Chapter 3

8 1 0
                                    

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nang makita ko kung sino ito, para bang biglang huminto ang mundo. Parang sinaksak ulit ang puso ko.

Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko naka-move on na ako. Pero bakit nasasaktan at naaapektuhan pa rin ako? Bakit ba ganito? Si Jennie lang naman ang mahal ko, eh. Bakit ba nasasaktan pa rin ako sa nakaraan namin ni Somi?!

"S-somi." Pagbigkas ko sa pangalan niya.

"Why are you...here?" Tanong niya.

"Obviously, this is a bar, Somi. What do you expect us to do here?" Pagsagot ko.

"Nothing. It's nice to see....you...again." Malumanay niyang sagot, "Doon muna ako." pagpapaalam niya.

"Then go. You don't need to inform me," Sabi ko naman at tuluyan na siyang umalis.

"Sheesh! Taray mukhang naka-move on na talaga sa accla!" Pagbibiro ni Jisoo.

"Jisoo, can you shut up for a moment? Sumayaw ka nalang doon sa dance floor, may pag-uusapan lang kami ni Taehyung." Seryoso kong sambit. Mukhang sumeryoso naman si Jisoo at sinunod ang utos ko. Umalis siya at pumunta sa dance floor pero nanatili ang tingin niya sa'min. I see, she's confused.

Nawala ang atensyon ni Jisoo sa amin nang may babaeng bumangga sakaniya. Lasing na ata yung babae.

"Let's go now Tae," Sabi ko at lumakad papunta sa isang VIP room. Pagpasok ko ay siya naman rin pagpasok ni V. Umupo ako sa upuan na nakita ko sa VIP room. May air conditioner din dito. Big time talaga si Tae.

"What are we gonna talk about?" Deretsa na tanong ni V.

"Ano pa ba? E'di business. Malapit na matapos ang buwan na ito, at kapag nangyari yun ay magiging CEO na ako ng CLK. I just want to let you know about my plans if ever na may mangyari sa kumpanya na pinanghahawakan mo." Seryoso kong sabi. Tila naging interesado siya kaya umupo rin siya sa harap ko. There is a table between us.

"Hindi lang para sumaya ang pinunta ko dito. Because I have some bad news to tell you. First, the company of Kai seems to be challenging us. Kailangan natin gumawa ng aksyon sa inappropriate and immature thing na pinapakita nila. Second, unti-unting bumababa ang presyo ng mga produkto ng kumpanya ni Kai, what do you think? Ibababa rin ba natin ang presyo ng mga produkto natin para talunin si Kai?" Mahaba kong salaysay.

That was a trick question. Ano nga ba ang maiisip ni V? Ibababa rin ba namin ang presyo ng mga produkto? O hahayaan namin ang pakikipag-kumpitensya ni Kai?

"My answer is no." Sagot niya bigla. I was shocked about his answer. "Hahayaan natin na ibaba ni Kai ang mga produkto niya hanggang sa bumagsak ang kumpanya niya. Wala tayong gagawing aksyon. We should ignore his challenge dahil siya lang mismo ang tatalo sa sarili niya. Ituloy lang natin ang pag-abante, I don't like negative business."

"Bravo!" I clapped my hands, "My plan about it is we should even make our products more expensive so rich people will buy and flex it. Mas magiging sikat tayo. Madami ang mag-eendorso sa atin. Just like what iOS is doing now." Sabi ko naman.

"At kung sakaling may mangyari sa kumpanya mo, don't worry, handa akong tumulong. Lilinisin ko ang pangalan mo kung may manira sa'yo." Sabi ko ulit.

"Thank you, ms. Manoban." Tanging sagot niya.

Madami pa kaming pinagusapan about business and company. At pagkatapos ay lumabas na kami ng VIP room at bumungad si Jisoo na nakahandusay sa sahig habang may hawak na alak.

"Jisoo what the heck?" Ani ko at tumakbo papunta sakaniya. Binuhat ko siya at bumalik kaming tatlo sa VIP room.

"Nalasing ako....ang ganda kasi niya," Lasing na sabi ni Jisoo habang nakangiti. Akmang iinom pa sana siya sa alak na hawak niya pero kinuha ko ito at pinatong sa mesa.

Wife In Shadows (JENLISA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon