"Summer Dale Andana, the Kikay Queen of Montreal University was humiliated yesterday. She was slapped b---" Tinapon ko sa sofa ang phone ko sa sobrang inis.
"Mga walang magawa sa buhay." Trending pala ako sa twitter at dumami pa ang followers ko dahil sa nangyari kahapon.
"Sikat ka na, cousin dear. " Inirapan ko si Eiffel at naupo sa tabi niya.
"Ang aga pa pero nandito kana sa unit ko." Siya pa itong gumising sa akin.
"Eh walang pagkain sa unit ni Jake, pinag grocery ko pa siya." Langya!
"Tsaka paano ka nakauwi kahapon? Hindi man lang kayo kinasuhan ng store? Nag cause kaya kayo ng gulo dun." Umiling ako.
"Hindi ko alam kong ano ang ginawa ni Sander. Ang alam ko lang ay nakauwi ako dito ng hindi man lang hinarangan ng mga guards."
"Well, Sander Saavedra yun. Di natin alam baka sa kanila ang mall nayun." Umismid ako sa kanya.
"At ito pa, cousin dear. Kumalat sa twitter na boyfriend mo raw si Sander. " Tinignan ko siya ng masama.
"You think papatulan ko yun? Hindi ko kaya pinangarap na ma boyfriend yun, tsaka napakahambog, porket mayaman kong umasta akala mo kong sino!"
"Weh, di ka man lang kinilig sa kiss? Aminin! I'll tell Jake about this, kaibigan niya kaya si Sander. " I don't care.
"Edi kwento mo, wala akong pake!" Tumayo na ako at kinuha ang mga dala sa mesa.
"Teka! Ano yan." Turo niya sa hawak ko.
"Placard na may sulat na HINDI KO BOYFRIEND SI SANDER EULESIS SAAVEDRA. I'll wear this para aware sila sa mga nangyayari. Dami pa namang tsismosa sa school." Kala mo Sander ha! Kung tuso ka mas tuso ako.
" Grabe! Ang smart mo, hindi ka naman mahihiya niyan? Hello, college na tayo no! " At nag slow clap ito malapit sa mukha ko.
"HINDI." Sagot ko.
"Grabe, ang ganda pero mukhang tanga."
"Nakakahiya naman siya."
"Hahaha. Anong ginagawa niya? Isip bata."
"Weird siya."
Mga walang kwentang bulong bulongan nang makapasok ako sa University. Nang makita ko kasing maraming tao ang naka tingin, agad ko namang sinuot ang placard. Agad na umiwas si Eiffel sa akin dahil nakakahiya raw ako. Ang iba natatawa, ang iba nawewerduhan.
"Grabe, iba ka talaga!" Sabay lambitin ng ahas sa leeg ko.
"I am! Hindi ako katulad ng mga babae mong patay na patay sayo no and stop using me for fun. Hindi mo ako laruan." Mukhang na offend siya sa sinabi ko dahil natahimik ito.
"I'm sorry, okay? Hindi ko naman kasi inaasahang makita kita doon. Yung babae kahapon, she was my ex at ayaw akong tantanan hanggang sa nakita kita. Hindi ko naman akalaing magaaway kayong dalawa." Napakamot ito sa ulo habang nakayuko.
"I'm sorry, Summer. Please forgive me. I swear I'll do everything para lang mapatawad mo ako." Nakahawak na siya ngayon sa kamay ko.
"Fine, you're forgiven. You'll do everything, right?" Tumango ito.
"Stay away from me, Sander." Inalis ko ang placard na nakasabit sa leeg ko at binigay sa kanya.
"I can't, Summer." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Why? You said you'll do everything."
"Because I like you." Tumawa ako dahil alam kong nagjo-joke lang siya.
"Oh, stop it! I know you." Sumeryoso ang mukha nito kaya medyo kinabahan ako. Nasa labas pa naman kami at maraming nakatingin!
"Really? Then alam mong hindi kita tatantanan kahit anong gawin mo. I'm serious, Summer. I like you." Umirap ako at tumakbo palayo sa kanya dahil ayaw ko na ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
I was having my lunch nang may umupo sa tabi ko. Plastic na umubo ang pinsan ko at sabay pa silang tumayo ni Jake para lumipat ng mesa. Halos isang buwan na akong kinukulit ni Sander at naiirita na ako. Alin ba sa stay away from me ang hindi niya maintindihan?
"I told you to stay away from me, Sander." Hindi ito umimik at kinain lamang ang pagkaing dala.
"I'm serious, Sander." Ngayon ay nakatingin na siya sa akin.
"I'm serious too, Summer. I mean it when I said I like you. Never judge my feelings for you just because of my past." Tumayo na ako kahit hindi ko pa ako tapos kumain.
Ramdam kong nakasunod siya sa akin kaya mas binilisan ko ang paglakad. Tuluyan na kaming nakarating sa likod ng aming building at dun ko na siya hinarap.
"Really? You think maniniwala ako sayo? Ngayon nga lang tayo nagkita tapos sasabihin mong gusto mo ako? Ibahin mo ako sa iba, Sander. Hindi mo ako madadala sa mga salita mo." Hindi ko alam pero nagagalit ako sa mga pinanggagawa niya. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Akala niya papatulan ko siya kagay ng mga iba niyang babae? Huh, never!
"Matagal na kitang gusto." Natigilan ako sa sinabi niya.
"Totoo, kahit tanungin mo pa si Jake. Matagal na kitang gusto, Summer pero na totorpe ako kapag sayo na. Ang hirap mo naman kasing abutin eh kaya na kontento na ako sa patingin tingin lang. Matagal ko nang gustong magpakilala sayo kaso ang layo ko sa mga gusto mo sa lalaki. Kapag sayo nawawala ang confidence ko kasi ganun kita kagusto." Hindi ako makapag react sa mga sinasabi niya sa sobrang gulat.
"Sino ba naman ako kumpara sayo. I was about to give you up pero alam mo yun? Kong saan gusto ko ng kalimutan ka dun mo pa ako nakilala at sa di kaaya-ayang pangyayari pa. Sobrang akong nahiya noon pero ito parin ako, lakas loob na nagpapansin sayo kahit na alam kong wala akong pag-asa. Sino ba naman kasing maniniwala matapos mong makita yun." Tahimik akong nakikinig sa kanya. Ayaw kong magsalita dahil natatakot ako baka kong ano ang masabi ko sa kanya.
"Papalit palit ako ng babae hoping na makalimutan ka pero hindi eh. Hindi ko alam bakit ganito ako ka baliw sayo ni hindi mo nga ako kinakausap. Alam kong mahirap pamiwalaan pero ito ang totoo eh. Gusto kita.
Alam kong bastos pero iniwan ko si Sander ng hindi man lang nagsalita. I was surprised kasi hindi ko akalaing gusto niya ako. Pwede ka bang magkagusto sa taong hindi mo naman lubos na kilala? Maybe, pero si Sander? Hindi ko talaga lubos ma isip na may gusto siya sa akin.
Matapos akong mag walk out kahapon ay hindi ko na siya nakita. Hindi ko alam kong iniiwasan niya ako o busy lang talaga siya pero parang nag iba na ngayon.
Hindi ko naman kasi akalain na seryoso pala yun. He's a playboy at bakit naman ako maniniwala sa kanya diba? Natatakot lang naman akong masaktan at isa pa alam kong seryoso ang mommy at daddy tungkol sa pagpapaksal ko kay Ricky. Ayaw kong sa huli ay magkakasakitan lang kami.
"Ngayon na MIA si Sander ikaw naman itong hanap ng hanap. Ito naman ang gusto mo diba?" Inirapan ko si Eiffel at bumalik sa pagbabasa ng libro.
"How will you enjoy life when you're always scared?" Hindi ako nakatingin sa kanya pero alam niyang nakikinig ako sa kanya.
"Kailangan nating masaktan para mag grow. Hindi sa lahat ng oras mag duduwag duwagan ka dahil lamang takot kang masaktan. It's inevitable no at normal lang sa tao ang masaktan. Nature na ng tao ang manakit at masaktan dahil tao lamang tayo." Napatingin na ako ngayon sa kanya.
"If you don't like him back then tell him hindi iyong mag wawalk out ka lang. Alam mong natorpe ang tao dahil sayo tapos naglakas ng loob umamin pero anong ginawa mo? Umalis ng walang sinabi? Bastos nun." Inirapan niya ako at umalis. Aba, mukhang kumakampi pa ito kay Sander!
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|
General Fiction#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so much until he met Summer Dale Andana, a strong-minded, independent woman. His life suddenly changed whe...