IPWMP 9

181K 3.3K 115
                                        

There is no mistake in love. The mistake is the decision you made or the person you choose.

"Move on already! Seriously, Summer you're giving me a headache." Sabi ni Eiffel habang naghahanda ng agahan. 

"Oo na." Walang ganang tugon ko sa kanya.

"Totoo na ba yan? Baka mamaya iiyak kana naman?" Padabog niyang nilagay ang plato sa sink at nakita ko pa siyang umirap.

"Oo nga, kulit!" Naiinis kong sagot dahil ako mismo parang hindi sang-ayon sa sinabi ko kanina.

"What's wrong?" Natigilan ito saglit at maya-maya ay naupo sa harap ko.

"Just saw his IG post, Eiffel and I'm so done with him. Ayaw ko na, gusto ko na siyang ibaon sa limot kaya puwede bang wag na natin siyang pag-usapan? " Yung feeling na ginago kana pero alam mong mahal mo pa rin kahit galit ka. 

Sabi nila feelings change no matter how intense it was before kaya naniniwala ako na makakalimutan ko rin siya. Hindi madaling mag move on lalo na't binuntis ka pero kailangan eh and I'm working on it.  

"Okay, I'll keep my mouth shut from now on. Sorry kung minamadali kitang mag move on ha? Hindi ko kasi kayang makita kang nasasaktan araw-araw dahil nasasaktan din ako." Parang mga tangang nag-iiyakan kami ngayon. 

"Kamping kampi pa naman ako sa gagong yun tapos sasaktan ka lang!" Tumayo siya at nagyakapan kaming dalawa habang umiiyak. 

"I'm always here for you, cousin dear." Bulong nito. 

"Thank you, Eiffel." I'm glad I haver her. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag wala siya sa tabi ko. 

"Ano ba yan, ba't tayo nag-iiyakan!" Tawang tawa siya nang makita ang itsura namin sa salamin.

"Ikaw ba ang buntis? Ikaw pa ang nanunang umiyak eh." Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha kong basang basa ng luha. 

"Ikaw kasi eh!" 




"Good morning po Madam, here's your coffee." Nilapag ko ang mainit na kape sa  mesa niya at nanatiling nakatayo sa gilid. 

"Summer, please check my schedule for tomorrow and paki-forward ng memo sa lahat ng department." Agad naman akong lumabas at sinimulan na ang trabaho.

Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit ako sa office ni Madam at nakita ko na naman ang masayang mukha ni Sander sa picture frame. Napairap ako at huminga ng malalim.  Itong tandaan mo Summer, once a playboy, always a playboy kaya wag tanga at mag move on na. 

"Madam, I have your schedule for tomorrow po.  Board meeting at 8 am, 1 pm naman po kay Mr. Buenaflor and 2 pm po bibisitahin po yung site sa Makati." Busy naman si Madam sa pagbabasa ng mga papeles at mukhang pagod na ito sa trabaho. Saan na ba ang ibang apo niya at bakit siya parin ang namamahala?

"Thank you, Summer. Pwede kang mag early out ngayon kasi maaga akong aalis. May dinner pa kami ng mga apo ko kaya kailangan kong maghanda, hindi ko pa naman sila mahagilap minsan." Matamis ang ngiti nito habang nagkukwento. Makikita mo talaga na mahal na mahal niya ang kanyang mga apo. 

"Sige po Madam." Tumango ito at muling nagbasa. 



Alas tres ako ng hapon umalis ng opisina kaya naman napagpasyahan kong pumunta ng hospital para magpacheck up. Mabuti na lang at available si Doktora pagdating ko ng hospital. 

"You're ready Mommy Summer?" Kinakabahan akong napatango. 

"Wow." Natigilan ako sa nakita at naiyak sa sobrang galak.  

I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon