibig ninyo! Nakakasawa na!"
"Vixen your mouth!" si Daddy naman ngayon ang sinigawan ako.
Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Ate Helena ang pagsilakihan ng mga mata ni Mommy at ang salubong na mga kilay ni Daddy. I bit my lower lip ang clenched my fists tightly.
"You disrespectful child-" tumayo si Mommy at umambang susugurin ako. "Wala kang galang! Wala kang kwenta!"
"Dahil binibigyan nyo ako ng rason na bastusin kayo!" hinarap ko siya nang nakakuyom ang mga kamao. Nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa namumuong galit at ganon din naman siya sa akin.