Present
"We're sorry, Miss pero walang hiring ngayon." Sabi ng babae sa HR. Ika pitong company ko na ito at tanging sa Saavedra na lang ang hindi ko pa napupuntahan.
Nang nalaman nila ang pangalan ko, agad na sinasabi nilang walang hiring kesyo punuan na raw, wala pang bakante o di kaya tatawagan ako pero sa totoo lang merong kinalaman si Mama dito. Siya pa ba? Gagawin niya ang lahat para pagsisihan ko ang ginawa ko sa kanila.
Gusto kong humingi ng tulong sa kambal pero sure akong nasabihan narin sila ni Mama kaya naman hindi na ako pumunta doon. Ayaw ko namang masali sa gulo namin ni Mama.
Pag sa Saavedra naman ako mag a-apply merong chance na matatangap ako dahil hindi naman close si Mama sa pamilya ni Sander sa pagkaka-alam ko kasi may iringan noon sila ng Lola ni Sander. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya ipinakilala noon sa kanila.
"Doon kana kasi kesa mag trabaho ka sa isang fast food chain." Sabi ni Eiffel matapos niya akong dalhan ng pagkain sa condo.
"Ma pride akong tao Eiffel, baka nakalimutan mo." Alam ko na mali kung paiiralin ko tong pride ko kaso hindi ko kasi masikmura na mag trabaho sa kumpanya ng lalaking sumira sa buhay ko.
"Makakain ba yang pride mo? Mag bibigay bayan ng gatas at vitamins sa pamangkin ko? Sabihin mo at susuportahan kita sa PRIDE mong 'yan." Sabay irap ni Eiffel sa akin at padabog na inaayos ang mesa.
Bwesit talaga ang lalaking yun, sinira na niya ang buhay ko pati ba naman buhay ng anak ko?! Isa pa tong supportive kung pinsan. Noon kamping kampi kay Sander ngayon kulang na lang pumunta ng America para patayin ito.
"Oo na, ikaw na ang tama. Bukas na bukas pupunta ako doon." At kinain ko yung grapes na may chocolate syrup.
"Yuck, pwede ba? Ba't yan ang pinaglilihian mo? Pwede naman grapes lang ah wala ng chocolate syrup. Damn it, nasusuka ako." Tumawa ako. Ayaw na ayaw niya talaga sa kinakain ko pero sarap na sarap talaga ako sa combination ng chocolate at grapes.
"What if magpakita si Sander doon?" 90% ang chance na makikita ko si Sander dun.
"Di wow! Pinagtataguan na nga ako diba?! Nasa ibang bansa ang gagong yun, takot lang niya na makita ko siya at ayaw nun sa responsibilidad at kung mahal niya ako hindi niya kami iiwan. " Nagpupuyos na naman ako sa galit ngayon.
"Bakit ba kasi isinuko ko yung bataan sa kanya? Kung sana hindi lang siya malandi!" Kapag makita ko talaga siya, papatayin ko siya!
"Eh pareho kayong malandi eh." Tinapon ko sa kanya ang natirang grapes at pumunta ng sala para manuod ng tv.
Namamawis na ang kamay ko sa kaba dahil ngayon ang interview ko sa Saavedra. Sana naman matanggap na ako, I really need this job para magkapera na ako at mabayaran lahat ng utang ko kay Eiffel. Hindi naman ako makikila ng pamilya ni Sander dahil noong kami pa never talaga akong sumama kapag may occasion sa kanila kaya sure akong hindi ako kilala ng Lolo't Lola niya.
"You're so impressive, Ms. Andana." Ms. Andrea, the head of HR department said.
"But sad to say Ms. Andana punuan ang lahat ng department ngayon pero meron pa namang natitira kung yun ay okay lang sa'yo." Kahit janitress pa yan, okay lang basta magkatrabaho lang ako.
"Anything's fine for me Ms. Andrea, I really need this job." Mag-iinarte pa ba ako?
"You're lucky because Madam Lucia's secretary resigned yesterday and I'll hire you as her secretary if that's okay with you." Sht! Si Madam Lucia? Ang Lola ni Sander? Ngayon pa lang kinakabahan na ako.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|
Ficción General#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so much until he met Summer Dale Andana, a strong-minded, independent woman. His life suddenly changed whe...
