HTBC 05

1.3K 69 31
                                    

(WARNING: SLIGHTLY SPG)

Chapter 5

"Madam, tawag po galing States..." naagaw ang atensyon naming lahat sa sinabi ng isang katulong.

Napapabuntong-hininga si Mrs. Morales bago tumayo at nagkibit-balikat.

"It's my second son, excuse me..." nakangiti nitong saad. Hindi pa man nakakalayo ay muli siyang humarap sa amin. "Better to fix this son, I want that girl to carry all my grandchild soon, wala ng iba." napanga-nga ako sa kanyang sinabi lalo na noong itinuro niya ako at kinindatan.

Pakiramdam ko, nasa maling lugar ako at pinalilibutan ng mga kampon ng demonyo-- oh God, forgive my mind, and my words hindi ko lang lubos na maintindihan kung bakit sa akin nangyayari ang mga ganitong bagay. Hindi parin pumapasok sa utak ko ang desisyon ni Mommy at Daddy na ipakasal ako sa taong to. I glanced at Ino Morales, gusto kong dukutin ang mga mata niya! Kanina pa siya nakatitig at panay ang buntong hininga, frustrated na frustrated sa suot ko.

Natapos nalang kaming kumain ay ganoon parin siya, panay ang sulyap niya sa akin, salubong ang mga kilay, at gumagalaw ang mga panga. Ni hindi ko siya kayang tingnan pabalik dahil nakakatakot ang mukha niya. Para bang isa akong kriminal sa paningin niya. Kung anu-anong lumalabas sa bibig niya na hindi magandang salita pagkatapos niyang pasadahan ng tingin ang aking kabuuan. I'm frustrated too! pero sobra naman yata itong si Ino.

Umalis nga si Ate Helena, I wonder kung kumain na ba yon o dumiretso sa isang bar. Ganon naman siya kapag galit pumupunta sa isang magarbong bar para magpakalasing. Kasalanan talaga to ni Ino! Bakit niya ba ide-deny ang kapatid ko? They kissed, they even did that thing tapos ngayon ide-deny siya ng lalaking to? At anong sinasabi niyang wala silang relasyon? Is he crazy? Kung ganon anong tawag sa relasyong nila? Fuckbudd- hindi, ayokong ituloy! Oo, alam ko ang mga ganoong bagay, I'm not that innocent at naaapektuhan ako sa mga nangyayari.

"Excuse me for a while," paalam naman ni Mr. Morales bago ito umalis na may katawagan. Matamis ang ngiti nito habang sinasagot ang katawagan sa kanyang cellphone.

Ngayon naiwan nalang kaming apat ni Mommy, Daddy Ino at Ako. At hindi ko kayang ikimkim lang itong nararamdaman ko.

"I'm not going to marry him, Mom..."

"Come again?" si Mommy na natigilan sa pag-inom ng kanyang wine.

I sighed and clenched my fists.

"I said, hindi ako magpapakasal kay Ino Morales."

"Are you stupid, Vixen?!" tumaas na ang boses niya ngayon.

"Vanessa come down, this is not our place." mariin na saad ni Daddy.

Napansin ko ang biglaang pagtayo ni Ino kaya nilingon ko ito. Nakapamulsa siyang tumalikod at naglakad paalis ni hindi man lang nagsalita o nagpaalam. Hinimas ko ang aking sentido.

"Mommy naman bata pa po ako--"

"Anong pake ko?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. My jaw dropped, my hands are shaking. Totoo bang sinabi iyon ni Mommy na walang pag-alinlangan?

"Papalubog na ang kumpanya, kailangan natin ang tulong mga Morales para umangat ulit! At ikaw ang kapalit naiintindihan mo ba? Gusto ni Mrs. Morales na magkaroon ng apo dahil nalalapit na ang kanyang kamatayan--"

"Vanessa your mouth!"

"No! That's the truth Vixen! Bago pa man mamatay si Nora ay gusto niyang maranasan magkaroon ng apo at ikaw ang magbibigay non sa kaniya... sa kanila!"

Kahibangan. Kahibangan itong lahat. Hindi ako makakapaniwalang diretso niya iyong sinabi sa mukha ko. Nanginginig ang buo kong pagkatao at nangingilabot. Hindi pupwedeng sila ang magdesisyon sa buhay ko! Hindi, hindi to maaari.

Hiding The Beast's Child Where stories live. Discover now