Chapter 1

12 0 0
                                    

"I do, father." Sagot ko sa pari. Nagdasal ito bago sabihin ang pinakahihintay ko....

"You may now kiss the bride."

I was about to kiss her, like as in sobrang lapit na! Pero pinigilan niya ako at bahagyang tinulak.

"What're you doing?" Tanong ko sakaniya,

"Just hug me, I don't want to kiss your disgusting lips." Bulong niya sa'kin. Agad ko siyang sinunod at niyakap.

Nagpalakpakan sila tito at dad and the rest of the visitors. Halos kami lang naman ang narito. Our marriage is private since it's only for company and me.

-AFTER A WHILE-

Narito na kami sa bagong bahay namin. Tapos na ang lahat and I'm really exhausted.

"Jennie?" Sabi ko habang naglalakad sa walking-closet. Narito lang din kasi siya kasama ko since we don't have separate rooms. Inaayos niya yung mga gamit niya sa walking-closet.

"Ano?" Iritable niyang tanong.

"Do you love me?" Tanong ko out of nowhere nang matagpuan ko na siyang nilalagay sa lugar ang mga chanel niyang bags.

"The f*ck? Ofcourse no." Sagot niya.

"Tsk, mamahalin mo din ako pag dating ng araw. Just wait for it, love." Kumindat ako sakaniya. Nandiri siya at binato ang chanel niyang bag sa akin.

"Jen, mahal yung chanel bag na 'yon! Sobra!" Sigaw ko. 'Yon pala yung regalo ko kanina sakaniya sa kasal! Mas mahal pa 'yon kahit ipagsama-sama lahat ng chanel bags niya.

"Umalis ka na nga!" Sigaw ni Jennie.

"Bahay ko 'to!" Sagot ko. Ako ang nagbayad sa bahay na'to!

"Hindi ko ginusto tumira dito sa bahay mo! Napilitan lang ako! Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Pinagpipilitan mo ako na mahalin ka! Pero hinding-hindi kita mamahalin dahil iniisip mo na nasayo na ang lahat dahil lang may utang na loob kami sa pamilya niyo! Napakamakasarili mo Lisa, 'yan ang nag-iisang rason kung bakit hinding-hindi kita mamahalin!" Naiiyak niyang sigaw.

Hindi ako nakasagot. I realized that, that is just the power of money. Hangga't meron ka ng pera, kaya mong kontrolin ang mga tao. Nabibilog ng pera ang buhay ng isang tao, kaya ginagamit ito ng kapwa tao para manlinlang.

Gusto ko man siyang yakapin, ay alam kong ipagtutulakan lang niya ako kaya lumabas nalang ako ng kuwarto para pumunta sa kusina para magluto. It's my hobby to cook whenever I'm stress or overthinking.

I decided to cook Chicken Sisig since the ingredients of it are just the only things are here. Bago lang kasi ang bahay na'to kaya't wala pang gaanong gamit. Konti lang ang niluto ko, yugn kasya lang para sa'min dalawa ni Jen.

Pagkatapos ko magluto, I wanted to call her but I was too guilty about earlier. Hahayaan ko nalang siya bumaba at kumain kung gusto niya.

Nagpahinga ako ng saglit bago kumain dito sa mesa. Habang nagpapahinga, nag-ring ang phone ko. Agad ko itong dinampot, naka-display ang name ni Jisoo kaya't agad ko itong sinagot.

"What do you want?" Agad kong tanong. She gasped on the other line,

"Grabe, what do you want agad? Wala akong need sa'yo ngayon 'no! Tara inom," Pagyaya niya.

"Nah, I'm with my wife right now. I can't drink," Sagot ko at niligpit na ang pinagkainan ko at binitawan muna ang phone ko sa mesa dahil naka speaker naman ito.

"Under yarn? Sige na, ngayon lang tol eh! Baka nakakalimutan mo, anniversary niyo ni Som-" Hindi na natapos ni Jisoo ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag.

Bakit ba hindi siya maging masaya na may asawa na ako ngayon!? Lagi nalang niya binabanggit ang hayop na babaeng 'yon! Jisoo's my friend, pero mukhang hahadlang siya sa relasyon namin ni Jennie dahil walang preno ang bibig niya. She should stop talking about my ex-girlfriend.

"What did you cook?" Tila ba nawala ang galit ko nang marinig ko ang mala-anghel niyang boses. Lumingon ako kay Jennie na ngayon ay bumababa sa hagdan.

"Chicken Sisig." Tugon ko.

"Tsk, sa labas nalang ako kakain. Don't freaking follow me or else!" Sabi nito at binuksan ang pintuan ng bahay. Pagsara ng pinto, agad akong tumakbo roon at palihim na binuksan ito para makita siya,

"Who the f*ck is that?" Mahina kong bulong nang merong Porsche Carrera Turbo ang pumarada sa harapan at sumakay si Jennie roon. Nang buksan ni Jennie ang pinto, nanginig ang kamay ko sa galit nang makita kung sino ang driver.

I aggressively opened the door completely.

"KIM JONG-IN!"

____________________

:)

Wife In Shadows (JENLISA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon