2

85 3 0
                                    

"Hoy, matulog ka na..."

Sinamaan ko nga ng titig si Momay, na hindi ako sigurado kung nakapikit na nga ba talaga o nakadilat at pinag-aaralan ang mga kilos ko. Aminado naman ako na hanggang ngayon ay bumabagabag sa akin iyong malagkit na titig ng pinsan ni Jasper. Hindi ako komportable at lalong hindi ako natutuwa doon. He might think that I like him or what... pero kasi, hindi ako iyong tipo ng babaeng basta-basta na lang nagkakagusto sa lalaki.

The last time I remember liking someone, grade 3 pa ako noon eh. At weird ng pagkakagusto ko sa kanya... I liked him because he kissed our female teacher.

Pagkatapos noon kahit kailan hindi na ako nagkakagusto. The fastest I grow, the lesser I had interest with boys. At walang lusot doon ang antipatikong pinsan ni Jasper.

"Susko! Magpatulog ka, Jenseal..."

"Inaano ka?!" Aburidong sabi ko kay Momay, para namang ang ligalig ko, ni hindi nga ako gumagalaw.

Natawa ito at saka naupo kaya nagulat ako sa ginawa nita. Galit ba siya? Ngunit natawa ito! Sadyang mainit lang talaga ang ulo ko kaya nasagot ko ito ng ganoon.

"Stop thinking about that guy, Jens. Oo na gwapo iyon, mala adonis pa ang katawan... susko! Ang lapad ng katawan! Masarap sanang higaan, pero kasi halata namang playboy."

Napaismid ako sa pinagsasabi niya, no need to remind me about that. Hindi ako nag-iisip ng kung anong romantikong bagay tungkol sa lalaking iyon. Naiinis lang talaga ako at sa isip-isip ko, gusto ko siyang tirisin ng pinong-pino.

"Hindi ko kaya gusto iyon," nguso ko, hindi sigurado kung nasilip niya ba iyon.

Natawa ito lalo saka nahiga sa tabi ko, nakapagbihis na ako at nakihiram sa pinsan ko ng damit... si Momay, kung ano iyong suot niya kanina pagkarating namin dito, iyon pa rin.

Hindi ko alam kung sasama ba itong bukas na maliligo bago kami umalis o ganoon pa rin hanggang sa makauwi kami.

"Bahala ka, pag di mo tinigil iyan... talagang madedevelop ko roon."

Kinilabutan tuloy ako at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang likod ni Momay.

Ha?! No way!

Alas 6 ng ginising kami nina Angelique, nang-i-invite na maligo sa dagat at hindi pa gaanong mainit. Pagkatapos niyan ay kakain na kami ng breakfast bago magpahatid sa kabilang isla para umuwi.

"Ano?! Ibababad mo iyan sa dagat? Hoy Jens! Mahal ang pagkakabili ko niyan!" Inis na inis si Andie habang nakasunod sa buntot ko.

Tawang-tawa naman ako at nawala lang nang nakitang kong naghubad iyong Luis... full show ng tattoo art niya sa buong nakamasid. Bigla akong nainis kaya napatalikod ako at nagulat na lang na hinila ni Andie iyong damit para mahubad ko.

"Ow??" Nagsinghapan iyong mga kaibigan ko. Ako naman ay nanlalaki ang mga matang nilingon si Andie na mabilis na nakalayo.

"Hoyyy! Pang FHM." Asar ni Jasper at hinila ako sa tubig dagat. Napatalikod tuloy ako at pulang-pula ang mukha habang unti-unti nang nilulubog sa dagat iyong katawan ko. Paano ako aakyat mamaya?

I hate showing my body, kaya nga mas komportable ako kapag nakasuot ng oversized shirt... natatakpan iyong katawan ko.

"Susko Jens! Iyan ba ang tinatago mo?" Nakangising sabi ni Momay, nakalapit kaagad pagkahila sa akin ni Jasper. Nagsilapitan ang buong barkada, maliban sa ilang boys... malayo kina Andie at doon kay Luis na nasilip na pala dito.

"Wag niyo 'kong tinutukso ha..." sabi ko habang nilulubog ang katawan para tanging ulo lang ang nakikita.

"Sa tagal nating magkakaibigan, ngayon ko lang nakita iyang katawan mo. At masasabi kong... blessed thy Jenseal!" Halakhak ni Gretta. Na isa din sa mapang-asar. Ngumiwi ako at pilit na lumalayo sa kanina kaso laging nakasunod.

InkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon