IPWMP 1

303K 4.9K 206
                                    

"What?" Sigaw ni Eiffel at tumayo'ng hawak-hawak ang dibdib. 

"Shh! Someone might hear you! And stupid mo talaga." Bulong ko at hinatak siya sa tabi ko. Muntik pa siyang mapasubsob kaya naman isang batok ang nakuha ko sa kanya. 

"So, where's your dickhead-boyfriend? Iniwan ka? Ba't mo naman kasi isinuko ang bataan, Summer?" Singal niya at pinagkukurot ako.

"Aray! Wag mo nga akong kurutin dapat ang gagong yun ang kurutin mo. Binuntis ako tapos siya pa itong may ganang mang-iwan. Ni hindi ko alam kung saan nagtatago ang walang hiyang yun!" Tuluyan na akong umiyak dahil hindi ko na kaya itong nararamdaman ko. Gusto kong manuntok dahil sa gagong yun!

Mayaman si Sander, I mean ang grandparents pala niya ang mayaman. Gwapo na matalino pa, nagtapos lang naman ito bilang Magna Cum Laude kaya ako itong si tanga nahulog ang loob at ayon hindi ko namalayan na mahal ko na pala ang manlolokong yun pero hinihiling ko talaga na sana hindi siya makapasa sa CPA Exam!

"Earth to Summer! Hay... pag nalaman to ni Tita Lourdes hello squatter ka talaga! Itataboy ka nun dahil alam mo naman ang pamilya natin diba?" Sabi niya at makikita mo sa mukha niya na awang awa na sa akin.

"You're the only one who can help me. " Malungkot akong ngumiti sa kanya at agad niyang akong niyakap dahil nagiiyakan na kaming dalawa dito sa library. 

"Tita Lourdes and Tito Jaime will kill you once they found out that you're pregnant but always remeber that I got your back. Ako na bahala sa kabaong mong kulay pink." Hinampas ko siya nang libro kasi akala ko seryoso na siya.

"Ito naman hindi mabiro. Halika ka nga dito, payakap sa pamangkin ko!" Mahigpit niya akong niyakap habang naiiyak. 




"Congratulations anak." Umuwi ng Pilipinas sina Mama at Papa dahil graduation ko ngayon. Sobrang saya nila kasi Magna Cum Laude ako pero hindi ko man lang ma appreciate ito kasi natatakot akong malaman nila na buntis ako. 

I grew up loved by my parents kaya sobrang nahihiya ako dahil sa lahat nang kanilang ginawa ito pa ang isusukli ko. Sobra nila akong binibida sa mga business partners nila kaya alam kong magagalit talaga sila lalo na si Mama dahil ang akala niya ay nagtapos ako na walang boyfriend habang nag-aaral. Malalaman talaga nilang nagsinungaling ako sa kanila at mas lalong dadagdag ang galit nila. 

I was surprised when they hugged me kaya mabilis akong kumalas sa yakap na ikinagulat nila. Baka kasi mahalata nila yung tiyan ko dahil three months na akong buntis.

"Sobrang saya ko po na nandito kayong dalawa. Sobrang namiss ho po kayo!" Gusto ko mang yakapin sila nang sobrang higpit ay hindi ko magawa dahil sa sobrang takot. 

"You look so good sa toga mo anak and we're so proud of you kasi Magna Cum Laude ang baby girl namin." Maiyak-iyak na sabi ni Mommy habang tumatango-tango naman si Daddy.Mas lalo akong naguilty kaya napaiyak na ako. Siguro kung hindi lang ako buntis, sobrang na appreciate ko rin sana ang araw na to ngayon. 

" Tita, Tito! hello po, welcome back!" Bati ni Eiffel at hinalikan sa pisngi sina Mama at Papa.

"Congratulations rin hija." Mom said.

"Hehehe, thanks Tita." Ngumiwi ito nang napatingin siya sa akin. 

Nang dumating sina Tita Amanda and Tito Esmael, parents ni Eiffel ay nag request si Mama na kunan kami nang litrato at pagkatapos ay agad kaming pumunta sa bahay nina Eiffel para mag celebrate. 

"I missed bulalo." Mama yelled when she saw bulalo. Maraming pagkain sa hapag pero hindi ako nakaramdam nang gutom. 

Habang kumakain ay biglang sumama ang pakiramdan ko. Para akong masusuka! Shit, not now! Siniko ko si Eiffel at pinanlakihan siya nang mata. Mukhang tanga talaga itong pinsan ko, hindi man lang ma gets na nasusuka ako!

"Nasusuka ako!" Bulong ko sa kanya.

"Ewww! Maya na!" Nandidiri ang istura niya at hindi na naisubo ang mashed potato.

"Is everything alright, Eiffel? " Tanong ni Tita Amanda at sabay kaming napatango ni Eiffel.

"Ano... Naiihi po ako. Hehehe." Palusot ko. My gosh, hindi ko na kaya! Masusuka na talaga ako.

"O----"

"Argh." Nasuka ako sa harap ng parents ko at parents ni Eiffel.

"Okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Tita.

"Nastress lang po siguro kanina." Mabilis akong kumuha ng wet wipes sa bag ko nang may nahulog. Pinulot ni Mama iyon at natigilan si Eiffel.

"Shit ka talaga Summer! sa ating dalawa ikaw ang pinakatanga!" Bulong ni Eiffel. Nang tignan ko si Mama ay namumula ang tenga nito at napatayo na rin si Papa.

"What is this Summer Dale Andana?" Galit na galit na tanong ni Mama.

"Ma, l-let me explain po." 

Sinampal agad ako ni Mama at tinapon yung PT sa mukha ko. Sobrang sakit makita na umiiyak si Mama, parang pinipiga yung puso ko. Hinawakan ni Tita Amanda si Mama at pinipigilan naman ni Tito Esmael si Papa.

"We gave you everything tapos nagsisinungaling ka pala sa amin ng Papa mo? Hindi pa ba sapat ang pagmamahal namin sa'yo? I thought you're better than this?" Niiyak na tanong ni Mama. Hawak nito ang puso niya at alam kong sobrang nasaktan ko siya. 

I grabbed Eiffel's arm for support. Anytime kasi pwede na akong matumba dahil halo-halo na yung nararamdaman ko at sinisinok na ako habang umiiyak.

" Mama, Papa I'm so sorry. Sorry po! Patawarin niyo po ako! " At lumuhod ako sa harap ni Mama. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanila at alam kong hindi mababayaran ng ilang libong sorry ito. 

" Ma... Pa I'm really sorry! Ala---"

"Stop." Papa walked out and Mama followed him pero nang malapit na si Mama sa pintuan ay hinarap niya ako. 

"You really disappointed me, Summer. You broke my heart and look what you did to your Papa. He loves you so much pero ano tong ginawa mo? Amanda, ikaw na muna ang bahala sa kanya." And they left me just like what Sander did to me. 

Sobrang sama ko na bang tao? Lahat na lang ng mahal ko iniwan ako dahil buntis ako. Hindi rin ba nila naisip na nasasaktan rin ako pati na ang baby ko? 

Inalalayan ako ni Tita Amanda at niyakap ako nito.

" Ma... Pa...wag naman ganito! " Hikbi ko habang naka tingin sa pintuan.




"Are you sure? Pwedeng sa bahay ka muna." Umiling ako. 

"Eiffel malaki na ako, okay? at isa pa maghahanap na ako nang trabaho. Hindi ko gagamitin ang pera sa cards ko dahil galing kina Mama at Papa yun."

"Binigay na nga sa'yo ba't ka pa maghahanap nang trabaho?"

"Nahihiya kasi ako sa kanila." Mahinang sagot ko. 

"Yan kasi ang landi." Inirapan ko siya bago pinagtabuyan palabas ng condo ko. 

"Sige na, aalis na ako. Mag-ingat ka ha and call me if you need something. Bye baby, ingatan ang mommy ha wag pasaway! Itong tandaan mo baby, mahal na mahal ka ni Tita okay?" Imbes na umuwi ay ito na naman kaming dalawa, nagyayakapan habang umiiyak. 

"Thank you, Eiffel."

"I always got you." Sagot nito.



Kinagabihan ay nag print ako nang maraming resume at cover letter dahil iisa-isahin ko ang mga malalaking kompanya dito sa Pilipinas. Kailangan kong magtrabaho para ipakita sa mga taong nang-iwan sa akin na kaya kong buhayin ang baby ko na walang tulong nila. 

Iniwan na ako ni Sander pati na  mga magulang ko kaya sarili ko na lang ang maasahan ko kahit mahirap kakayin ko para sa baby ko. 

"Baby, kahit anong mangyari wag mong iwan si Mommy ha hindi katulad nang ginawa nang tatay mong ugok! Kaya natin to."


I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon