Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanya pagkauwi niya ng bahay. Hinayaan na lang niyang nakapatay ang ilaw, mas gusti niyang mamatay sa dilim.
Balewalang inihagis niya ang bag niya sa sofa. Napakagulo ng bahay nila ngayon, halatang walang nag-aabalang maglinis. Matagal na niyang pinaalis ang katulong nila. Tama na yung siya na lamang ang maksaksi sa kamiserablihan ng mama niya.
Sa munting liwanag na nagmumula sa lampshade, pinagmasdan niya ang family picture nila. Mababakas sa larawang iyon kung gaano kasaya ang mama niya. Pero ang matatamis na ngiting iyon ay naglaho ng lahat. Nabaliw ang mama niya sa labis na pagmamahal nito kay Arnold. Muli siyang nakadama ng galit. Ubod na lakas niyang inihagis ang picture frame sa pader. Lumikha iyon ng malakas na tunog mula sa pagkabasag ng salamin kasabay ng pagpapatak ng luha niya.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig at parang batang niyakap niya ang tuhod. Matagal siya sa gaanong posisyon bago niya napagpasyahang kumilos para simulan ang balak. Kinuha niya ang bag at inilabas ang isang bote ng sleeping pills. Marahil ay sampu hanggang labing-lima ang kailangan niyang inumin para hindi na siya magising, habang buhay.
Binuksan niya ang bote at inilabas ang mga gamot. Mahigit sa sampung tableta ang nasa palad niya ngayon. Napapikit siya ng mariin. Patawarin siya ng Diyos pero ito lang ang paraang alam niya para makatakas siya sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras iyon.
"YOU WHAT?" medyo napataas ang bosea niya pagkarinig sa sinabi ni Charlie sa kabilang linya.
Kakagaling lang niya sa condo ni Lance. Pero ng malaman niyang nawawala ang wallet niya ay dali-dali siyang nagtungo sa cafe ni Charlie. But he decided na tawagan muna ang huli. At iyon nga, tama ang hinala niyang naiwan niya ang wallet sa cafe. Okey na sana ang lahat ngunit nagulantang siya sa sinabi ni Charlie.
Minabuti niyang ihinto muna ang kotse niya at ipinarada sa tabi para makausap niya ng maayos si Charlie.
"Binigay ko ang wallet mo kay Hasmin. Ang sabi niya kasi siya na lang daw ang magsasaoli sayo. How nice diba?" narinig niyang sabi nito.
"But I barely know her, Charlie. Bakit mo pinagkatiwala ang wallet ko sa iba?" turan niya dito.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkainis sa ginawa nito.
"Look, Yvo. Hindi naman mukhang snatcher o masamang tao si Hasmin. I'm sure ibibigay niya sayo ang wallet mo."
"Pero kahit na. Alam mong mahalaga sakin ang laman ng wallet na yun."
Nandun kasi ang nag-iisang picture ng nanay niya at pinagkakaingatan niya iyon ng husto.
"Okey. Para mapanatag ka ibibigay ko na lang sayo ang number pati na din ang address ni Hasmin. If you want, puntahan mo na lang siya."
Napipilitang sumang-ayon siya sa suhestiyon nito. He has no choice kundi puntahan ang Hasmin na yon kung talagang gusto niyang mabawi ang wallet niya. Gusto niyang magalit kay Charlie ngunit hindi niya magawa. Masyado silang close nito.
Pagkareceive niya ng number at address ni Hasmin ay walang pag-aaksayang tinawagan niya agad ito.Noong unang attempt niya ay walang sumasagot sa kabilang linya. Ngunit hindi siya sumuko. Inulit niya ulit ang pagdial. Marahil siguro ay nakulitan sa kanya kaya maya-maya ay sinagot na nito ang tawag niya.
"Hello?"
Narinig niyang sumagot nito sa kanya. Hindi nito itinago ang pagkairita nito sa kanya. Pero wala siyang pakialam. He need his wallet badly.
"Is this Hasmin Andaya?"
HANDA na sana niyang inumin ang tablets na nasa palad niya ng biglang binulahaw siya ng maingay na ringing tone ng cellphone niya. Hindi na sana niya papansin iyon ngunit halatang hindi titigil kung sinoman ang caller niya. Asar na kinuha niya ang cellphone sa bag at inalam kung sino ang tumatag. Unregustered number ang nasa screen.