CHAPTER 04Tanghali na ako nagising kinabukasan dahil hindi mawala-wala sa aking isipan ang nakita. Kung hindi lang ako kinatok ni Manang ay baka hindi pa ako nagising. Kung bakit ko pa kasi nakita ang ganoong senaryo kagabi, kainis talaga!
Pagkatapos kong kumain sa kusina ay nagulat ako noong pinatawag ako ni Mommy sa library, kung saan nasa loob lang naman ng aming bahay. Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan bago iyon binuksan at pumasok. Nadatnan ko si Mommy na may kausap sa telepono kaya hindi muna ako nagsalita. Kita ko ang galak sa mukha ni Mommy habang sinasagot niya kung sino man ang kausap niya sa telepono. Tumikhim ako at umupo sa harapan ng kanyang lamesa.
Hindi ko namalayan ang pagdating nila kagabi, masyadong nilipad ng hangin ang kaya siguro lutang na lutang ako.
"Yes Mrs. Morales, expect us to arrive early so we can talk longer about the engagement-- yes, yes! Oh, that's good to hear, yes Mrs. Morales have a good day..." nakangiti pa si Mommy nang ibaba niya ang telepono ngunit agad ding sumimangot nang lingunin ako.
"Pinapatawag nyo po daw ako,Mommy?"
"Inimbihatan tayo ng mga Morales for dinner, kailangan maayos at maganda ang damit mo so I brought this..." aniya at nilahad sa akin ang isang kulay puting paper bag .
Nanginginig ko iyong tinanggap at tiningnan si Mommy na may pagtatanong sa mukha. Sino ang mga Morales at bakit kailangan ako?
"S-Si Ate Helena po ba kasama rin?'
"Of course Vixen," irap sa akin ni Mommy.
Suminghap ako at tumango bago tumayo at nagpaalam na lumabas. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng malapad noong tuluyan na akong nakalabas ng library. Heto ang kauna-unahang beses na binigyan ako ni Mommy ng damit. Parang may humaplos sa aking puso, mali ang iniisip ko na wala siyang pakialam sa akin.
Hindi niya ako bibilhan ng dumit kung ganoon, hindi ba?
Paakyat ako ng hagdan ngunit agad ding natigilan dahil sa presensya ni Daddy, kagaya ng nakasanayan kong nakita wala paring emosyon ang kanyang mukha at malamig siya kung makatutok sa akin. Tila ba iba akong tao at hindi niya ako kilala. Palihim akong lumunok at tumikhim bago nagpasyang umatras para makadaan siya ngunit sa gulat ko ay halos matutop ko ang hininga nang magsalita siya sa aking harapan.
"Your calvary is about to begin, hindi ka ba natatakot?"
"D-Dad..." hindi ko madugtungan ang sasabihin dahil sa kaba.
"I pity you," iyon lang at nilagpasan na niya ako.
Napakunot ang noo ko kalaunan dahil sa huli niyang sinabi. Naaawa siya sa akin bakit? At anong calvary ang sinasabi ni Daddy? Kahit kailan talaga hindi ko mabasa-basa ang nasa utak niya at kung ano ang iniisip niya. Kagayang-kagaya ni Ino...
"Jusko," napahawak ako sa aking sentido at napailing. Bakit ko ba naalala ang lalaking iyon?
Hindi pa sumapit ang alas sais ay nakaligo na ako at laking gulat ko dahil sa paglabas ko ng bathroom ay may babaeng naroon sa aking kama at may inaayos. Nasa mid-30s na siya at malinis kung kumilos. Humarap siya sa akin at ngumiti.
"Hi, I'm Pelita the make-up artist..." aniya at nilahad ang kamay, nakangiti ko naman iyong tinanggap "Pinapasok na ako ni Madam Vanessa, aniya'y naliligo ka pa kaya dito na ako naghintay." tuloy-tuloy niyang sinabi at ang tanging nagawa ko lang ay tumango.
Sinimulan niya akong ayusan, mula sa mga pilik-mata, kilay, pisngi at labi. Marami pa siyang nilagay sa mukha ko na hindi ko alam kung anu-ano dahil wala naman akong alam sa make-up make-up nayan.
Nang tuluyan ng matapos ay inalalayan niya akong isuot ang damit na binili ni Mommy. Umawang ang labi ko at umurong ang hininga matapos hagurin ng tingin ang damit. Jusko, damit pa ba to?