17

22 1 0
                                    

I was saved! And it couldn't be enough to just say thank you to Gerald for saving me that day. Gusto ko nga sana siyang ayaing kumain kahit pasasalamat na man lang. Kaya lang umuwi ito ng maaga, hindi ko naabutan. Pagkatapos kinabukasan wala rin ito doon,

"They're in a group trip, binisita itong kabilang kompanya." Sagot ni Alice ng nagtanong ako rito.

Napabuntong hininga ako at nakatulalang tumitig sa harap ng computer. Saka nagdesisyon na tapusin ang ginagawa. At lunch dinaanan ako ni Jasper para kumain sa cafeteria. We talked about things... mas marami nga lang ang tungkol kay Farina. He's very fond with his niece. Bibisita raw ito kapag may pagkakataon.

"Nga pala, kumusta kayo ni Luis?" Nakikiusyusong tanong nito.

Natigilan ako sa pagsubo at tinitigan si Jasper. Ilang araw na ba simula ng huling tumawag sa akin si Luis? Sabi naman ni Ynes at Jeng-Jeng ay madalas naman itong tumawag sa bahay para kumustahin ang kalagayan naming mag-ina. Iyon nga lang, hindi na ito direktang tumatawag sa akin. I got bothered. Ni hindi ko iniisip iyon noon. Kontento na kasi ako na tumatawag ito sa bahay. Kaya akala ko normal lang.

"Is his businesses okay?" Balik tanong ko rito.

Natigilan ito sa pagsubo at parang di makapaniwalang tumitig sa akin.

"Girl, smooth sailing ang lahat ng mga negosyo niya sa Brazil. Aunt Amanda informed my Mom that they're have problems before pero resolved na iyon simula ng nakauwi si Luis doon!" Di yata ito makapaniwala.

Natigilan ako sa pagkain at tulalang tumitig sa pagkaing nandoon sa mesa ko. What should I say? Hindi tumatawag iyong pinsan niya. At di naman dapat ako mag-alala kaya lang isang Linggo? What's wrong with that guy! He's not like that!

"Kayo ba ay okay lang?" Biglang tanong ni Jasper sa gitna ng katahimikan.

I got really bothered. Halata yata iyon sa mukha ko at parang natuklaw ng ahas si Jasper habang nakatitig sa akin. I couldn't even uttered a word. Iniisip ko kasing...

"Did Luis cheat before?" Wala sa sariling tanong ko rito.

Napasinghap ito. Parang di makapaniwalang natanong ko iyon kaya lang, posible. Knowing his past, playboy iyon. And it scares me to death. Paano nga kung tama ako? Maiiwan ba ako? Paano si Farina? Halos hindi ako makapagconcentrate. Nasagot ni Jasper ang sagot ko nito. Sa nag-aalalang boses at kumpirmada. He cheated before. And no wonder if he'll cheat again.

Patapos na ako sa ginagawa at ilang minuto na lang ay mag-a-out na ako. Nairaos ko naman ang trabaho kahit papa'no at kahit na bumabagabag sa isipan ko iyong ideyang baka nga tama ang hula ko.

Ilang minuto pa, hanggang sa nagulat ako noong may naglapag ng pagkain sa table ko. At pagkatingala ay nagulat din ako na makita si Gerald na nakangiti at sout pa rin ang geek size nitong eyeglasses.

"Kainan mo ah," saka ito tumalikod.

Nagulat talaga ako... hindi pa naman kami gaanong magkakilala kaya di malayong magtaka ako kung bakit binigyan ako noon ng pagkain. Mukhang pasalubong pa eh.

Dinala ko sa bahay, kumain ako ng kaonti at binigay ang ilan kina Jeng-Jeng at Ynes. Saka ko inalagaan si Farina at paunti-unti ng gumagapang. Late bloomer but I like how slow Farina grows. Naeenjoy ko ang pagiging ina dahil doon.

"Tumawag ba si Luis?" I asked the two while the four of us having our dinner. Bottled milk ang kay Baby Farina samantalang solid foods naman ang sa amin.

"Kanina, Jens." Sabi ni Ynes.

Tumango ako at tumitig kay Farina. It really scares me. I wanted to call Luis but I don't want to regret it. Ayaw kong magulat. At lalong ayaw kong masorpresa.

InkedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon