CHAPTER TWO
MABIGAT ang mga hakbang na lumabas siya ng building. Pakiramdam niya para siyang pinagkaisahan ng buong mundo. Napakabilis ng pangyayari sa kanya, sa kanila ng pamilya niya. At lalo na sa kanyang mama.
Ilang linggo lang matapos silang iwan ng Daddy niya ay bumigay naman ang katinuan ng mama niya. Yes, nabaliw na ito. Kaya wala siya choice kundi ipaconfine na ang mama niya sa isang private mental hospital. Halos hindi parin niya matanggap sa sarili niya ang nangyari sa mama niya. Sa pamilya niya.
Nitong nakaraang linggo kasi ay napapansin niyang parang laging balisa ito at wala sa sarili. Nagugulat na nga lang siya sapagkat bigla nalang tatawa ito ngunit mamaya ay iiyak naman habang tinatawag ang pangalan ng Daddy niya. Halos hindi na niya iniiwan ang mama niya. Ngunit hindi na yata nito nakayanan ang labis na hinagpis at pagkabigo. Tuluyan ng nabaliwan ang mama niya.
Naikuyom niya ang palad. Labis na hatred ang nararamdaman niya nga mga oras na yun. Galit siya sapagkat napakawalang puso ng Daddy niya.
Hinayaan na lang nitong mabaliw ang mama niya. Masaya na siguro ito kasama ang kerida nito. Naalala niya noong halos magmakaawa na siya dito para lang balikan ang mama niya. Ngunit parang napakatigas ng puso nito.
She felt betrayed and hopeless. Parang wala ng direksyon ang buhay niya ng mga oras na iyon. Suko na siya. At pagod na pagod sa sakit na nararamdaman niya.
She wanted to die. Gusto na niyang mamatay para wala ng sakit.
Ano pa ba ang saysay ng buhay niya? Wala na siyang matatawag na pamilya. At wala narin ang mama niya. Alam niyang kapag nalaman ni Arnold na nagpakamatay siya, habang-buhay itong makokonsensya. Gusto niyang dalhin nito mula sa hukay ang sakit na naramdaman nilang mag-ama.
What a sweet revenge..
Mapait siyang napangiti.
Mula sa hospital ay naglakad-lakad muna siya. Gusto niyang kahit na sandali, makita pa niya ang mundo. Halos isang oras na siyang naglalakad na parang wala sa sarili ng may mahagip ang mata niya. Binasa niya ang nakasulat, Cafe Romance.
It was just an ordinary cafe but there's a urge in her na pumasok siya sa loob. Saglit lang siyang nagdalawang-isip. And she decided to go inside.
Like what she thought, isang ordinaryong cafe lang iyon. Ngunit iba ang mararamdaman mo kapag pumasok ka na sa loob. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Napakaartistic ng pagkakadesign ng buong cafe. Mahahalata mo talagang puro sa love ang tema.
"Yeah, obviously.."
Ilang sandali pa ay may lumapit sa kanyang isang babae. Matangkad at may balingkinitang katawan. Masasabi niyang pangmodel ang dating nito base na rin sa tindig at personality.
"Welcome to Cafe Romance, Mam. You can find love and peace in here." nakangiting bati nito.
Alam niyang hindi lang ito isang ordinaryong empleyado sa cafe na iyon. Halata sapagkat hindi ito nakauniform na katulad ng suot ng mga waiters doon. Malamang nga ay ito ang may-ari.
"Lason? Mayron ba kayo dito? Yung tatalab agad?"
Imbes na maweirduhan sa kanya ang babae ay nginitian lang siya nito.
"I don't think na magugustuhan mo ang lasa nun, Mam. But we have specialty here in our cafe na sadya talaga dinarayo ng mga parokyano namin. But before anything else, have a seat."
Tumango lang siya dito at tinungo ang pwestong nilaan nito sa kanya. Napansin niyang pati upuan at lamesa ay may kaugnayan sa love. Heart shaped ang mga iyon.
"By the way, before I take your order, I'm Charlotte Salazar but I prefer Charlie." nilahad nito ang kamay sa kanya.
Tinanggap naman niya iyon ayon sa kagandahang asal.