Ilang buwan naring nanliligaw si Sander at hindi niya ako kinukulit kung kailan ko siya sasagutin. Unti-unti naring nahuhulog ang loob ko sa kanya, araw araw ba naman kaming magkasama. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang paglaan niya ng oras sa akin. Kahit na busy ito sa pag-aaral ay nagagawan parin niya ng paraan para magkita kami.
Sabado ngayon at nandito lang ako sa condo, nag-aaral. Finals na namin next week at plano kong umuwi sa amin pagkatapos ng exam o di kaya magbakasyon kasama ang mga kaibigan pero I doubt kung sasama ang kambal dahil palagi namang busy yun at isa pa tong si Eiffel, kulang na lang ibulsa siya ni Jake. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Sander.
"Oh?" Maaga siyang nag text kanina at sinabi niyang maglalaro raw sila ng kanyang mga pinsan ng basketball.
"Saan ka? Lunch tayo?" Hindi ba siya mag-aaral?
"Sa condo nag-aaral. Uhm.. after exam na lang tayo magkita kasi ang dami ko pang tinatapos eh." Natahimik ito saglit.
"Puwede ba kitang puntahan? Bigyan kita ng food and aalis rin agad ako." Sounds good.
"Okay." Sagot ko. Never pang nakapunta si Sander dito at kapag hinahatid naman niya ako hindi na siya bumababa ng sasakyan.
"Okay, see you."
Kakatapos ko lang maligo nang dumating si Sander. Parang nahihiya pa siya nang binuksan ko siya ng pinto.
"Lika, pasok." Sabi ko habang nagsusuklay.
"Uhh.. hatid ko lang to, uwi rin naman ako." Napakamot ito ng ulo at nilahad ang malaking paper bag na dala.
"Kumain kana ba? Sabay na tayo, mukhang marami pa naman itong dala mo."
"Okay lang sa'yo?" Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.
"Ba't parang nahihiya ka? Don't worry dahil hindi kita gagawan ng masama." Tumawa ito. Inirapan ko siya at kinuha na ang dala niyang paper bag at nilapag sa mesa.
"Dami naman naman nito." Naglaway agad ako sa nakita. Merong shrimp, lobster, crab, clams, potatoes, corn and sausage. Wow! seafood boil.
"Nakita ko kasing nagcomment ka sa isang page tapos niyaya mo mga kaibigan mong kumain niyan kaya nag order ako para sayo." Nasa pintuan parin siya. Natatawa akong umiling at lumapit sa kanya.
"Tara." Kinuha ko ang kamay niya at dinala siya sa kusina.
"Ang sapatos ko." Sabi niya sabay turo sa nike niya.
"Diyan mo lang lagay sa gilid ng ref. Wala nga pala akong tsinelas na kakasya sa paa." Napakamot ako sa ulo. Size 7 mga tsinelas ko at sure akong hindi talaga kakasya sa paa niya.
"Okay lang." Sabi nito habang hinuhubad ang sapatos.
Habang nag-aayos ng mesa ay naghugas siya ng kamay. Nilagay ko sa malaking bowl ang binili niya at kumuha narin ako ng kanin. Buti na lang at meron pang juice na natira sa ref kaya nilabas ko rin yun. Kukuha na sana ako ng baso ng pigilan niya ako at siya na ang kumuha.
"Salamat. Kain na tayo." Umupo ito sa tabi ko at pinaghimay ako ng shrimp.
"Mahilig ka sa seafood?" Tanong nito.
"Oo, sobra. Ikaw?" Nakatingin lang ako sa kamay niyang naghihimay dahil gusto ko ng kumain.
"Okay lang pero chicken yung favorite ko." Napatingin ako sa kanya.
"Fried chicken?" Agad itong umiling.
"Kahit anong luto basta manok. Hindi rin kami masyadong kumakain ng pork kasi ayaw ng mga pinsan ko." Sagot nito at ngayon ay crab naman ang binubuksan niya.
BINABASA MO ANG
I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|
General Fiction#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so much until he met Summer Dale Andana, a strong-minded, independent woman. His life suddenly changed whe...