6

33 1 0
                                    

"That's my niece's shirt,"

Tinaasan ko nga ito ng kilay. He sounds defensive, or just I thought. Hindi ko naman natanong at lalong hindi ako interesado kung sino ang may-ari nitong shirt at lalo naman ang pants. They're not oversized or bigger than my actual size, pero okay na rin kesa sa magsuot ako noong revealing na damit na gusto ni Mommy. Magtitiis ako sa mid fit na ito kesa puro panunukso ang aabutin ko sa lalaking 'to.

"You look good," approve yata siya at mas lalong natuwa.

Hindi ko na lang ito masyadong pinansin. Aalis kami ng ganito ang suot ko. At uuwi kaming iba naman. Saka alas nuebe na at niraratrat ako ng text ni Jasper. Ganoon din si Luis at nagsusumbong sa akin.

"Sweet," tawag niya at napatalon talaga ako sa gulat noong hinalikan niya iyong leeg ko. Hindi ko alam kung naglalambing lang ba ito o nang-iinis din.

"You're just too hot, sweet."

Umismid nga ako. Ano na naman kaya ang gusto ng lalaking ito? Naalarma na talaga ako. Pakiramdam ko may hihingiin iyan mamaya. Lalo na at party iyong pupuntahan namin. For sure may inuming nakalalasing... na siguradong may malalasing. At siguradong may mawawalan ng ulirat. Iyon ngang nasa pareho kaming matinong pag-iisip, nag-aanuhan sa restroom pa ng pinsan ko.

"Tigilan mo'ko, huh." Sabi ko na lang at inayos ang seatbelt.

We just drove 5 minutes from his condo. Sabi niya condo niya iyon. Doon daw siya lagi kapag matrabaho sa shop. At alam ko na kaagad, sa aura noon, doon niya dinadala iyong mga nabibingwit niya sa BGC.

Pagkapasok ay hindi nagtagal natanaw na namin si Jasper na nakaupo sa pahabang sofa kasama sina Kat-kay, Momay, Gretta, Angelique and even Andie na kumaway pa talaga. Nahiya tuloy ako at nagmamadaling humakbang. Narinig ko pa ang tawa   ni Luis sa likod. Na para bang tinutukso ako.

"Jens!" Tawang-tawa si Momay at niyakap din ako saka tumitig sa suot ko.

"Quite normal," ngisi niya.

Umismid nga ako at nakipag-apiran sa mga kasama. And then I remembered Momay's presumption before, si Angelique nga iyon!

Napalingon tuloy ako kay Luis na naupo sa pandalawahang upuan. Nanlaki talaga iyong mga mata ko nang nakitang okupado niya lahat ng 'to.

Ang laking tao naman kasi! And then I stared at Angelique na nakatitig kay Luis. Napatikhim tuloy ako at nagdesisyon na lang na wag na sabihin kung ano iyong relasyon namin ni Luis. Baka magulat... na ang isang katulad ko na boyish ay nagkaroon ng boyfriend na dalawang araw pa lang nakilala!

"Let me pay," ngisi ni Luis nang dumaan sa tabi ko.

Tama nga ako at ang daming inumin. In normal days umiinom talaga ako ng marami lalo na at kaibigan ang mga kasama. Kaya lang kinakabahan ako, baka kung anong masabi namin. E hindi ko gusto iyon. Sekreto nga lang iyan. At mukhang nakakaintindi naman si Luis at wala pa namang sinasabi.

"Hey, Jens." Abot ni Momay.

Napalunok tuloy ako at tinanggap din ang inabot nito. Iinom ako ngunit dahan-dahan. Para iwas sa pagkakalasing. Lalo na ng silipin ko si Luis ay para bang tubig lang na nilalagok ang bote ng isang inumin. I don't know if he'll be able to drive his car after this bar party.

Habang lumalalim ang gabi, mas lalong nagiging wild ang kasama ko. Sina Momay nga ay nakikipagharutan na sa kabilang mesa. Samantalang iniinterview ng palihim nina Gretta, Kat-Kat at Angelique si Luis na tumatango-tango... sumasagot ng tipid at nakatitig sa akin.

Gusto ko ngang batukan, makakahalata iyong mga kaibigan namin sa pinaggagawa niya.

"Hey, Jens... mukhang hindi ka nag-eenjoy." Bulong ni Andie.

InkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon