Chapter 7

33 2 0
                                    

Chapter 7: The Past

Natsu Dragneel's POV

"Lucy, saang club ka sasali?" Tanong ko.

"Uhhmm. Music club na lang siguro." Sagot niya.

"Tamang-tama! Dun din ako sasali." Masayang sambit ko.

Nag-apir kami dun.

"Ehem. Ehem. Ehem. Ehem." Napatigil kami sa pag-aapir ng paulit-ulit dahil sa pag-ubo ni Erza.

"Bakit?/Why?" Sabay naming tanong ni Lucy.

"Ahhh.. Wala.." Sabi niya at nagkibit-balikat.

"Akala ko may ubo ka na." Saad ko sa kanya.

"Saang club kayo? Require daw na dalawa ang salihan." Sabi ni Gray.

"Dalawa?" Tanong ni Lucy.

"Ahhh. Alam ko na! Sa Drama Club na lang din tayo, Lucy." Sabi ko sa kanya.

"Okay." Nakangiting sabi niya.

"San kayo, Erza at Gray?" Tanong ni Lucy sa kanila.

"Hmmm. Dun din ako." Sabi ni Erza.

"Ako din." Sabi ni Gray.

"Maganda to! Madaming manonood ng presentation natin kung ganito!" Sigaw ko sabay halakhak.

"Ulol! Malamang! Andiyan ka eh. Madaming magbo-boo." Sabi ni Gray sakin.

"Ulol ka din! Baka sayo! Pero wag kang mag-alala, Gray kung ganun ang mangyayari sayo. Panigurado namang perfect na natin ang audience impact pag binato ka nila ng mga tinapay at itlog." Sabay halakhak ko.

"Gago! Feeling mo talaga!" Sigaw ni Gray.

Since bata pa lang kasi kami, ganito na talaga kami ni Gray. Lagi kaming nagbabangayan at nag-aasaran pero wala namang pikunan.

"Sino ba ang president ng music club ngayong taon?" Tanong ko.

"Malamang, si Mira na naman." Sabi ni Erza.

Madalas kasi siya ang nakukuha kahit wala ng election dahil sa mala-anghel niyang boses at dala na rin ng pagiging sikat niya sa pagmomodel. At magaling din siyang magplano about sa mga presentations.

"Sinong kakatok?" Tanong ni Erza.

"Ako na lang!" Pagprepresenta ko.

"Wag na ako na lang!" Sabay ni Gray.

*KnockKnockKnock

Si Lucy na ang kumatok.

"Magbabangayan na naman kayo para lang sa pagkatok ng pinto?" Tumaas ang kilay niya.

"Oh? Hello. Sasali kayo?" Tanong ni Mira.

"Oo eh." Sagot ni Erza.

Pinapasok kami ni Mira at pinaupo.

"Alam ko namang magaling talaga kayong kumanta, pero gusto ko sanang pumili kayo ng isang kanta tapos ivivideo." Sabi niya sabay baling isa-isa samin.

"In short, gagawa kayo ng isang simpleng music video bago makasali dito sa music club, okay lang ba iyon?" Tanong ni Mira.

"Hmmmm.. Okay lang!" Masiglang sagot ni Lucy.

"Okay lang din sakin." Saad ko.

"Okay lang din." Sabi ni Erza.

"Okay lang din. Sisiw lang yan!" Sabi ni Gray.

"Okay. Bahala na kayo kung magsosolo kayo o magkakaroon ng partners." Sabi ni Mira.

Fairy Tail: On A Starry NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon