IPWMP 2

245K 3.5K 81
                                    

"Summer sayo ko lang sasabihin to ha. Lumipat na ako sa condo ni Jake." Bulong ni Eiffel habang naglalakad kami sa lobby ng CBA building.

"The fck, Eiffel! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Nagbabahay bahayan kayong dalawa?" Singhal ko sa kanya. Umirap muna ito at nag ayos nang buhok bago ako hinarap.

"Ganito kasi yun cousin dear, kapag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat makasama lamang siya at ni hindi nga kami nagkikita ni Jake dito kasi malayo ang building nila sa atin at tsaka sa gabi na lang kami nagkikita kaya minabuti namin na tumira na lng sa iisang bahay. Gumagamit naman kami ng condom." Nalukot ang mukha ko sa huling sinabi niya. 

"Ito naman pavirgin!" Sabi niya ng hindi na maipinta ang mukha ko. 

"Tanga, virgin pa naman talaga ako!" Singhal ko at mabilis na naglakad baka kasi kong sino pa ang makarinig sa kabastosan ng pinsan ko. 

"Syempre, papatayin ka ng parents mo kapag nangyari yun no at tsaka hindi natin alam may nagmamanman pala sayo. Praning rin kasi iyang nanay mo." Ismid niya habang hinahabol ako sa paglalakad. 

May point naman si Summer, praning kasi itong si Mama. Isang beses nahuli ko siyang pinapasundan ako at dahil dun nag away kaming dalawa. Simula nun nangako siyang hindi na niya ako pasusundan. Gusto kasi akong ipakasal ni Mommy sa anak ng business partner nila ni Papa kapag tapos na ako sa college at sinisigurado niya na walang akong may magustuhan habang nag-aaral. 

Ayaw ko sa ganung ideya. Hindi ko gustong magpakasal sa taong hindi ko naman gusto at  ayaw ko kay Ricky no! Bata pa lang kami palagi na kaming magkasama at nakakainis ang pagmumukha niya. Lalo akong nainis sa kanya nang malaman ko ang plano ng mga magulang namin. 

"Just shut up Eiffel at pwede ba wag mo na akong kuwentuhan nang tungkol sa inyo ni Jake. Nandidiri ako sa inyo!" Muntikan na niyang akong sabunutan kung hindi lang ako mabilis na pumasok sa cr. 

Pagpasok pa lamang namin ni Eiffel ay agad kaming nakarinig nang kalampag. Nagkatinginan kaming dalawa at naghintay nang susunod na ingay. Agad na nanlaki ang aming mata nang makarinig kami ng ungol ng isang babae.

"We should stop babe." Nagsitayuan ang aking balahibo sa narinig. 

"Afraid Sander? No one will see us, ano kaba." Anong no one? Kesyo malayo itong cr hindi ibig sabihin na walang gagamit nito!

"Never." Sagot ng lalaki at dun na ako nakagalaw. Lalapitan ko na sana ang cubicle kong saan nag ma-make out itong mga uhaw na estudyante nang pigilan ako ni Eiffel. 

"What are you doing? Lets go na!" Bulong nito habang hinahatak ako palabas. 

"Bitawan mo nga ako! Ano? tayo pa ang mahihiya sa pinang gagawa nila?" Parang naiihi na sa takot ang pinsan ko sa aking sigaw. Agad na natahimik ang naghahalikan sa loob ng cubicle. 

"Summer lika na!" Kulang na lang ipagtulakan niya ako para makalabas lang kami. 

Inirapan ko siya at agad na nagpanic ang pinsan ko nang kinatok ko na sila.  Unang lumabas ang babae na sobrang pula ang mukha. Nakayuko ito at gulong gulo ang buhok at damit. Mabilis siayng lumabas ng hindi man lang nakapag ayos.   Sumunod ang lalaki na parang wala lang sa kanya ang narinig namin ni Eiffel.

"The fck, Sander!" Gulat na sabi ni Eiffel. Magkakilala pala silang dalawa. 

"Yow, Eiffel " Tumaas agad ang kilay ko dahil hindi man lang siya nahiya. Nakuha pa niyang ngumisi sa harap ko!

"Kating kati?" Kumento ko dahil naiinis ako sa kanya. Napakalibog! Nagawa pang mag make out sa girl's cr. Kadiri!

"Di naman masyado." Sagot niya habang nakangisi parin. 

"Kadiri ka, baboy!" Sigaw ko at lumabas na ng cr. 

"Summer, ba't mo sinabi yun?" Nagulat ako sa tanong ni Eiffel. 

"Oh, anong masama dun? Sinabi ko lang naman ang totoo eh." Nagkamot ito ng ulo na para bang malaking problema ang ginawa ko. 

"Ewan ko sayo." Sagot niya at naghanap na lang kami ng ibang cr dahil hinding hindi na ako babalik dun. 



Maagang natapos ang klase namin kaya naman napag pasyahan kong maglibot muna sa mall bago umuwi. Habang namimili ako ng damit ay may kamay na pumatong sa balikat ko. Agad ko namang hinawi iyon at susuntukin na sana ang may ari ng kamay nang makita ko ang lalaking kanina lang ay naghahalikan sa cr. Naman oh, kong sinuswerte ka nga naman.

"Ikaw na naman?" Kunot noong tanong ko sa kanya at siniko ko siya sa tagiliran. Feeling close maka akbay eh.

"Babe naman, I miss you too." Agad na nalukot ang mukha ko.

"Anong babe? Gago ka ah!" Susuntukin ko na sana siya sa mukha nang mabilis niyang nahawakan ang kamay ko at sunod na nangyari ay nakalapat na ang labi niya sa labi ko. 

Oh my fcking gosh, he kissed me! This douchebag fckng kissed me!

"What the hell?!" Sigaw ko at tinulak siya. I was so mad and was about to fcking kick his ass nang may narinig akong nagsalita. 

"Babe, who is she?!" An ill-favored girl suddenly asked and if looks could kill, kanina pa ako patay.

"And who are you?" Tanong ko dahil mukhang susugurin na niya ako. Namumula ang mukha nito at parang iiyak na. 

"I am the girlfriend!" Sigaw niya. Aba, may gana pa siyang sigawan ako. Ngayon napapalibutan na kami ng mga tao and most of them, kung sinuswerte nga naman ay schoolmates pa namin. 

"Oh edi ikaw ang girlfriend. " Sagot ko at tumalikod na para umalis nang hawakan niya ang braso ko at sinampal ako. 

"You fcking bitch!" Sinugod ko siya at pinagkakalmot sa mukha. Inawat na kami ng kong sino man pero hindi ako uuwi ng bahay nang hindi nakakalamang!

"Hoy, panget! Wala kang karapatan na sampalin ako ng marumi mong kamay!" Sigaw ko habang kinakalbo siya. 

"Serves you right, mang-aagaw ka ng boyfriend!" Sigaw niya habang umiiyak. 

Nagawa kami nilang paghiwalayin. Hapong hapo ako habang buhat ni Sander at ang babae naman ay nasa sahig, umiiyak. Agad kong pinalis ang kamay ni Sander at dinukot ang gunting sa bag ko. 

"Babe, wag yan!" Nanlaki ang mata ni Sander habang naka tingin sa kamay ko.

"Shut the up!" I glared at him. Namutla ang babae sa takot pati na rin ang mga audience namin. This will be just quick and fun.

"What are y-you d-doing?" Nauutal niyang tanong. 

"Making you pay for what you did." Tinulak ko siya at mabilis itong nahiga sa sahig. I was about to cut her shirt not her throat nang pumulupot ang mga kamay ni Sander sa bewang ko. 

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko!

"Calm down, Summer." Sabi niya at nilayo ako sa babae. Lumabas kami ng store na karga ako habang nagsisigaw. 

"You'll pay for this!" Narinig kong sigaw ng babae. 

I'm Pregnant with Mr. Playboy |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon