WALA sa hinagap niya na ang lugar na tinutukoy ni Yvo ay ang Café Romance kung saan una silang nagkita.
Ilang sandali muna siyang tahimik ng pumarada na sa parking lot ng cafe ang kotseng kinaroroonan nila.
"What the hell are we doing here? Inistorbo mo lang ba ako para lang uminum ng kape?" sikmat niya dito.
Ngumiti lang ito sa kanya. Lumabas ang pantay-pantay na at mapuputing ngipin nito. Napansin din niya ang mga labi nito, natural na mapupula ang mga iyon. At mukhang mas naturang ang pula niyon kaysa sa kanya.
Pumilig siya. Hindi siya pwedeng mag-isip ng kung anu-ano. Kailangan niyang magawa ang plano niya, para makapaghiganti siya sa Daddy niya.
"Dito kita dinala para malaman mo kung gaano kahalaga ang buhay natin." pagkasabi nun ay umibis na ito ng kotse.
Napasimangot siya. Walang kaalam-alam ang lalaking ito kung gaano kabigat ang nararamdaman niya.
Kinatok nito ang bintana ng kotse para kunhn ang atensyon niya at sumenyas na bumaba na siya ng kotse. Nakairap na umibis siya.
Naisip niyang pagbigyan na lang ang lalaking ito kung anuman ang binabalak. Tutal, pag-uwi niya ay mangyayari na ang gusto niya.
"Teka, closed ang coffee shop?" tanong niya kay Yvo ng mapansin ang closed sign na nasa may entrance door ng shop.
"Yes, pero open siya sa mga exclusive members ng Cafe Romance."
Pagpasok na pagpasok nila ay nasa kanila ang buong atensyn ng tao sa loob ng cafe. na ang tantya niya ay nasa sampu ang bilang. Maingay ang mga ito kanina ngunit natahimik ang lahat ng pumasok sila ni Yvo.
"Pare, sino yang magandang dilag na kasama mo?"
Narinig niyang sabi ng isang mestisong lalaki na long hair ang buhok. Halos kasing tangkad lang din ito ni Yvo pero halatang mas malaki ang katawan nito. Mukhang gym instructor ito base sa mamasel na pangangatawan.
"Si Hasmin, Pare. Hasmin, meet my buddy, Mico."
Sa gulat niya ay bigla nitong hinawakan ang palad niya at nakipagkamay .
"It's so nice to meet you, Hasmin. Alam mo bang ikaw pa lang ang kauna-unahang babae na dinala ng kaibigan kong ito?" nakangiting tudyo ni Mico sa kanila.
Napasimangot siya.
"Yeah, inistorbo niya ako para lang dalhin dito."
"Really? Talagang ganyan si Yvo. Thoughtful talagang tao yan."sabi nito sabay ngisi kay Yvo.
"Actually, wala siyang ginawa kundi pestihin ako."
Bago pa makapagreact si Mico sa sinabi niya ay nakasingit na si Yvo.
"Pare, nasaan si Charlie?"
"Nasa kitchen. Mukhang may pinagtataguan na naman." naiiling na turan nito bago siya binalingan ulit.
"So, paano? Ayaw ko nang istorbohin ang date niyo ng kaibigan ko. Enjoy and see you around." sabay tapik sa balikat ni Yvo.
Magrereact pa sana siya para kontrahin ang sinabi nito ngunit nakaalis na ito sa harapan nila. Sa inis ay tinignan niya ng masama si Yvo.
"Masaya ka na ba ha?" asar na sabi niya dito.
Mukhang hindi na niya kailangang pag-isipan pa kung ipapakulong niya ito. Masyado na siyang naaasar dito.
"Nope. Hanggat't hindi ko nababago ang isip mo hindi ako magiging masaya."
Inaasan niya lang ito ng kilay.