"Jens," halata nga ang inis sa mukha ni Jasper habang sinusundan ako rito sa Cafeteria. Kasama ko si Gerald. We supposed to have our lunch together alone. But Jasper came out of nowhere. Hindi ito mapakali habang nakikithird wheel sa break namin ni Gerald.
I rolled my eyes as I eat our lunch. Di naman masyadong obvious 'no na binabantayan ako nito? As if,
"Bakit hindi si Luis ang bantayan mo?" Hindi ko na naitago ang inis pagkatapos ng tatlong araw na magkakasunod na nakasunod lagi sa akin si Jasper. Hindi naman ako bulag para hindi maramdaman na panay ang bantay niya sa akin.
As if katulad din ni Luis ay mapagsamantala si Gerald. Ang totoo, marespeto itong tao. Malaki ang respeto niya sa akin. That's why I'm starting to like him more. At balak ko na sanang ipakilala ito kay Farina... kaya lang nagulat ako noong pag-uwi ay nadatnan ko si Luis. Nakaupo sa sofa at buhat-buhat si Farina.
Hindi ako nakahulma, ni gumalaw nga ay nakalimutan ko. Tinitigan ko lang siya ng matagal. Iyong bakat ng katawan niya, iyong namumutok sa muscles ang braso nito... at lalo naman ang tattoo'ng nakaukit doon sa braso nito.
"W-when did you come home?" Kabadong tanong ko rito. Hindi ko maipirmi ang mga mata. Lalo na doon sa naniningkit niyang mga mata. Para bang gusto niya akong sakalin kaya lang dahil buhat niya si Farina ay hindi niya magawa iyon.
"This morning," isang sagot sa isang tanong. At alam kong galit ito. Noon ko lang nakita kung paano siya nagpipigil. Iyong gigil na gusto yata talaga akong saktan. Hindi tuloy ako mapakali. Kahit noong bumaba na ako ulit para kumain. I couldn't even make the dinner lighter... pakiramdam ko e may mapapalo mamaya.
At tama yata ako,
"B-bakit." Nag-aalalang tanong ko noong binigay nito si Farina kay Ynes. Na kinakabahan din yata habang nakatitig sa amin.
Kahit na kailan hindi nito hinahayaang matulog ang bata sa ibang kwarto! Dito lang ito lagi, kahit magkatabi kami noon... dito lang ito.
Kaya nanginginig ako habang papasok sa sarili naming silid. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at lalo namang ayaw ko na ring isambot iyong panloloko niya sa amin.
Para bang bumaha sa alaala ko iyong mga pictures... lahat nasa cellphone ko! At kung sakali mang magkaproblema sa custody ni Farina... kaya kong makipaglaban.
"Did we break up?" Mahinahong tanong nito habang kinakalas ang dalawang butones sa polo.
Napalunok na ako. Alam niya at sigurado may nakapagsabi sa kanya. Si Jasper iyon... kaso matagal na nitong ibinalak na sasabihin kay Luis kaya lang hindi ko naman inakala na matatagalan. At mukhang patay ako nito.
"Who's that bastard?" Segunda na nito ng hindi ko iyon sinagot.
"H-hin—" napabuntong hininga ako at pilit na kinakalma ang sarili saka kinalikot ang cellphone.
"Ikaw dapat ang magpaliwanag! Sino 'to?" Iritableng tanong ko rito pagkatapos na ilapag sa kama iyong cellphone.
Kunot noong dinampot niya iyong cellphone. Nagbrowse pa nga kaya natagalan. And I'm having small heart attacks... kabadong-kabado ako habang pilit na pinapalitan ang kaba sa inis.
Huh! Akala niya hindi ko alam! Mabuti na lang nagsumbong iyong babae niya at pinagsesend iyan two months ago! They both looked good! Para akong pipitsugi kasi hindi naman ako model like!
"These are old photos, Jens!" Iritableng baling nito sa akin.
Nawala ang kunot ko sa noo at hindi makapaniwalang tinitigan siya na ngayon nga'y nagtataka ang mukha. Sa reaksyon pa lang niya ay nakumpirma ko ng na-scam ako noong babaeng yon. Hindi ako makapaniwala habang nakanganga sa harap niya.