Ang Simula"Dona, over here!"
I removed my black shades at kinawayan si Kate na tumatakbo papalapit sa akin. I couldn't help but to smile broadly habang sinusundan siya ng tingin.
"Tangina, ganda!" walang-hiyang sigaw niya at bahagyang sinampal ang aking balikat noong tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
Ngumiwi ako at inirapan siya. She still doesn't really change after all this years, ang ingay-ingay niya parin.
"Lower your voice Kate, nasa airport tayo remember?"
Ngumisi siya sa akin at nagkrus ng mga braso. I raised a brow on her, nagtataka sa paraan ng kangyang pagngisi.
"Ano?"
"You've change a lot,"
"Lahat naman siguro nagbabago..." I shrugged
I had such a difficult time leaving this country five years ago. I lost myself, and everything that was significant to me was taken away from me. Sabi ko noon lilisan ako at hindi na babalik sa bansang ito, but look at me now. Aside from the two suitcases I was carrying, I also had the cause for my return.
I sighed and licked my lower lip.
"An-ne?" natigilan kami pareho ni Kate noong may biglang humila sa kamay ko. "Yemek istiyorum," dagdag aniya at itinuro sa hindi kalayuan ang isang batang babae may subo-subong lollipop sa bibig.
Bumaba ang tingin ko kay Finn, naka-pout ito habang malalim ang mga matang nakatitig sa akin. My forehead furrowed as I leveled my eyes to him.
"Finn, diba sabi ko magtatagalog ka kapag nandito na tayo sa Pilipinas? We are not in Turkey anymore naiintindihan mo ba ako anak?"
"An-ne, yemek istiyurom!" Instead of responding, he simply reiterated what he had already stated. He stamped his feet again as he yanked my hand.
"Oh my God!" napatakip si Kate sa kanyang bibig habang ang mga mata ay parehong nagsilakihan. Anong klaseng reaksyon yan?
Finn shifted his gaze to her, blinked again, and pouted even more.
"Mama!" naiiyak na tawag sa akin ni Finn. "Food! Food! Food!"
I coped his little face and kissed the tip of his nose.
"Okay, bibili ako ano bang gusto ng baby ko?"
Kita ko ang biglaang pagliwanag ng mukha ni Finn. I locked my gaze on him for a few moments, and I couldn't help but think about his father. Unang tingin mo palang sa mukha niya, masasabi mo na kung kanino talaga siya nagmana. That beast really had a thick and strong blood!
May mga araw na hindi ako makatitig ng diretso kay Finn, dahil sa tuwing kaharap ko ang anak ko naalala ko ang halimaw niyang ama.
Dala ni Kate ang aking mga bagahe samantalang hawak-hawak ko ang maliit na kamay ni Finn palabas ng airport. Huminto kami sa harap ng sasakyan ni Kate. Pansin kong hindi natatanggal ang tingin niya sa anak ko kaya nilingon ko ito ng nakasimangot.
"What now?"
"Tangina, nakikita ko ang batang In-"
I abruptly cut her off before she could finish her sentence.
"Bantayan mo muna si Finn, bibili lang ako ng pagkain..." umamba akong aalis nang lingunin ko ulit si Kate "And don't you dare mention that beast' in front of my son, kakalbuhin talaga kita" itinaas ni Kate ang kanyang dalawang kamay tanda ng pagsuko.
I went to the convenience store near the airport.
Bumili ako ng mga paboritong pagkain ni Finn, para hindi na siya magutom mamaya sa byahe. Bumili din ako ng makakain ko at maiinom. Mabilis lang ako roon kaya lumabas nadin ako kalaunan at bumalik sa kinaroroonan ng dalawa.