xii

20 3 0
                                    

Pamilya

Lahat may katapusan,
'Gaya nang sabi ng aking magulang,
At wala ka raw mapapala,
Kung ikaw lang ay tutunganga.

May pangarap ako at iyon ay alay sa kanila,
Maging isantabi muna ang kagustuhang magkaroon din ng pamilya.
Binuhos ko ang lahat,
Lahat-lahat na sa tingin ko'y nararapat.

Maayos na, komportable na ako,
Subalit bumulong si Ina,
“Hindi mo ba tutuparin ang isa mo pang pangarap?”
Ngumiti ako, mayroon pa pala?

Sinubukan ko Ina,
Hindi niyo lang alam.
Umiyak, tumahan, at natutuhan,
Na sa buhay, sikretong unahin muna ang pamilyang ating kinalakihan.

••
Dedicated to : Old Self

REMINISCE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon