Chapter 6

6 0 0
                                    

After they buried her parents, she was still crying. She still can't believe her parents is now in heaven.

"Lisa, Jennie, mauuna na kami." Pagpapaalam ng isa sa mga bisita. Tinanguan ko lang siya pero hindi na siya pinansin ni Jennie.

Sunod-sunod na umalis ang mga bisita, pero si Jennie ay sige pa rin sa pag-iyak.

"Jen, uwi na tayo..."

"No!" Sagot niya.

"Jennie, be strong." May nagsalita sa likod ko. Nakuha nito ang atensyon ng asawa ko kaya pareho kaming lumingon.

"Jisoo?" Tanong ni Jennie.

Yes, kilala ni Jennie si Jisoo since sa La Salle kami lahat nag-aaral. At doon lang din kami nagkakilala, that's why I got obsessed with my wife.

"Alam kong may ngiti sa mga labi ang magulang mo bago sila lumisan sa mundong ito. Jen, you need to be independent. You are now 22 years old." Sabi naman ni Jisoo.

A/N: Since fanfiction lamang ito, hindi lahat ng sasabihin ko sa story about sa pagkatao ng mga karakter ay totoo. Halimbawa na rin ay sa mga edad nila, ibababa ko since mag-aaral pa lang sila. Bakasyon lang kaya hindi pa pumapasok hahaha.

"We need to leave." Bigla kong saad nang maramdaman ang patak ng ulan dahil may pumatak sa damit ko.

"No-" Hindi ko na siya pinatapos at hinila paounta sa kotse.

"Jisoo, go home!" Sigaw ko para marinig niya dahil malayo na kami. She waved her hands but we didn't respond.

"Sa mansyon niyo ba tayo uuwi-" She did not let me finish.

"Our house."

"What do you mean-" She did not let finish again.

"Our house, my wife's house." Sagot niya habang patuloy na rumaragasa ang luha niya.

"Don't worry love, we will visit their grave whenever you want." Banayad kong sabi at pinunasan ng panyo ang luha niya. She looked at me, tila ba parang kristal ang mata niya dahil nagningning ito na nagmumula sa luha niya.

Magkatabi ang mga kabaong nila Tito Kim at tita. Iyon ang lalo pang nagpa-iyak kay Jennie, dahil kahit sa huling hininga nila ay magkasama sila.

"Lisa, puwede bang hindi mo na ituloy yung annulment? Gulong gulo na ako... Andami kong lilingunin-"

"I will not. I'll even handle your company first until you're ready to take over. Kapag handa kana, magiging CEO kana ng kumpanya. We are the next generation, mahal." Pagputol ko sa sasabihin niya. Tinignan niya ako na may dalang sobrang paghanga sa mga mata niya.

"Why are you doing this, Lisa?" She asked, out of the blue. "Bakit mo ako sinasalba sa mga sitwasyon na ako lang dapat ang lumalaban?"

"Because I love you. You are my wife, my responsibility." I answered without hesitation. Hindi na siya sumagot, bagkus ay tumingin nalan siya sa labas ng bintana kaya hindi ko na nakita ang reaksyon niya.

"Thank you." Bigla niyang sabi. It made me smile, this is the first time she thanked me with her heart. This time, she meant it.

Pag-uwi namin sa bahay ay ako na ang nagbaba sa mga bagahe niya. I told her to sleep to forget the pain she has right now.

Pagtapos ng pagbaba ko sa mga bagahe niya, inayos ko naman sila at nilagay na sa walk-in closet. Nasa kaliwa ng walking closet ang kaniya habang nasa kanan naman ang akin.

Nang matapos ako sa mga gamit niya ay dumiretso na ako sa kuwarto para matulog since it's already night. I saw Jennie sleeping while hugging my pillow.

Ayaw ko siyang abalahin kaya humiga at natulog nalang ako sa tabi niya nang walang unan.

I should buy more pillows next time.

Sa kakaisip ay dinalaw na ako ng antok kaya't agad akong nakatulog.

-AFTER ONE WEEK-

"Jen?" Tanong ko habang nagluluto ang asawa ko. Marunong naman pala siya magluto.

"Yes?"

"Anong gagawin natin sa bahay niyo? Gusto mo bang pumunta tayo roon?" I asked.

"Sure. But, I'm still thinking on what we are gonna do about it." Sagot nito at pinatay na ang kalan. "Breakfast's ready."

"What if we sell it-"

"No." Kaagad niyang akibat.

"Okay...." Sambit ko naman. "If ever na magka-anak na tayo, can we show the house and share our memories with them?" I asked.

"Hindi tayo magka-anak, it's impossible-"

"Nothing is impossible, mahal. We can just have s*x and I will get my egg cells and transfer it to you. Pero kailangan natin pumunta sa america para maisagawa 'yon," Sagot ko naman. Muntik pa niya akong sabuyan ng mantika nang sabihin ko 'yon.

"Totoo ba 'yan?" Nahihiyang tanong niya.

"Ofcourse. Pero, desisyon mo ang masusunod. Sa ngayon, hinihintay ko lang ang sagot mo kung ready kana i-take over ang kumpanya at maging CEO."

"Just wait a little, magiging handa rin ako pagdating ng panahon. Sariwa pa ang sakit ng pagkamatay ng magulang ko sa'kin, Lisa." Saad nito.

"Pero hindi na puwedeng ako pa rin ang mag-handle at maging CEO ng kumpanya niyo, Jen. Malapit na akong ma-promote as our company's CEO. Sa sabado na ang promotion ko, hindi ako puwedeng mag-handle ng dalawang kumpanya." Tugon ko.

"Please?" She pleaded.

"No."

"Fine. bukas na bukas, I will sign the papers to be the new CEO. Pero puwede ako manood sa promotion mo di'ba?" Tanong niya.

Wala manlang siyang alam tungkol sa mga kumpanya? Puro pasarap lang kasi itong babaeng 'to.

"Hindi puwede, kasi mapo-promote ka din as the new CEO of Kim's Scent. May event rin sainyo kapag ganon." Saad ko habang kumakain.

"Tsk, I just want to be a normal person." Jennie rolled her eyes before eating.

"But being a CEO is what your parents left you. You should be proud, Jennie."

Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Ewan ko ba kay papa, ginawa niya pa akong COO ng kumpanya pero hindi naman ako yung nagtatrabaho, posisyon ko 'yon pero may hinire niya para i-handle ang posisyon pero sa akin pa rin ang titolo ng pagiging COO.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami. It's our first day in DLSU. Nakakamiss pumasok roon.

A/N: If you don't know DLSU aka La Salle, it is a real university in the Philippines. : ) DLSU means De La Salle University. The pronounciation of La Salle is La-Sal.

"Let's go?" Sambit ko nang makitang lumabas si Jennie suot-suot ang uniporme niya.

Agad kaming sumakay sa kotse at nagdrive na ako papuntang DLSU.

Pagbaba namin sa Bugatti ay may bumangga sa'kin.

"Sorry." Saad ng babae at tumakbong muli. Nanlaki ang mata ko nang punasan ni Jennie ang uniporme ko gamit ang tissue.

"Let's go." Sabi naman ni Jen at nauna na maglakad. Sumunod ako sakaniya at ilan pang hakbang ay nakasalubong namin si Jisoo.

"Goodmorning, love birds." Pag-ngiti niya.

Babatiin ko rin sana siya pero may tumawag sakaniya. Lahat kami ay napalingon,

"Babe." Biglang sabi ni Jisoo. Tinignan ko muli ang tumawag, babae ito. At... PUTCHA!

"Ikaw yung nakabangga ko kanina di'ba?" Tanong ko.

________________________
:)

Wife In Shadows (JENLISA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon