Chapter 5

41 3 0
                                    

Chapter 5: First Day

Lucy Heartfilia's POV

*krrrrriiiinnnnggg

Agad-agad akong bumangon para makapagbihis. Sanay na din kasi akong magising ng bell. Nagtoothbrush, naligo at nagpalit na ako. Kakain sana ako kaso.. Wala pa akong nabiling pagkain!

Bago lumabas ng pinto, tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin. Palda na naman ang suot ko, paniguradong sisitain na naman ako nun. Palda lang kasi at pawang mga dress at gowns ang mga damit na nasusuot ko sa mansyon. Wala akong choice kundi palda ang dalhin nung umalis ako. Alangan namang yung mga gowns and dresses ko ang dalhin ko, edi mas lalo sanang nahirapan si Natsu sa pagbubuhat. Tatlong gowns at limang dress ang nadala ko. Hihi. Hindi yun nakita ni Natsu. Nagdala lang naman ako in case of emergency, atsaka baka dumating din yung mga time na magkakaroon ng mga ball kagaya sa mga nababasa kong sa mga libro.

"I will never let you fall, I'll stand up with forever." Kanta ko.

Narinig ko kasi ang kantang ito sa may kabilang kwarto kanina. Mukhang maganda, sa pagkakaalam ko 'Your Guardian Angel' ang title nito.

"I'll be there for---- Kkyyyaaaahhhh!!!" Naputol ang pagkanta ko at napasigaw ako.

Kakabukas ko lang ng pinto, may biglang asungot na sumulpot.

"Yo! Lucy!" Biglang sumulpot si Natsu sa harapan ng aking kwarto.

"Ano ba naman yan! Papatayin mo ata ako sa gulat eh!" Reklamo ko sa kanya.

"Nagulat ka ba?" Tanong niya sabay halakhak.

Abnormal talaga to!

"Hindi ba halata. Hmp!" I said sarcastically.

"Tara na!" Yaya niya sakin.

"Ha? San?" Tanong ko.

"Sa school."

"Ahhh. May tagasundo na pala ako ngayon." Irap ko.

"Wrong! Pumunta ako dito kasi wala akong kasamang pupunta ng school. And look!" Sabay turo niya sa palda ko.

Disappointed ako kasi sinabi niyang hindi siya pumunta dito para sunduin ako, pero masaya naman ako kasi para siyang nag-aalala sakin dahil sa suot ko.

"Wala nga akong ibang damit eh." Paliwanag ko.

"Whatever! Tayo na?"

"Okay." Ngumiti din ako.

"Have you seen it in facebook?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko.

"It? Ano yun?" Tanong ko.

May anim na fb account ako pero matagal ng hindi nabubuksan. Yung lima ay nakapangalan ng Lucy Heartfilia at laging puno ng friend requests. Ang isa naman ay yung account ko na lagi kong ginagamit. Lucy Ashley is the name. Bilang lang ang friends ko doon.

"Ahh. Nevermind.." Aniya.

Nag-usap pa kami about sa activities ng school. Nabanggit niya din na mahilig magparty ang principal nila.

He even invited me to join a certain guild. The name is very mysterical, Fairy Tail. May group din daw ito sa MA. Kaya pag nakasali na daw ako sa group doon sa school, automatic na daw na kasali ako sa guild. Amazing, isn't?

"We're here!" Sigaw ni Natsu.

Kakarating lang namin ng Magnolia Academy. Ang daming bumati sa kanya ng good morning, hi, at hello. Ang dami namang kaibigan ng taong ito.

He seems to be popular here. Kasi okay lang sa mga bumabati sa kanya na hindi sila pansinin. Yung tipong parang mabati lang nila ay okay na kahit hindi sila pansinin nito? Really? So this is Natsu Dragneel?

Fairy Tail: On A Starry NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon