"What will be the set up, then?"
I was expecting for our parents to get really mad. I know my decision is very insane. Kaya lang iniisip ko rin naman kung paano nga hindi talaga kami magkasundo? Pareho kaming magsa-suffer ganoon din ang magiging anak namin.
"We decided to live in his place," tinuro ko si Luis, na nakaupo sa'king tabi. For the whole duration of that 'pamamanhikan' he was very silent. He would just agree or not. Ako talaga ang may salita ngayon. Na hinahayaan niya naman.
Nagtataka nga sina Mommy kung bakit ganoon ang mga desisyon ko. Nakikita ko rin kung paano nila titigan si Luis na parang inaakusahan. I should explain this later to them.
Natapos ang pag-uusap na hindi umaangal si Luis. Tinititigan lang ako nito na parang binabasa. E 'nong una pa lang alam na niya ng ito ang pag-uusapan. Matiwasay niya namang sinang-ayunan ang mga desisyon ko sa buhay. And then now, para bang nalilito at bahagyang galit pa habang pinapaliwanag ko ang mangyayari. Kahit sabihin pang obvious na ayaw ng mga magulang namin sa desisyon ko.
"Jens," tawag ni Mommy pagkatapos na ihatid namin ang mga bisita sa labas.
Nagpaalam din si Luis at sinabi niyang may kukunin lang siya sa BGC at uuwi rin naman kaagad.
"Bakit Mom?" Nag-aalalang tanong ko noong nakitang para siyang namomroblema. I get it! Siguro nga dahil sa akin.
"Can we talk?"
"Sige Mom,"
Tinuloy namin ang pinal na desisyon kanina doon sa library ni Daddy. Alam ko naman na hindi sapat iyong mga pag-uusap kanina. At talagang hindi papayag si Mommy. Kaya lang... ayaw ko namang pagsisihan 'to sa huli. Nakagawa na nga kami ng kasalanan e dadagdagan pa ba ng problema sa hinaharap?
Pakiwari ko nga ay bonggang-bonggang sermon ang aabutin ko kapag napag-isa na kami ni Mommy. Kaya lang desidido na ako. Simula pa lang...
"Sigurado na ba kayo roon?"
Nagulat ako roon sa malambing na boses ni Mommy. Akala ko nga ay bubugahan niya ako ng apoy. Salungat pa ang nangyari. At hindi ko alam kung bakit nanlambot ang puso ko noon. Bigla akong naawa. Hindi sa sarili. Kundi sa pamilyang 'to. Gagraduate na sana ako eh. Kaya lang mapupurnada pa yata dahil sa kalandian namin ni Luis.
"Mom, I know you would get disappointed. But Mom... I do not want to regret things."
Umiling ito. Di sang-ayon sa naging paliwanag ko. Ang gusto ko lang naman ay maintindihan ng lahat na kahit nakagawa ako ng kasalanan, di na ako pwedeng gumawa pa ng isa.
Umiiling na idinantay ni Mommy ang daliri sa ibabaw ng desk table ni Daddy saka nagdesisyon na umikot at doon maupo sa madalas na upuan ni Daddy sa tuwing nandito ito sa Pilipinas.
Obvious. At kahit siguro anong paliwanag ko e maniniwala talaga si Mommy na mali ang desisyon ko. Kaya lang... hindi na ako bata.
"Paano kung takbuhan ka noon?"
Ngumuso ako at hindi makapaniwalang tinitigan si Mommy na totoo talagang puno ng pag-aalala ang mukha. Di yata mawawala iyon doon. Hangga't di nababali ang desisyon ko ay talagang hindi rin mabubura iyang pag-aalala niya.
"Do you think Luis will do that?" Hamon ko rito.
Di makapaniwalang tinitigan ako nito. Na para bang sinasabi niyang 'malay niya do'n'. Oo nga naman hindi niya pa gaanong kilala iyong tao. Kahit ako nga. Pero pakiramdam ko at malakas ang loob kong hindi gagawin iyon ni Luis. He's somehow a man with a word.
"Dehado ka Jens," iling nito. Ayaw pa rin makumbinsi.
Napabuntong hininga ako. Paano ko ba ipapaliwanag na ayaw ko nga... at ayaw ko ring pagsisihan sa huli.