NARAMDAMAN na niya ang paglapat ng labi ni Yvo sa labi niya. Nanginig ang tuhod niya sa sensyasong dulot ng halik nito.
Nang hindi na siya nakatiis ay kinawit niya ang dalawang kamay sa batok nito. Naramdaman niya mas lalo nitong hinigpitan ang pagkayap sa beywang niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong pakiramdam. Na para bang nakakaliyo sa sobrang sarap ng halik.
“Hasmin.” sambit nito ng pakawalan ang mga labi niya.
Finally, she oponed her eyes.
“Yvo..”
Tinitigan lang siya nito at malambing na hinamplos ang buhok niya.
“Yes?”
“Kiss me..”
Nakangiting tumango ito at sinunod ang sinabi niya. This time, aaminin at tatanggapin na niya ang katotohan. She was falling inlove with him, deeply and madly.
HINDI niya alam kung anong tawag sa nararamdaman niya. Masaya siya and at the same time, natatakot siya.
Yes, noong oras na hinalikan siya ni Yvo ay tinanggap na niya sa sarili niya na inlove siya dito. They don’t talk about their feelings. Basta ang alam lang niya, lagi siyang nasasabik sa mga halik nito.
At heto nga, kasalukuyan silang nagbabake ni Yvo. Nabanggit kasi niyang gusto niyang matutong magbake kaya naman nag-alok itong turuan siya.
Pero heto siya’t nakaupo lang at nakapangalumbaba habang pinanonood nito. Wala kasi talaga siyang idea kung paano magbake.
“Bakit?” narinig niyang tanong ni Yvo habang naghahalo ito ng ingredients para sa chocolate cake.
“Anong bakit?”
“Bakit ganyan ang tingin mo sakin? Pinagtatawanan mo ako eh.“
Napahagikgik siya sa sinabi nito. Sino ba naman ang hindi matatawa sa hitsura nito ngayon? Nakaapron kasi ito na pink at puro flowers pa ang design. Pinilit niyang ipasuot yun kay Yvo at pinagbigyan naman siya nito.
“Is it because of this?”tinuro nito ang suot na apron.
Natatawa pa rin na tumango-tango siya.
“Don’t worry, gwapo ka pa rin naman eh. Yun lang nabawasan dahil sa apron na yan.”
“Aba, aba, Ms. Hasmin Chua. Baka magalit sayo ang fans ko niyan kapag narinig ang sinabi mo.”
“Fans? Sinong fans naman ang tinutukoy mo? Nananaginip ka na naman.” kontra niya.
Hindi ito kumibo ngunit nginitian lang siya nito.
“Pakiabot naman yung sugar oh.” malambing n autos nito sa kanya.
Nagdududang tinignan niya si Yvo. Mukhang may gagawin na naming kalokohan ang lalaking ito.
“Ayoko nga.” tanggi niya.
“Sige ka. Hindi magiging perfect itong chocolate cake natin.”
Duda man ay sinunod din niya ang utos nito.
“Saan ba nakalagay ang sugar?”
“Nasa taas ng cabinet.”
Kinuha niya agad ang sugar at dali-daling inabot dito. Pagharap niya ay napatili siya ng malakas sa sobrang gulat. Nilagyan kasi ni Yvo ng icing ang mukha niya.
“I thought so! May gagawin na naming kalokohan eh!”
Napahalakhak lang ito sa sinabi niya. Nahagip niya ng tingin ang isang bowl ng harina na nasa mesa. At habang abala sa pagtawa ay pasimple siyang dumakot ng harina at walang sabi-sabing inihilamos niya sa mukha ni Yvo.