15

8K 127 22
                                    

BEA

It's been a week, palagi kaming magkasama ng anak ko. Pero nagyon, I decided not to see her for a while. I accepted the offer of  Tots kasi may gagawa ng bahay daw at kailangan ng taga masa at taga pile ng hollow blocks. Sakto din yon kasi 4 days from now ay birthday na ng anak ko. At least may extra income ako. 400 per day kaya ayos na rin. Malapit lang naman sa bahay ko ang gagawin naming bahay. Kasama ko naman sina Tots at Jaycel kaya walang problema.

Pagdating namin sa workplace, nagsimula na agad kami mag masa ng semento. Andito rin ang engineer ng gagawing bahay, aaminin ko na maganda at sexy siya pero walang wala sa Jhoana ko.

"Pre, sa semento ka tumingin hindi sa engineer" sabi ni Tots. Napailing naman ako.

"Oo nga, Ate Bei. Baka mamaya hindi ka makapag pile ng maayos dahil sa engineer ka naka focus" kantyaw ni Jaycel.

"Tumigil nga kayo, 10 tayo dito pero parang walo nalang kami kasi ang daldal niyo diyan" sabi ko at nilagay ko naman sa balde ang namasa kong semento at inabot sa ibang kasama namin.

Pansin ko na tingin ng tingin ang engineer sa akin. Naiilang naman ako. Nagpatuloy lang kami sa pagta trabaho. May break time din kami. Malapit na mag lunch kaya naman lumapit ako kay Tots na kausap ngayon ang engineer.

"Tots, salamat sa pagtulong sa akin sa paghahanap ng mga trabahador ha. Napabilis tuloy ang pag gawa sa bahay." sabi nung engineer.

"Ay, nako. Wala ho yon, maam. Pasasalamat na rin po kasi tinulungan niyo din ako dati" sabi ni Tots. Napansin naman nila ako.

"Hey, you look so familiar. Have we met before?" tanong nung engineer sa akin.

"Uh, hindi pa po, maam." nahihiyang sabi ko.

"You look like Beatriz De Leon. Maybe namamalikmata lang ako" sabi niya. Tumango naman ako. That's me, ma'am.

"Anyways, excuse me for a while." sabi niya.

"Tots, sa bahay na tayo kakain. Naghanda si maam don e." sabi ko.

"Ayon, namiss ko rin luto ng nanay mo. Palagi kayong wala dito noong nakaraang linggo eh" sabi niya. Napangiti naman ako. Sobrang malapit narin kasi talaga ang loob ni Mom at ang mga kaibigan ko dito.

We still have 30 minutes pa before our lunch break kaya naman nagpatuloy pa ako sa pag masa at pagbubuhat ng mga semento. Puros alikabok na ang suot kong damit. Pero na agaw naman ang atensiyon ko when a car stopped. Gilid ng kalsada lang kasi itong ginagawa naming bahay.

"DADA" sigaw ng isang cute na bata na naka dungaw sa bintana ng puting sasakyan. Kumaway naman ako sa kanya at lumapit.

"Hey, I can't kiss you for now. Dada is still dirty pa." sabi ko, she smiled at me.

"Mommy La called us that we will be having a lunch here." sabi niya. Nakita ko naman si Jho na katabi niya na may pagtataka sa mukha. Ngumiti naman ako sa kanya, she just nodded at me. "I miss you, Dada" sabi niya.

"I miss you too, as long as I want to talk to you. But your car is blocking the drive way" sabi ko, nakita ko naman na medyo na traffic na ang daan. Kaya nagpa gilid muna ang sasakyan nila. Tita lovel lowered down the window on the passenger seat.

"Good noon po, Tita" sabi ko, ngumiti naman siya. Nag wave naman ako sa driver nila.

"We will see you nalang sa bahay niyo ha." sabi ni Tita kaya tumango naman ako.

"Dada, I'll see you po later" sabi ng anak ko.

"See you, later baby. I miss you too" sabi ko. Bumusina naman ang driver nila and Bel waved her hand at me. Bumalik naman ako kung saan naroroon sina Tots.

Fuck Buddy Where stories live. Discover now