HTBC 09

1.1K 56 11
                                    


CHAPTER 09

"Dona?!"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at sinulyapan si Mother Superior na puno ng pag-alala ang mga mata. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Ayos ka lang ba hija? Nagugutom ka ba?"

Ilang sandali ko siyang pinagmamasdan bago umiling.

"Anong oras na po?" marahan kong tanong bago ko inilibot ang paningin sa buong silid "At nasaan po ako?" dagdag kong tanong bago sinapo ang ulo ko dahil sa biglang pagkirot.

"Nasa bahay-ampunan ka hija, dito ka dinala ni Kate"

"Si Kate?"

Bigla kong na-alala kung ano ang nangyari sa akin. Tumakas ako sa hotel na 'yon at muntik ng mabangga, nakita ako ni Kate at tinulungan. At hindi lang iyon, she told something that really break my heart.

"S-Si Ate Helena" bulong ko, as my eyes suddenly filled with tears. "K-Kailangan ko ng umuwi Mother Superior, h-hindi ako pupwedeng magtagal dito baka malaman nila Mommy at Daddy..." naiiyak kong sinabi at tumayo.

"Pero hija gabi na-"

Mas lalo akong napaiyak nang sabihin iyon ni Mother Superior, ibig sabihin 24 hours na akong wala sa bahay at paniguradong alam na ng mga magulang ko na hindi ako nakauwi.

Nanginginig na lumabas ako ng kwartong iyon. Bumaba ako sa hagdanan at hindi inaasahang makasalubong ko si Kate. Just like Mother Superior, I also witnessed how she worried about me. Kung tutuusin dapat ay magalit ako dahil tinago niya iyon sa akin, ang katotohanan na alam niya na may planong masama sa akin si Ate Helena.

Ngunit naalala ko rin na hindi niya intensyon na gawin 'yon. She was also a victim here, kaya naiintindihan ko.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay nilagpasan ko nalang siya. Panay ang tawag sa akin ni Mother Superior, pilit niya akong pinipigilan sa aking gustong mangyari.

Kailangang kong umuwi, I need to talk to my evil sister!

"H-Hindi ka pwedeng umuwi Vixen!" Kate tried to touch me but I pushed her right away.

"H-Huwag mo akong hawakan" humihikbing saad ko. Kita ko ang gulat sa mukha niya pero hindi ako nagpaapekto "I need to go home-"

"No Vixen! Hindi nga sabi!" this time she pulled me at galit niya akong tiningnan sa mga mata. "Ang kulit mo hindi ka sabi pwedeng umuwi! Nandon si Ino paano kung magkita kayo-"

"Ano naman Kate?!" galit ko ring sigaw sa kanya at malakas na binawi ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. "Ano naman kung nandoon si Ino? Ha?"

"Bobo ka ba? What if Helene told him about you? Na binigay mo sa iba 'yang virginity mo-"

"Helena!" suway ni Mother Superior ngunit walang nakinig sa kanya. Napakuyom ako ng kamay.

"Lahat kami ay may alam tungkol sa engagement nyo ni Ino, Helena your bitch sister told us at hindi lang si Ino ang naroon ngayon pati nadin ang mga kaibigan ni Helena na involve rin sa nangyari sayo!"

Shock was painted on my face. Ang ibig sabihin ba non, ay 'yong pagtawag nila sa akin ay parte na ng plano. Hindi lang si ate ang may gawa nito sa akin pati nadin ang mga kaibigan niya?

"Naroon sila ngayon at nagsasaya Vixen! Naiintindihan mo ba-"

"Wala akong paki-alam Kate, ayokong magalit ang mga magulang ko sa akin kailangan ko ng umuwi!"

"Vixen-"

Mabilis ko siyang tinalikuran at walang pasabi-sabing lumabas sa bahay ampunan at pumara ng taxi. At habang nasa loob ako ng sasakyan ay hindi ko mapigilang maluha ng maluha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hiding The Beast's Child Where stories live. Discover now