Chapter 6: He Is Natsu Dragneel
Lucy Heartfilia's POV
"Ah.. Nice meeting you Erza." Sabay baling ko kay Erza.
Maganda siya, matangkad, parang seryoso lagi at maganda ang kanyang pangangatawan.
"Sayo din." Aniya.
"Ah.. Natsu!" Tawag niya kay Natsu.
Kilala niya si Natsu? Sabagay, baka ilang years na silang magkasama dito. And to think of.. Baka lahat sila dito ay sikat.
"Ohh... Erza? Bakit?" Tanong niya dito habang nakikipagbangayan kay Gray.
"May papakilala ako!" Sigaw nito.
"Ha? Sino?" Sabay na sabi ni Natsu at Gray at lumapit kay Erza.
"Ito oh!" Sabay turo ni Erza sakin.
"Ahh.. Si Luigi?" Anang ni Natsu
"Gonggong! Lucy! Anong Luigi?" Sabi naman ni Gray.
"Kilala niyo na?" Tumaas ang kilay ni Erza.
"Oo. Nagboboarding din siya sa lugar niyo." Sabi ni Natsu.
"Ah? Talaga? Bat di mo sinabi? Edi sana, iisa na lang kami ng kwarto para tipid!" Sabi ni Erza.
"I don't think so kung magugustuhan niya ang kwarto mo." Sabi ni Gray at binatukan siya ni Erza.
"Agree." Sabi ni Natsu at nabatukan din siya.
"Aray!" Sabay na reklamo ng dalawa.
"Ahh.. Lucy, halika na, yung notebooks mo nasa locker ko?" Sabay hila sakin ni Natsu.
"Bakit wala ba siyang notebooks?" Tanong ni Erza.
"Nakalimutan naming bumili kahapon, napatagal ang pagliliwaliw namin kahapon sa may valley of the stars.." Sabi ng nakangiting Natsu.
"Magkasama kayo kahapon?" May halong pagtataka sa boses ni Erza.
"Huh? Natsu! Kasama mo ulit yang bebot? Nung isang araw ko pa kayo nakikitang magkasama ah." Ito yung lalaki sa may kalsada na kinausap ni Natsu. Ang alam ko Elfman ang pangalan nito.
"Ha? Nung isang araw pa kayo magkasama?" Tanong ni Gray at Erza.
"Oo. Bakit?" Tanong ko.
"Ahh. Wala lang." Sabay na sabi nina Erza at Gray.
Hinila ako nung Elfman at bumulong.
"Buti naman nakahanap na ulit siya ng close niyang kaibigan. Two years ko na ding hindi siya ganyan sa iba maliban na lang nung buhay pa si Lisanna." May halong lungkot at saya ang kanyang boses.
Lisanna? Yung babae sa picture?
"Halika na, Luigi!" Sabay hila sakin ni Natsu palayo kay Elfman.
"Kakausapin ko muna yung principal." Sabi niya.
"Ha? Bat kailangang kausapin pa ang principal?" Tanong ko.
"Wala lang. Para maghello. Yung principal pala natin, siya yung pinakasikat na member ng Fairy Tail Guild." Sabi nito.
"Who's the pincipal?" Tanong ko.
"It's Cana's dad, Gildarts Clive. Maybe I'll introduce you to some of my close friends." Aniya.
Nagpunta kami sa office ng principal pero wala pa daw siya sabi ng secretary. Binigyan ako ni Natsu ng notebooks. Habang pabalik kami sa room namin ay hindi parin niya natanggal ang kanyang pagiging addict sa pagkain. Ilang beses pa din siyang huminto sa mga stalls at bumili ng pagkain. Sa pagbili niya ng pagkain, bumibili din siya ng para sakin.
BINABASA MO ANG
Fairy Tail: On A Starry Night
FanfictionA little prince charming and a little beautiful princess are both singing a famous children's song, Twinkle, Twinkle Little Star, on a starry night.