RELAX na relax na nakaupo si Charlie sa isang sulok ng café habang umiinom ng black coffee. Bawat pahigop niya sa mainit na kape ay ninanamnam niya ang sarap nun. Sa lahat kasi ng klase ng kape na naimbento sa buong mundo, black coffee is the best for her. Simple ngunit masarap. And it soothes her everytime sge drinks it.
Muli niyang pinagmasdan ang mga tao sa loob ng coffee shop niya. Yes, she owned that simple but cozy café na hindi rin naman nagpapahuli sa mga sikat na coffee shop sa bansa. Marami rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi siya nagbubukas ng ibang branch ng Café Romance. Pinagkikibi-balikat lang niya iyon. Kontento na kasi siya kung ano ang nagging resulta ng café niya.
It was just a simple name pero para sa kanya, buong buhay niya ang ibig-sabihin ng Café Romance. gusto niyang tulungan ang mga taong brokenhearted at gusting magmove-on sa kanilang pas relationship.
Maramina siyang nasaksihang love story na nagsimula ditto. But unfortunately, marami din ang nagtapos na pag-ibig sa bawat sulok ng café. Lagi niyang sinasabi sa bawat taong nabibigo sa pag-ibig na huwag silang mawawalan ng pag-asa. May mga bagay na sadyang kailangang mawala sa buhay mo para iparealize sayong may mas maganda pang nakalaan para sayo. You just have to sit and wait for a while. Siguro naman hindi ka maghihintay ng dekada sa taong nakalaan talaga para sayo. Kailangan mo lang talagang buksan ang puso mo para sa iba. Aba malay mo, matagal na palang nasa harapan mo ang tunay na pag-ibig ngunit sadyang nabubulag. You have to open your heart, to see and hear the true meaning of love.
Mula sa paghigop ng kape, napatingin siya sa entrance ng shop niya. Natuon ang buong atensyon niya particularly sa isang babae. Maganda ito at balingkinitan ang pangangatawan. Kahit pa sabihing may kaliitan nito ngunit may taglay naman itong karisma na hindi mo basta-basta masasawalang bahala. Mas lalo kasing lumutang ang ganda nito dahil sa kulutang buhok na binagayan sa heart shaped na mukha nito.
She looked haggard and… sad?
Ramdam niya sa aura nito ang lungkot nakatago sa mga magagandang mata nito.
Walang pagadadalawang-isip na nilapitan niya ang babae.
“Welcome to Café Romance, Ma’am. You can find peace and love in here.” nakangiting sabi niya dito.
Walang emosyon na tinignan siya ng babae. Mas lalong umikit sa isipan niya nito ng tulong.
"Lason? Mayron ba kayo dito? Yung tatalab agad?"
Napangiti siya sa narinig niyang tugon dito. Mukhang may bago na naman siyang matutulunga sa pag-ibig.