17

7.6K 94 15
                                    

JHO

"Bel, eat your breakfast na because Dada will be the one to bring you to school" sabi ko sa kanya. But she just ignored me, hindi niya rin ako sinulyapan.

Guess what? Nagkaka ganyan siya kasi dahil sa usapan namin noong nakaraang gabi. It's been 3 days at hindi niya pa rin kami kinakausap ni Bea nang maayos. She will just kiss us or hug us and that's it, maglalaro nalang siya mag isa. This is her first time na papasok sa school na sinasabi ni Bea, mabuti nalang may kakilala siya doon at napadali din ang pag eenroll namin kay Bel.

"Are you already done? There's still food left in your plate" sabi ko sa kanya.

"I can't finish my foods, I'm so full" plain na sabi niya, napa buntong hininga nalang ako.

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at dali daling naglakad papuntang sala, umupo naman siya doon sa couch katabi ang bag niya na Hello Kitty. She really like Hello Kitty. Niligpit ko naman ang pinagkainan niya at pumunta na rin sa sala.

"Good morning, baby!" masiglang bati sa kanya ni Bea. Itetext ko na sana siya to asked her if saan na siya but speaking of, she's here na.

"Morning, Daa!" sabi niya sabay yakap kay Bea, binati naman ako ni Bea at kinarga niya na si Bel.

"Papa told me na you can use my old car, don't worry galing pa yan sa shop so it's safe and in condition" sabi ko, inabot ko naman sa kanya ang susi, tinanggap niya naman agad.

"Bye, baby! Take care and behave, okay?" sabi ko sa kanya. Niyakap ko naman siya habang karga pa din siya ni Bea at hinalikan sa pinsgi.

Halikan din ba kita, Bei? emz. Lapit ng mukha namin e.

"Bye, Mom" sabi niya.

"We'll go ahead, Jho. Balik ko din sa'yo ang susi after kong mahatid si Bel" sabi ni Bea, sinamahan ko naman sila palabas ng gate.

Binuksan naman ni Bea ang back seat at doon pinaupo si Bel, inabot ko naman sa kanya ang bag niya. She waved at me and nag flying kiss din siya. Sumakay naman agad si Bea sa driver seat, bumusina naman siya bago tuluyang umalis.

Pumasok na ako sa loob at umakyat papuntang kwarto namin ni Bel, hindi ko alam kung bakit naisip ni Bel na bigyan siya ng kapatid. Hindi niya din kasi alam na wala na kami ng Dada niya. How will I explain this to her, I can't tell her our situation right now, Bel is too young knowing all of these things. I lay on my bed and I used my phone. I was supposed to text Bea but suddenly a caller ID appears on my screen.

"Hello?"

"Hi, Jho. How's your stay there? Okay lang ba kayo?" sabi ni Ged sa kabilang linya.

"Hello, Ged. Okay lang naman. We're both find here ni Bel. Napatawag ka?" sabi ko.

"Just want to hear your voice, can I speak to Bel? Miss ko na ring yung batang yan e" masiglang sabi niya.

"Oh, she's not here. Hinatid siya ni Bea sa school niya" sabi ko

"Ah, ganun ba? Anyways, kaya pala ako napatawag aside sa gusto kong marinig ang boses mo, uuwi din pala ako diyan" sabi niya

"Oh, really? When?"

"2 days from now, relax muna ako from work. As long as I still want to talk to you, Jho. Pinatawag ako sa office e, so kitakits nalang?"

"Yeah, sure. Kitakits, Bye!" sabi ko.

"Bye, Jho. Take care. See you soon" sabi niya and he ended the call.

After that, I fell asleep.

__________________________

Nagising ako nang marinig ko ang ingay sa baba, I checked my phone and it's already 1 pm, so it means andito na si Bel. Actually, half day lang ang class ni Bel kaya sa lunch, andito na siya sa bahay. Dali dali naman akong bumaba at sinundan ang ingay na nagmumula sa kusina. I saw Bea and Bel are busy cooking.

Fuck Buddy Where stories live. Discover now